Lumipas ang mga araw at naging mas malala ang morning sickness ko. Madalas nalang din akong umiyak ng walang dahilan, madalas akong walang gana at wala sa mood kaya naman lagi kong nasusungitan si Faye. The doctor said it's normal though, the nausea, the morning sickness and the discomfort. Although she told me to call her immediately if these are too much. Naomi and Gelo would often visit me too, may dalang prutas at iba pang pagkain. Hindi kami close pero nakikita ko ang concern niya sa akin. She didn't promise that she'll keep it a secret pero hindi raw siya magsasalita kung wala namang magtatanong. Ipina-cancel ko ang pag-uwi ko sa Italy dahil sa takot na baka mapano pa ako kung ako lang mag-isa. Nagtanong si Fifth pero gumawa ako ng alibi, na may mga gagawin pa pala sa school at hi

