B-17

2993 Words

Malamig ang simoy ng hangin nang dumating sina Sophia at Laddicus sa Altamerra farm para sa sem break. Mula sa malayo pa lang, tanaw na niya ang malawak na lupain—mga kabayong malayang tumatakbo, mga manggagawang abala sa bukirin, at ang malaki ngunit eleganteng bahay na gawa sa kahoy at bato na tila may halong luma at moderno. Hindi niya maiwasang kabahan; pakiramdam niya’y pumapasok siya sa ibang mundo. “Relax,” bulong ni Laddicus habang nakapatong ang kamay nito sa likod niya, parang ramdam ang nerbiyos niya. “They’ll love you.” At hindi nga siya nagkamali. Pagbaba nila ng sasakyan, agad sinalubong sila ng mga pinsan, tiyuhin, at tiya ni Laddicus. Parang fiesta ang dating—may mga nakahandang pagkain sa malaking mesa sa labas, may mga batang tumatakbong parang hindi nauubusan ng ener

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD