“Hi.” Natigilan si Kristina at nakatingin lang sa lalaking nakatayo ngayon sa pintuan nila. Nakangiti nang tipid sa kaniya. Napalunok siya at kaagad na inayos ang sarili. “H-Hi, pasok ka,” aniya at gumilid. Napatignin siya sa paligid at hinahanap si Kriel, mabuti na lang at wala ngayon sa bahay nila. Sa tingin niya ay nasa kapit-bahay na naman iyon. “Gael!” Masayang nilapitan ito ni Sophia at inalalayan ang dating asawa. Nakasunod lang ang tingin ni Kristina sa dalawa at umiwas din naman kaagad. “Kristina, kumain ka na ba?” Napalingon siya at kaagad na napangiti nang makita si Jiro. “H-Hindi pa, ikaw?” tanong niya rito. Nakatingin lang sa kanila si Iker. Lumapit ito sa kabaong ng ama niya at nagbigay respito saka naman pinaupo ni Sophia. “Kumain ka na?” tanong ng dalaga rito. Umil

