“Eh totoo naman, saka mabait naman iyon eh. Kaunting pera lang iyon sa kaniya no,” wika nito. “Kahit na po, kung kayo hindi tinatablan ng hiya, ako oo. Ako ang kasama niya roon, palamunin, at umaasa rin sa kaniya. Kaya sana, huwag niyong sagarin ang kabutihan ng asawa ko. Nabuhay naman tayo noon na wala pa siya. T’saka malalakas pa naman kayo, walang rason para hindi maghanap ng trabaho. O kaya magnegosyo at may sapat naman na kayong pera,” aniya. “Ba’t pa magtatrabaho eh mayaman naman na ang asawa mo? Saka nangako siya sa ’min na susuportahan niya kami,” giit ni Sophia. “Asawa ka ba niya para mag-assume nang ganiyan?” basag niya sa kapatid. Natahimik naman ito. “Kapag mabuti sa inyo iyong tao, porket wala kayong naririnig na reklamo ay totodo rin kayo. Kapag pinakitaan kayo nang mabut

