“Uy! Nandiyan na ang asawa niya,” tukso sa kaniya ni Mayumi at sinundot pa talaga ang tagiliran niya. “Ano ba?” aniya at pilit na pinipigilan ang sarili na ngumiti. “Parang modelo eh oh, tingnan mo. Pinagtitinginan tuloy ng mga kasama natin,” wika ni Mayumi. “Kristina!” Natigilan naman silang dalawa at napangiwi si Mayumi. Si Jiro ang tumawag sa kaniya. Lensyak talaga. Sinakto pa na nandito ang asawa niya. “Girl, parating na rin ang hubby ko. Kaya mo na ‘yan,” wika ni Mayumi at nagmamadaling umalis. “Mayumi!” tawag niya rito. Kumaway lamang ito at nginisihan siya. Naiwan naman si Kristina na hindi alam ang gagawin. “J-Jiro,” aniya rito at alanganing nginitian ang binata. Napakunot naman ang noo ni Iker na nakatingin sa asawa niya na nilapitan ng binatang hapon. “Magla-lunch ka na b

