CHAPTER 15

2313 Words
CHAPTER 15 “Good Morning, Honeeyyyy…” pagkadilat ko pagmumukha agad ni Brenda ang nakita ko. Sa gulat ko napabangon ako bigla kaya nagka-untugan kami. Sa couch na kasi ‘ko nakatulog at ito namang Brenda nakaupo sa gilid ko at nakaharap sa ‘kin. “Aray!” sabay pa naming sabi, sabay rin naming hinimas ‘yung mga noo namin. Ang sakit! Ang tigas ng ulo niya. Pakiramdam ko naalog ‘yung utak ko. “Mang-gigising ka lang kailangan nakalapit pa ‘yang mukha mo sa ‘kin?! Lumayo-layo ka nga!” bulalas ko sa kanya. Bigla naman niya nilagay ‘yung hintuturo niya sa labi ko. “Shhhh… Huwag ka maingay. Magigising si Mommy.” Napatingin pa siya kay Nanay pagkasabi niya noon. Tinanggal ko naman agad ‘yung daliri niya na nasa labi ko. Akala naman niya mapapatahimik niya ‘ko. “Paanong ‘di ako mag-iingay. Panira ka ng umaga.” Mahina pero matigas ‘yung pagkakasabi ko sa kanya. “Honey naman, ang aga-aga ang suplado mo na agad sa ‘kin. Akala ko pa naman matutuwa ka na paggising mo, itong kagandahan ko ang bubungad sa ‘yo,” sabi niya sabay ngiti. In fairness ang ganda ng ngipin niya. Pantay at ang puti. Alaga siguro sa dentista. Pero kahit na, ‘di pa rin siya maganda sa paningin ko, dahil nakakabwisit siya. “Tss.. Ganda.. ‘Asan ang ganda?” sabi ko, saka ko siya tinaasan ng kilay. Tumayo ako at saka naglakad palapit sa kama ni Nanay habang inayos ‘yung damit ko. ‘Yung suot ko pa rin kasi kagabi ang suot ko. Hindi na ‘ko nakapagpalit pa at nakatulugan ko na ‘yung pagod. Tumayo naman si Brenda at lumapit sa may mesa. “Pinagdala kita ng breakfast. Ako nagluto nito.” Hindi ko siya pinansin kahit nasa tabi ko na siya at hawak ‘yung plastic container na may lamang pagkain. Pinagmasdan ko lang si Nanay. Mahimbing ‘yung tulog niya. Hinawakan ko siya sa noo para pakiramdaman kung mataas pa ba ‘yung lagnat niya at buti na lang wala na. “Honey, kainin mo na ‘to. Anong oras na, hindi ka pa kumakain.” Pangungulit pa niya. “Hindi pa ‘ko gutom,” sagot ko sa kanya, kaso traydor ‘yung tiyan ko. Bigla ba naman tumunog. Ang lakas  pa! At hindi lang isang beses kundi dalawang magkasunod pa. Hindi ko naman alam kung paano pipigilan. Kitang-kita ko ‘yung pag-ngis ni Brenda. “Ngingisi-ngisi ka d’yan.” “Kumain ka na kasi. Dinig ko gutom ka na,” at nang-asar pa siya. “Say ah..” inilapit niya sa labi ko ‘yung tinidor na may nakatusok na piraso na hotdog. Proud na proud sa luto niya eh tinapay, hotdog at itlog lang naman ‘yung dala niya. “Kung makapagmalaki ka d’yan sa luto mo, kala mo naman napakumplikado.” “Kasi naman Honey, nagmamadali ako kaya ‘yan na lang ‘yung naluto ko, kasi madali lang gawin. Ikaw lang naman inalala ko na baka ‘di ka pa kumakain. Kaya kain ka na.” Inilapit na naman niya sa’kin ‘yung tinidor na may hotdog. “Akin na nga ‘yan,” kinuha ko ‘yung tinidor mula sa kamay niya. “Kaya ko naman kumain mag-isa. Hindi mo na ‘ko kailangan subuan.” Ngiti lang ang isinagot niya sa ‘kin, saka niya ibinagay sa ‘kin ‘yung plastic container ‘tsaka pumunta ulit sa may mesa. Umupo naman ako sa kama ni Nanay, ‘tsaka ‘ko sinimulang kumain. “Gusto mo ng coffee? Black or with cream?” tanong niya sa ‘kin. Pati pala kape may dala siya. “Black na lang sagot ko.” Pinagtimpla niya ‘ko ng kape saka niya ipinatong sa maliit na mesa sa tabi ng kama ni Nanay. Kain lang ako nang kain hanggang sa naubos ko na. Hindi ko na nga nagawang alukin si Brenda. “Naubos ko na. ‘Di na kita naalok. Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya, habang pababa ako ng kama at ipinapatong sa lamesa ‘yung pinagkainan ko. “Yeah, kumain na ako bago ako umalis ng bahay kanina,” sagot niya tapos nakarinig naman kami ng katok sa pinto. Madali namang tumayo si Brenda para pagbuksan ng pintuan kung sino man ‘yung kumakatok. Isang babae na nakaputing blouse at pantalon ang pumasok sa kwarto kasunod ni Brenda. Sa ayos ng babae, malalaman agad na isa siyang nurse. “Siya ‘yung kinuha kong private nurse ni Mommy, para kahit wala ka rito sa ospital may magbabantay and para ‘pag iniuwi na sa bahay si Mommy, kabisado na niya.” Bigla kong naalala ‘yung kontrata. Ito na ba ‘yung simula ng pagsunod ko sa bawat gusto niya? Pero, teka ano ‘yung sinasabi niya na hanggang sa bahay kasama ‘yung private nurse. Ang liit ng bahay namin at dalawa lang ang kwarto. Saang sulok ng bahay namin ko patutulugin ‘tong nurse na kinuha ni Brenda? “Sa bahay namin?” tanong ko habang pinandidilatan ko si Brenda. “Nope Honey, sa bahay ko.” “Bahay mo?!” medyo napalakas ‘yung sabi ko, kaya napatingin ako kay Nanay. Buti hindi siya nagising. “Yes Honey, sa bahay ko.” “Miss, teka lang ha,” paalam ko doon sa nurse at saka ko hinatak si Brenda palabas ng kwarto. “Anong kalokohan na naman ‘to Brenda? Una ‘yung kontrata. Pumayag na ‘ko doon, tapos ngayon naman, sinasabi mo na sa bahay mo kami titira ni Nanay kapag pwede na siya ilabas dito sa ospital?” Umiling ako. “Hindi, hindi na ‘ko makakapayag d’yan. May sarili kaming bahay at doon kami uuwi at hindi ako papayag na sa iisang bubong lang tayo titira.” Natawa naman si Brenda. May saltik din talaga ‘to eh. Wala namang nakakatawa tapos tumatawa siya. “Honey ang advance mo naman. Darating din tayo d’yan..” “Ha? Ano na naman ‘yang sinasabi mo?” Labo nito kausap. “Kasi naisip mo agad na titira tayo sa iisang bahay. Eeee.. Nakakakilig isipin. You, me, under one roof..” “Teka! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?! Ayoko nga eh. Ayoko tumira sa isang bahay kasama ka.” ‘Yung kilig niya biglang nawala at bumuntong-hininga siya. “I know naman Honey, kaya kalma ka lang. Yes, it’s my house pero isa lang ‘yon sa mga bahay na pagmamay-ari ko and madalang lang ako umuwi doon. Naisip ko kasi ang layo ng bahay niyo sa ospital and no offense Honey, pero your house kasi, it’s too small, and ang init pa.” “Sige pa lait pa. Ikaw na mayaman. Ikaw na may maraming bahay. Ikaw na malaki bahay. Bahay ng daga ‘yung amin.” Inis na sabi ko. Ang liit liit na nga ng tingin ko sa sarili ko dahil ang laki ng utang ko sa kanya, tapos ipamumukha pa niya lalo sa ‘kin kung anong wala ako at kung ano’ng meron siya. “Honey naman. Para naman kay Mommy ‘tong lahat ng ginagawa ko. She’s like a mother to me, kaya kung anong pwede ko ibigay, ibibigay ko. I’ll provide her things that will make her comfortable habang nagpapagaling siya.” “Sino bang anak? Ako ‘di ba?” itinuro ko pa ‘yung sarili ko. “Hindi naman ikaw.” “Soon, magiging anak na niya rin ako. Kapag ikinasal na tayo,” sabi niya sabay ngiti nang nakakaloko. “Magseryoso ka nga Brenda, hindi naman ako nakikipaglokohan sa ‘yo!” “I’m serious.” Hinawakan pa niya ‘yung magkabilang kamay ko na tinanggal ko naman agad. May sasabihin lang kailangan nakahawak pa? “Ikaw naman kasi ang init-init ng ulo mo. Kapakanan lang naman ni Mommy ‘yung iniisip ko and isa pa, ngayon na magtratrabaho  ka na for me, everyday kitang kasama. Kung lilipat kayo ng bahay mas mapapalapit ka sa working place mo. Pinapagaan at pinapadali ko lang lahat ng bagay para sa ‘yo.” “Hindi ikaw ang magdedesisyon para sa ‘kin o kay Nanay.” “Pero may pinirmahan kang kontrata. Lahat ng iuutos ko susundin mo.” “So balik kontrata tayo? Panakot mo ‘yun ganun?” Lalo tuloy akong naiinis sa sarili ko dahil sa katangahan ko na bigla na lang pagpirma sa lintik na kontrata na ‘yun. “Hindi naman, pinapaalala ko lang,” at nginitian na naman niya ‘ko. Aarrgh! Nakakainis talaga siya. Nakikinita-kinita ko na, sa tuwing kokontra ako sa gusto niya, ipapaalala niya sa ‘kin ‘yung kontrata! “Alam mo ‘pag ako nakabayad na sa ‘yo, humanda ka sa ‘kin. Makakabawi rin ako sa ‘yo!” dinuduro-duro ko pa siya. Kaso ‘tong Brenda, hindi ako seneseryoso. Halikan daw ba ‘yung dulo ng daliri ko! “Hoy, ano ba?! Kadiri ‘to!” sigaw ko sa kanya at saka ko ipinunas ‘yung daliri ko sa jacket na suot ko, na sa kanya rin pala. Napatingin naman ako sa relo ko. “Anong oras na ba? May klase pa nga pala ko!” “Tara, hatid na kita sa bahay niyo, para makapag-ayos ka na,” alok niya. Tatanggi sana ‘ko, pero dahil ayokong ma-late umoo na ‘ko. Bago ako umalis sa ospital pumasok muna ko ulit sa kwarto ni Nanay at nagbilin sa private nurse na kinuha ni Brenda na tignan mabuti si Nanay. Umoo naman siya. Habang nasa sasakyan kami ni Brenda at nagmamaneho siya, paminsan-minsan tinitignan niya ‘ko. Nakakairita, kaya tinanong ko na siya. “Problema mo? Bakit kanina ka pa tingin nang tingin sa ‘kin?” “Wala lang Honey, naisip ko kasi na parang mas bagay sa ‘kin ‘yang suot mo. Type ko ‘yung mga palawit na ‘to.” Hinawakan pa niya ‘yung mga palawit na design ng damit ko na pinahiram sa ‘kin sa bar kagabi. Tinampal ko naman ‘yung kamay niya. “Tigilan mo nga ‘yang kaartehan mo!” “Ganda kasi eh, shining-shimmering. Kapag suot ko ‘yan tapos sasayaw ako, pak na pak! Gagalaw-galaw ‘yung mga palawit. Ganda ‘di ba Honey? Nakita mo naman ako sumayaw nung party ‘di ba?” tapos kumanta ng Single Ladies ni Beyonce. “Utang na loob Brenda, huwag mo na ipaalala. Nakakasuka kaya ‘yung itsura mo noon!” “At ang gwapo mo that night Honey. Alam mo bang nangibabaw ka sa lahat. Kaya nga kinindatan kita. Tanda mo pa Honey?” Kinilabutan ako sa sinabi niya. Naalala ko kasi ‘yun. “Huwag  mo sabihin na noon pa lang may gusto ka na sa ‘kin?!” “Tumpak Honey!” “Kaya hinayaan mong may mangyari sa ‘tin?!” “Pinilit mo ‘ko Honey. Tumanggi ako pero pinilit mo ‘ko, kaya may nangyari.” Heto na naman kami sa usapang pinilit ko siya. Lasing ako, ‘di ko na alam pinagsasabi at ginawagawa ko ng mga oras na ‘yun. “Huwag na nga natin pag-usapan. Ayoko na maalala.” Tapos tinignan niya ‘ko nang kakaiba, tapos humagikgik ng tawa. Parang nakakaloko. “Ano’ng tinatawa mo na naman d’yan?” “Wala lang Honey, may naalala kasi ako.” “Ano? Ano ‘yan ha?” tawa lang ang isinagot sa ‘kin. “Nakakaloko ‘yang tawa mo. Ano ngang naalala mo?!” “Wala Honey, magagalit ka na naman sa ‘kin eh.” “Ano nga!?” “Eeee, huwag na SPG kasi.” “Yuck! Kadiri ka!” “Hmm! Kunwari ka pa Honey, I know you liked it.” “Aaaahh! Tumigil ka nga!” “Ikaw kasi pinilit mo pa ako.” “Hindi na nga eh! Tama na!” Tumawa lang siya “Okay!” tumahimik siya sandali “Pero—“ “Ang kulit ha!” Ang lakas niya mang-asar. Buong byahe nakasimangot ako, at kulang na lang mabura ‘yung mukha ko kakahilamos ng kamay ko rito. Iniisip ko kasi kung ano ‘yung SPG na sinasabi ni Brenda. Kahit ayoko isipin, naiisip ko. Wala kasi ‘kong masyadong maalala nang gabing ‘yun. “Bilisan mo Honey, hintayin na lang kita rito.” “Oo,  wala naman talaga ‘kong balak na pababain ka pa d’yan at papasukin sa bahay,” sagot ko sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan. Mabilis lang akong naligo at nag-ayos, dahil male-late na talaga ‘ko. Ilang klase na rin ang hindi ko napasukan kaya kahit late papasok ako. Naalala ko pa na may quiz kami ngayon. Hindi pa naman ako nakapag-review. Asa na lang ako sa stock knowledge. Paglabas ko ng bahay nakita ko si Brenda na nasa labas ng sasakyan at nakikipag-kwentuhan sa kapit-bahay namin. Kung makatawa, wagas! “Hoy, halika na! Male-late na ‘ko.” Napatingin siya sa ‘kin. Ako naman sumakay na ng sasakyan. Pagkasakay niya. “Kung maka-utos ka sa ‘kin Honey. I’m your boss, remember?” naka-taas pa ‘yung kilay niya. “Kung ngayon pa lang ‘di mo na matagalan ugali ko, mag-isip-isip ka na. Pwedeng bawiin ‘yung kontrata.” “No, no, no.. Hindi mo ko madadaan d’yan Honey. Sorry.” Sayang kala ko pa naman gagana. Tss. Kung manligaw kaya ako ng babae? Uubra kaya? Lalayuan kaya niya ‘ko kapag malaman niyang may karelasyon na akong babae? Subukan ko kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD