Rachel's
I find every day of those sweet two weeks na wala si Mika. It was very peaceful but at the same time felt sad because Sophie had to stay another 2 weeks sa London. I miss her so much that it makes me sad.
"Chel, ano? Kailan mo ba ako i-rereto sa mapapangasawa mo?" tanong ni Den.
I cringed, twitching my lip because of annoyance. "Will you stop that mapapangasawa thing?" Inirapan ko pa siya. "Ara, ano ba naman yang jowa mo." wika ko.
"Baliw yan e." sagot ni Ara at natawa na lamang din.
"Baliw sayo." Banat ni Den at kinindatan si Ara pero inirapan lang siya nito. Pumaling naman siya uli sa akin nang tingin. "Dali na kasi! Ipapakilala lang naman, hindi ko naman aagawin sayo." pagpupumilit ni Den at parehas naman silang natawa ni Ara.
Feeling ko talaga may kung anong hinihithit itong dalawang 'to kaya napailing na lamanng din ako. "Wala siya dito." maikli kong sagot.
"Nasaan?" usisa ni Den.
"Ewan ko." nagshrug pa ako. Malay ko ba kung saan nagpupupunta ang babaeng yun. Kailangan ko bang alamin schedule niya?
"Yung maayos kasing sagot." at sinabunutan pa niya ako nang bahagya. Bruhang 'to nanakit pa.
"Hindi ko alam. Dapat ko bang kabisaduhin flights niya?" inirapan ko naman sila at inayos ang buhok ko.
"Flights? Attendant ba siya o traveler?" tanong ni Ara.
"Nope, she's the captain." pagkasabi ko nun ay parehas silang natigilan, nakatulala lang sa akin na para bang nakakabigla masyado iyon kaya naman I snapped my fingers infront of them to take their attention back here with me.
"Gurl!" nanlaki ang mata ni Den. "Nakajackpot ka!" sigaw niya at niyugyog ako.
"What? Tigilan mo nga ako." pinaningkitan ko siya dahil hindi ko gusto ang narinig ko. Jackpot because the girl is hella rich? But her personality is a bit off. "Ikaw promotor ka talaga ng kung anu-ano kaya ayaw sayo ni Sophie e." sagot ko sa kanya at natigilan naman siya.
"Pero seryoso, Chel, kailan naman namin pwede ma-meet yan?" tanong ni Ara.
"I don't really think that it's necessary? I mean, bakit? Para saan pa? Hindi naman siya magtatagal sa buhay ko." pag-dismiss ko sa tanong niya. "Anyway, I'm going." I grabbed my bag at tumayo na. Nai-stress lang ako sa kanila.
Nagtungo na din ako sa sasakyan ko para bisitahin ang mga magulang ni Mika. Hindi sa nilalapit ko ang loob ko, may pinapahatid lang si Lala sa kanila kaya ako na ang inutusan.
Paminsan ay hindi rin ako makapaniwala kay Lala, biruin mo, nagawa pa akong asar-asarin kanina, napaka-isip bata din talaga.
Mika's family, they were very accomodating at pinakain pa nila ako ng meryenda, hindi pumayag na umalis ako na wala man lang silang naibibigay sa akin. Sobrang bait ng parents niya, I could tell just by their body language, that leaves the question, anong nangyari sa anak nila? Alam kong hindi ko dapat hinuhusgahan si Mika dahil saglit ko pa lamang naman siya nakakasama. Siguro masungit siya dahil pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng mundo. Minsan naman din ay mabait siya— no scratch that, mabait lang kapag may kailangan.
"Kain lang nang kain anak ha." halos mabulunan naman ako sa sinabi ni tita.
"Ah e, maraming salamat po, tita." sagot ko at ngumiti lang siya.
"Kamusta naman kayo ng anak ko? Pagpasensyahan mo na paminsan ang ugali nun ha? Madalas talagang isip bata iyon saka sakit sa ulo." wika niya at tumawa.
"Tita, no worries po. Naiintindihan ko naman po yung pinagdadaanan niya. I know it's really frustrating. Hindi naman na po uso ang fix marriage ngayon, isa pa she's in a relationship." I smiled nang tipid and pursed my lips, ang awkward bigla ng atmosphere kasi may choice din naman sila to stop this— to say no.
"I wanted her to be happy as well, I want both of you to be happy. You both deserve that, I'm sorry kung wala akong magawa para sa inyong dalawa." I saw sadness in her eyes kaya hinawakan ko ang kamay ni tita at nginitian siya nang pilit.
"Thank you, tita." marahan kong hinaplos ang kamay niya. "Alam ko naman pong kailangan niyo lang din sumunod."
"Mabait kang bata, Rachel, and I want you for my daughter sa totoo lang. Hindi naman sa hindi ko gusto si Gretchen para sa anak ko, pero mas gusto ko ang pamilya niyo na tanggap ang anak ko for what and who she is."
"I'm sure matatanggap din po nila si Mika." I smiled and hugged her kahit di ko alam kung bakit ko ginawa iyon.
Nagpaalam na din ako at dumiretso na ng airport para sunduin ang pinakamamahal kong tao, sa sobrang excited ko, nakalimutan kong kailangan ko balikan si Den at Ara dahil sasama sila sa pagsundo pero di bale na, malaki naman na sila.
*****
Mika's
"Hello, love?" bungad ni Gretch nang sagutin niya ang tawag ko.
"Nakaland na kami, inaantay ko na lang yung maleta ko. Saan ka na?" tanong ko.
"I'm on my way na, love. Sorry, nakaidlip ako."
"Okay lang, ingat ka sa pagdadrive. Love you." sagot ko.
"Aww I miss you, love. Love you too."
Napangiti na lamang ako sa sinabi niya and ended the call since nakita ko na din ang maleta ko kaya kinuha ko na ito. Nakita ko naman na may nadapang maliit na bata kaya tinulungan ko siya tumayo. Pinagpag ko naman ang tuhod niya pati na din ang bestida niyang pink na may flowers. Mangiyak-ngiyak na ang itsura niya kaya naman nginitian ko siya.
"Are you hurt?" tanong ko. Iling naman ang sinagot niya sa akin.
Napansin ko namang nagpipigil siya ng luha kaya't pinagpag ko ang tuhod at kamay niya. "Don't cry na. Nasaan kasama mo?" tinuro naman niya ang pinanggalingan niya at mukhang nawawala ang batang ito.
"Okay, so let's stay here muna. Here take this. It will heal lahat ng masakit sayo." sabay abot ko ng lollipop na galing sa bulsa ko and pat her head with a smile.
"Thank you." cute na cute niyang sabi.
"Call me captain lollipop, okay?" she nodded and giggled sabay nagsalute.
Cute.
Napakacute na bata kaya binuhat ko muna siya saka nagpunta sa way na tinuro niya kanina. Naupo muna kami sa bench malapit doon at tahimik lang siya. Nawawala na nga siya pero hindi pa rin siya umiiyak. Tough girl naman pala.
"Ilang taon ka na?" tanong ko pero tumingin lang siya ng blangko sa akin. Marahil ay konting tagalog lang ang alam niya, mukha rin kasi siyang anak ng foreigner. "Oh, I mean, how old are you?" tumingin naman siya sa daliri niya at unti-unting nagtaas ng daliri, animo'y nagbibilang saka pinakita ang apat sa akin. I can't help but myself from smiling because she's just too adorable. "I see, what's your name?" tanong kong muli.
"Ano ka bang bata ka!" biglang sabi ng isang babae.
"Ay, hello po. Nakita ko po siya kaninang tumatakbo at walang kasama kaya naupo muna kami." sabi ko.
"Maraming salamat po. Nako lagot ako sa nanay mong bata ka." natatarantang sabi ng yaya niya at hinawakan na ang kamay nito.
"Bye, captain lollipop." she waved kaya nginitian ko na lang siya at kinawayan din.
I walked my way out at agad na hinanap si Gretch pero ibang tao ang nakita ko at nagkatitigan kami.
Shit, sabi ko bukas pa ang uwi ko pero bakit nandito siya?
Unti-unti naman siyang lumapit sa akin kaya napalunok ako ng laway.
"Akala ko bukas pa ang uwi mo?" tanong ni Rachel.
"Bu-bu-bukas pa n-nga." nauutal at kamot batok kong sagot na para bang nahuli akong may ginagawang kasalanan. "Teka b-bakit a-alam mong ngayon uwi ko?"
"What?" natawa naman siya bigla. "Si Sophie, hindi ikaw ang pinunta ko dito. Wag kang assumera." saka niya ako tinaasan ng kilay.
"Love!" sigaw ni Gretch at nagtatatakbo palapit sakin saka ako niyakap. "Oh my gosh."
"Love, I missed you." wika ko at humalik sa noo niya.
"Sorry, na-late ako." she pouted kaya humalik na lang ako sa labi niya.
"Oh, I see." biglang wika ni Rachel at tumango-tango. Nakalimutan ko na kausap ko pala siya.
"Hi." maikling bati sa kanya ni Gretch.
"Hello. Enjoy your time together. Text mo na lang ako bukas Mika kung anong oras kita susunduin." she smiled at us.
I held my lover's hand at naglakad na patungo sa kung saan siya nagpark. Tinatanong niya ako bakit daw nandoon si Rachel, ang usapan kasi namin ni Gretch mag-stay ako ng 1 day sa kanya bago ako umuwi kanila Lala.
Todo paliwanag pa tuloy ako, nagbago na daw ba isip ko or kung may something na daw ba sa amin ni Rachel. Natawa na lamang ako sa naisip niya, she's being paranoid about something that would never happen. Sinabi ko din na hindi naman ako ang sinundo ni Rachel kundi yung jowa niya.
Tumango-tango naman siya kahit hindi naman siya mukhang kumbinsado. Nang makarating kami sa unit niya ay agad niyang ininit ang mga pagkaing niluto niya saka inilabas na din niya yung dessert.
"Ang dami mo namang niluto." sabi ko at yumakap mula sa likuran niya.
"Well, to make a good wife, first you must satisfy your spouse's cravings." sagot niya at piningot ang ilong ko.
Hinarap ko naman siya sa akin at binuhat para paupuin sa kitchen counter. Napatili pa siya sa ginawa ko at nahampas ako ng wala sa oras pero tinawanan ko na lang siya.
"Well, I crave for you, darling. Make it to me." I smiled at her.
"Captain." sabi niya at hinawakan ang kwelyo ng uniporme ko para ayusin."You are good at words aren't you?" she smirked.
"I'm just being honest here, love. It's been two weeks without your kisses. I'm missing my favorite sweets of all time."
"You and your punchlines." Natatawa niyang kumento.
Hindi ko na rin alam kung saan galing yung mga pinagsasasasabi ko. The next thing I knew, she's kissing me.
Well this is the kind of home I've been wanting to come home to ever since.
*****