Chapter 5

1740 Words
Rachel's Sa sobrang kumportable niya ata sa lambot ng kama ko, ay halos 2/3 na yung sinakop niya. Hiyang hiya ako sa paa niyang nasisipa na ako dahil sa kalikutan niya matulog. Dahil sa sobrang pagod ko ata kahapon ay late na ako nagising. Nang makabangon nga ako ay tapos na siyang makaligo at bihis na bihis ang bruha.  "Wow, saan lakad mo?" tanong ko. "Di kita kaibigan para tanungin mo ako ng ganyan." pagsusungit niya kaya napairap na lamang din ako. Masama bang magtanong? I mocked her while making faces. Akala mo kung sino sa sobrang taas nang tingin niya sa sarili niya. Hindi ko rin naman gugustuhing kaibiganin ang tulad niya. Naligo na din ako agad dahil pupunta pa ako sa Captain's Shack para magstay doon for the day.  "What?! Anong hindi aalis?! Aalis ako!" rinig kong sigaw ni Mika nang makalabas ako ng kwarto. "Mam, sumusunod lang po kami sa utos." sabi ni kuya Roger. "La, bakit ayaw niyong palabasin si Mika?" tanong ko nang makaupo ako sa dining pero nginitian niya lang ako. "La! Ayaw nila ako palabasin oh." parang bata na reklamo ni Mika nang makarating siya sa dining. "Makakalabas ka lang dito kung kasama mo si Rachel. Balita ko matagal-tagal ka ring mawawala ah, bakit hindi kayo magdate?" Nasamid naman ako sa sinabi ni Lala at heto namang si Mika ay napanganga na lang sa sinabi ni lala. "La, pupunta ako sa Shack." sagot ko. "Edi isama mo siya dun." humigop naman ito sa kape niyang mas matapang pa kay Bonifacio. "La naman." pagtutol ni Mika, kala naman niya gustong gusto ko i-date siya. "Samahan mo na lang ako dito maglinis." nakangiting sabi ni Lala dahilan para magpout si Mika. "Sige po, sasama na." sagot niya. "Wag na, dito ka na lang." wika ko. "No. I'm going with you." pagpupumilit niya. "Dito ka na lang." tutol ko.  Tumabi naman siya sa akin at inangkla ang braso niya saka inihilig ang ulo niya sa balikat ko. Wow, di naman niya ako kaibigan para magpakaclingy siya sa akin ah. Hanep din talaga tong taong 'to. Nag-iiba talaga ang tao kapag may kailangan. "Dali na, date tayo. Makinig ka kay Lala." nakangiti niyang sabi. Mukha namang ngiting aso. "Please, I have to go." bulong niya sa akin. "Fine." sagot ko. "Antayin kita sa kotse ha." ngumiti naman siya na parang bata at binelatan pa si kuya Roger nang madaanan niya ito.  Napailing na lang ako. Ang laking tao pero napaka-isip bata. Narinig ko namang tumawa si Lala ng bahagya. Hay nako, La, kung hindi lang kita mahal baka nilayasan na talaga kita. "Alis na po kami, La." wika ko at humalik na sa kanya. "Mag-iingat kayo at mag-enjoy kayo sa date niyo." nagtaas baba pa siya ng kilay na animo'y nang-aasar kaya napailing na lamang ako. Pagkarating ko naman sa kotse ay nasa likod siya nakaupo, wow gawin daw ba akong driver niya."Bakit ka ba kasi sumama?" kunot noo kong tanong sa kanya. "Wag mag-feeling, hindi kita idi-date. Andar ka na tapos sunduin na lang kita mamaya." utos niya. "Ayoko nga!" kunot noo kong pagtutol. "After ng ginawa mo sakin wala na akong tiwala sa mga salita mong ganyan. Tigilan mo ako. Kung ganyan lang din, di na ako aalis." Palabas na sana ako nang hawakan niya ang wrist ko. "Wag, kailangan ko puntahan si Greta." nakita ko naman yung lungkot sa mga mata niya. Napakarupok ko pa namang tao sa mga ganito. "Sige ako na magdadrive papunta kanila Gretch tapos saka ka pumunta sa Shack or kahit ibaba mo ako sa kanto okay lang, makita ko lang siya bago ako umalis." she f*****g looked sincere kaya napabuntong hininga na lang ako. "You drive hanggang kanila Gretch." sabay hagis ko ng susi sa kanya saka lumabas para lumipat ng pwesto. "Thank you." she smiled. Nabigla pa ako sa narinig ko kaya napatingin ako sa kanya at sinigurado kung siya ba talaga ang nagsabi nun. Capable pala siya magsabi ng ganung salita? She happily drove papunta sa girlfriend niya. Hindi siya nagsasalita pero she really looked so excited to see her girl. Ayokong magtanong ng kahit ano sa kanya, dahil na nga rin sa sinabi niyang hindi naman niya ako kaibigan kaya nanahimik lang din ako sa buong byahe.  "Thank you ulit. Ingat ka." wika niya at lumabas na ng sasakyan. "Mika!" lumingon naman siya. "May nakalimutan ka." saka ko pinakita yung binili niyang bulaklak sa nadaanan naming stall kanina. "Thank you ulit." kamot batok niyang saad at dumiretso na. ***** Gretch's "You're late." sita ko kay Mika nang makapasok siya. "Sorry, ayaw akong payagan ni Lala umalis. Gusto niyang i-date ko yung apo niyang si ano, ano basta yung apo niya. Michelle ba yun? Basta yun." natawa na lang ako sa sagot niya. "Rachel." natatawa kong pagtama sa kanya. "Oh ayun si Rachel. Ay para pala sayo, love. Hinatid niya ako dito para makasama ka." she smiled at niyakap ako. Yumakap naman ako pabalik at niyaya muna siyang maglunch. After that ay niyaya ko siyang lumabas dahil ilang araw nanaman ang bubunuin ko na hindi siya kasama. Well, actually a week or two, depende sa company. We rode my motorcycle and went to the nearest mall. She was holding my hand as we walk inside, not minding the girls who looks at her with adoration. My girlfriend is cute, yes, pero never siya tumingin sa iba which I find amusing dahil una sa lahat, may history siya ng pagkaplaygirl mapa-lalaki man o babae. "Love, saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Sinehan po." "May balak kang masama noh." bintang ko pero tumawa lang ako nang samaan niya ako nang tingin. "Oo, balak kong itali ka dun nang magtino yang isip mo." "Wow, coming from you talaga yan, love?" tanong ko dahil usually, para siyang 5 years old kung mag-isip. Nanood lang kami ng action pack na movie. Binigay niya din ang phone niya at inutusan akong i-text si Rachel kung anong oras daw ito uuwi. Natawa na lang ako sa name na nakasave, katabi niya sa pagtulog pero hindi niya alam pangalan, magaling.  Apo ni Lala To: Hi Rachel! Gretchen 'to.  Pinapatanong ni Mika kung anong oras ka daw uuwi? From: Hi, hindi ko pa sure baka hanggang 12 am  siguro. Enjoy kayo sa  date niyo  To: 12? Bakit gabi na? From: Mag-stay ako until  closing e. Kung gusto  kamo ni Mika mauna, ako na bahala kay lala. From: Ingat kayo  Sa paraan nang pakikipag-usap niya sa akin, tingin ko naman ay mabait siyang tao kaya no need magpaka-bitchy sa kanya. I shouldn't feel threatened right? "May iniisip ka nanamang iba dyan." may halong pagbibintang ni Mika, napaka TH kahit kailan. "Tamang hinala ka nanaman." tinampal ko naman ang noo niya. "Aray, nakakasakit ka." at nagpout pa siya. "Love, di naman ako dapat ma-threaten kay Rachel diba?" Sa tanong ko ay natawa siya nang malala dahilan para patahimikin siya ng mga nanonood, ang ingay kasi talaga. Tawa siya nang tawa sa malungkot pang scene. She held my hand tighter before kissing the back of it. "Ofcourse, no. You have me Gretch, I'm yours." she smiled the sweetest she could at hinilig ang ulo niya sa balikat ko. She could be clingy at most times. "Mamimiss kita." wika ko. "Hahatid mo ba ako bukas?" tanong niya. "Ofcourse,love. Paticket ka na kasi, sasama naman ako e." biro ko. "May trabaho ka, next time na lang. Pag planuhan natin yan." sabay poke niya sa ilong ko bago ako ngitian nang matamis. I nodded at tinuloy na ang panonood. After spending the rest of the day cuddling sa unit ko ay malungkot na siyang nagpaalam. "Paano ka uuwi?" tanong ko. "Commute, hintayin ko na lang si Rachel sa 711 na malapit sa kanila." sagot niya. "I'll see you tomorrow." I smiled at her at pinisil ang pisngi niya. "Agahan mo ha, I'd still love to spend an hour with you before leaving." "Yes, love." sagot ko. Humalik naman siya bago tuluyang umalis, if only she could spend the night here that would be great, but she can't. But I'm hoping that someday she will. ***** Rachel's Pauwi na din ako nang magtext si Mika na pauwi na siya. Dinaanan ko na nga siya sa sinabi niyang lugar. Sabi ko nga ay susunduin ko na lamang siya sa unit ni Gretchen pero ayaw niya dahil nahihiya daw siya. Nakakapanibago talaga pag mabait si Mika, para siyang sinasapian nang napakabuting espirito.  "Mukhang pagod na pagod ka ah." wika niya as she waits for me sa labas ng kotse. "Himala at maayos ka kausap ngayon." natawa na lang ako at sinara na ang kotse ko. Usually kasi, puro pang-aasar lang lumalabas sa bibig niya. "Di nga, you look tired. Want me to carry your stuffs?" I suddenly gazed at her, is she sick or something? "Mika, siguro nga pagod ako pero kaya ko, okay? Madami kasing customer sa Shack ngayon, kulang kami sa tao kaya kinailangan ko din magserve at kung ano pa." sagot ko. "Ano ba yung Shack?" "Captain's Shack, name ng stall ko sa isang food hub or food park." muli kong sagot at tumango tango naman siya. "Ah, so business woman ka pala?" tanong niya na obvious naman na oo ang sagot diba? "Hindi. Simpleng tao lang ako." poker face kong sagot. "Mukhang napasarap date niyo ah." nagulat naman kami parehas kay Lala na naghihintay sa may sala. Agad naman kaming nagmano at nginitian lang kami nito. "La, bakit gising ka pa?" tanong ko. "Hinihintay ko kayo. Matutulog na din ako. Anong oras alis mo bukas Mika?" tanong ni Lala. "8 am ko po balak umalis." sagot niya. "Ihatid mo siya, apo, para di na siya mahirapan." "Okay po." tugon ko. Wala naman din akong balak magreklamo. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko dahil masosolo ko na pala ulit ang kama ko. Tumayo naman si Lala at sumabay na din kami papuntang kwarto ko. "Thank you ulit, Rachel, ha." wika niya nang makahiga na ako. "Walang anuman." sagot ko and turned my lamp shade off. ***** Gaya nga ng sabi ni lala ay hinatid ko si Mika sa airport. She looked good with her uniform on, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. Natauhan na lang ako nang tumikhim siya at nakita ko namang ngumisi ito. "Muntikan na ako matunaw." wika niya habang nakangisi pero poker face lang ako. "Bagay naman pala sayo yung propesyon mo." komento ko. "Mas bagay si Gretch sakin." banat niya kaya napairap ako, really? Wala naman dito yung tao para bumanat siya ng ganun, hindi rin naman ako kikiligin para sa kanila. "Go, mag-ingat ka sa mga flights mo." sabi ko and gestured her to go.  Nagulat na lang ako nang hapitin niya ang bewang ko at bumeso sa akin. The f**k?  "Thank you ulit, Rachel, for letting me see Gretch yesterday. Susubukan kong magpakabait sayo, promise." bulong niya. Hindi ako nakasagot agad dahil sa sobrang lapit ng katawan niya sa akin. "A-a-alis na. W-walang anuman." sagot ko nang makarecover ako at tumalikod na. "Ingat ka!" I heard her shout pero tinaas ko lang ang kamay ko at nag okay sign. Finally I'll have some peace. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD