Chapter 4

1852 Words
Rachel's Nang magising ako ay isang maamong mukha ang nasilayan ko. She looks peaceful and well, she looks more attractive kapag hindi siya nagsusungit, sa totoo lang. Kung sana lagi siyang tulog edi at peace din siguro ang buhay ko. Nagmulat naman siya ng mata and for a second nagkatitigan kami bago siya ngumisi.  "Staring is rude you know, princess." wika niya dahilan para mapa-irap ako. "Stop calling me names." Inis kong sabi at tinaasan siya ng kilay. "Sana lagi kang tulog para mabait ka." wika ko at tumayo na. "Bakit ako magiging mabait sayo?" tanong niya at nagstretch. "May I remind you, that you're taking my happiness away." "Wala akong kinuha sayo. Wag tayong feeling ha? For your information, kung ayaw mo nito, mas ayoko. Kapal ng mukha mo." aga aga iniinis niya ako.  Palakad na sana ako papuntang banyo pero napatigil ako nang magtata-takbo siya at inunahan ako. What the heck? "Ako muna." sinara naman niya agad iyon kaya wala na akong nagawa. "Bilisan mo! May lakad pa ako!" wika ko dahil may photoshoot pa ako sa Batangas para sa summer collection ng isang brand. Lumabas muna ako ng kwarto para tingnan kung nakakain na si Lala. Sakto ay naghahain pa lang sila kaya naupo ako para sabayan siya.  "Kamusta naman ang tulog mo, apo?" tanong ni Lala na may himig nang panunudyo. "Malamig po." sagot ko at tumawa siya. "Edi sana niyakap mo kung malamig." natatawang sabi niya. "Laaaaa!" pinanlakihan ko naman siya ng mata. Minsan talaga isip bata 'to si lala. "Oh? Bakit ka namumula?" "Hindi kasi yun! Inagawan niya ako ng kumot kaya malamig!" at nagcross-arm pa ako and pouted.  Halos mahulog na ako kaka-agaw ko ng kumot sa kanya kagabi. Ang walang hiya walang pakialam kahit manigas na ako sa lamig. Wala kasi akong extra sa kwarto ko at tamad na tamad akong tumayo para kumuha ng isa o patayin ang aircon. Isa pa, paborito kong kumot ang gamit niya kaya pinagtyagaan ko na lamang yung kakapiranggot na telang natitira para sa akin. "Ang cute niyong dalawa." natatawa pa rin siya. "Lala naman kasi." pagmamaktol ko na parang bata pero tumawa-tawa lang siya. "Anong oras ka pala uuwi?" tanong niya. "Hindi ko pa po alam La, depende po kung anong oras matatapos yung shoot." "Sige, ipapahatid na kita kay Mika at siya na rin ang susundo sayo." Napatingin na lang ako kay Lala with disbelief sa narinig ko. Kasama ko na nga buong gabi tapos ganun ba? Pwede bang ibigay niyo sa akin ang peace of mind? I need moments away from that airhead. After ko kumain ay hindi pa rin siya tapos maligo. Lumipas ang ilan pang minuto, halos isang oras na siya naliligo kaya kinatok ko na siya sa banyo nang malakas.  "May balak ka bang tumira dyan? Sabihin mo lang nang makapagpadala ako ng kama." inis kong sabi. "Oo, atleast dito hindi kita makikita."  Sa inis ko ay sinipa ko ang pintuan ng banyo and holy s**t! Bumukas yung pinto at saktong palabas na siya ng shower curtain kaya agad akong napapikit ng mata.  "Too bad may damit na ako. Try peeking earlier nang may makita ka." bulong niya malapit sa akin. Halos naamoy ko na yung minty scent ng colgate niya. "A-alis dyan!"  Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa kahihiyan. Tho naka-sportsbra at towel siya, I saw how toned her tummy is and uhm, she's sexy. What am I thinking ? No no. Magagalit sa akin si Sophie nito.  "I told you I could get you in a minute if I want to. Pasalamat ka hindi ako pa-fall at ayoko na dagdagan ang listahan ng mga naghahabol sa akin." rinig kong sabi niya dahilan para silipin ko siya. "Isaksak mo sa baga mo yang looks na ipinagmamalaki mo. Mas mahangin ka pa sa number 3 ng electric fan!" sagot ko at ibinagsak ang pintuan.  Napakayabang naman talaga niya kahit kailan! Isang gabi ko pa lang siyang nakakasama pero feeling ko sirang-sira na yung buong taon ko. Pag kalabas ko ng CR ay prenteng-prente siyang nakaupo sa kama. She's wearing a gray shirt and ripped jeans, bihis na bihis ang bruha.  "Alam mo, kung ayaw mo talagang ma-fall, tigilan mo kakatitig sa akin. Isa pa, baka bukas makalawa matunaw mo na ako." wika niya at tumingin sa akin sabay kindat. "Ang taas pala talaga ng confidence level mo noh?" I raised one of my brows. "Ano bang kinakain mo noon at puno ng hangin yang ulo mo?" balik ko sa kanya at tinaasan naman ako nito ng kilay. "I ate girls. Gusto mo ba?" she smirked. "Bastos ka talaga!" Tumawa naman siya at nagsabi ng joke pero err! Sobrang out of the world ng joke niya! "Hoy baka isipin mong totoo, hindi. Mabait ako. Promise, cross my heart, hope you die." natatawa niyang sabi. "Bwisit! Lumabas ka nga! Magbibihis ako." Sambit ko. "I feel like watching you strip right now." wika pa nito dahilan para lalong mag-init ang ulo. "You are impossible!" I was about to storm off my room dala ang mga susuotin ko. "Wait! You forgot something." she was smirking while holding my undergarments. "f**k you!" I hissed.  Tuluyan na akong lumabas at inis na pumasok sa kwarto ni Lala para doon magbihis. Siraulo naman pala ang kasama ko. Grabe! Umagang umaga pa lang pero sobrang stress na stress na ako kay Mika! Feeling ko hindi magtatagal at magkakaroon na ako ng puting buhok dahil isa siyang malaking sakit sa ulo. After ko magbihis ay nagpaalam na din ako kay lala. Nakahanda na ang kotse pero sa likod siya nakaupo.  "Hoy, halika na." wika ko. "Aba, chicks ka ba? Magdrive ka papunta dun." "Ah ganun ha."  I started the engine at nagsimula nang magdrive. Aandar tapos magbe-break ako. Paulit-ulit hanggang sa nainis siya at bumaba ng sasakyan. Pinalipat niya ako sa likod since ayaw daw niya na may ibang katabi habang nagdadrive. Hindi naman daw niya ako girlfriend. Lol, as if I care. I told her to pick me up at 7 pm. Usually kasi ganung oras natatapos ang shoot ko.  "Oh, ang aga aga pa pero lukot na agad mukha mo." sabi ni Jia, ang photographer ko, at umisa ng picture kaya tiningnan ko siya nang masama. "Burahin mo yan." banta ko. She just smiled sweetly at me. "Ate, go na. Freshen up and we'll start in a few minutes."  Since wala din ako sa mood to stay outside, I did what she told me and started the shoot. I miss having photo ops with Sophie. ***** Gretch's I wasn't able to sleep a wink knowing na may iba siyang katabi sa kama. Minsan na nga lang kami magkita dahil sa work niya ay ganito pa ang nangyari. Hindi sapat yung goodnight niya, hindi pa man din nagsisimula ay namimiss ko na siya. I hugged my bed all morning. I have no plan of leaving dahil first of all, my lazy days are meant to be shared with Mika. I heard my door opened kaya agad agad akong bumangon dahil iisa lang naman ang may alam ng passcode nitong unit ko. There, I saw the love of my life holding a bouquet of flowers at isang bucket ng Chicken Joy.  "Hi, love." nakangiti niyang wika as she invites me for a hug. "Loveeeee." yumakap naman ako sa kanya na parang tanga dahil halos maiyak-iyak na ako sasobrang pagkamiss ko sa kanya. "Hindi ka pa naliligo." natatawa niyang wika at hinawakan na ang kamay ko saka kami nagtungo sa kusina. "Kumain ka na ba?" tanong niya at umiling ako. "Good, magsasaing muna ako. Maligo ka na muna bago tayo kumain." humalik naman siya sa noo ko at ngumiti nang matamis.  Haay. I'm lucky to see the sweet side of her at hindi ang suplada side niya. She's known to many as super supladang tao. Kapag hindi ka niya gustong kausap ay susungitan ka or she won't talk to you. I really am lucky that my charms worked on her. After ko maligo ay naghain na din siya saka kami kumain using our bare hands dahil mas masarap kumain ng ganito. We cuddled in the couch after and played movies na hindi rin namin naiintindihan because we're busy rin sa pag-uusap.  "Love, I'm really sorry na kailangan kong sundin si lola." I saw her frown. I smiled and cupped her left cheek. "It's okay, love. I know that at the end of the day, sa akin ka pa rin naman diba?" I curled her hair in my index. "Ofcourse, love. I'm yours." she smiled as she pulled me closer for a kiss. Her way of kissing me makes me damn weak. I wished I could really spend my lazy days with her just like this but I can't since she's staying with that girl.  "I'd be on the road for the next two weeks. I promise to make it up to you once I get home." sabi niya at isinandal ako sa may dibdib niya. "Kailan flight mo?" tanong ko. "Sa isang araw pa. Punta ako ulit dito bukas." That's what I like Mika the most. She would make time whenever she's available. I asked her kung kumusta naman sila ng kabit niya. Abot hanggang kabilang unit yung tawa niya dahil sa tanong ko. Nakakatawa daw yun dahil wala siyang balak na gawin yun which made me smile. We continued cuddling. Our moment was cut nang may tumawag sa phone niya, 7 pm na din pala.  "Sino 'to?" tanong niya. "Alas siete na! Nasaan ka na?!" si Rachel pala. "Dyan ka na. Huwag ka nang umuwi kahit kailan." sagot sa kanya ni Mika. "Kung ako lang naman hindi talaga kita isasama kanina e! Kung may kotse lang akong dala hindi kita iistorbohin. Nakakainis!" "Ingat ka pauwi." natatawang wika ni Mika at pinatay ang phone niya. "Sure ka ba? Sunduin mo na kaya?" "Malaki na yun. Mayaman naman siya, magcommute siya." Napailing na lang ako. Wala talaga siyang amor pagdating sa ibang babae. ***** Rachel's Hindi ko na ulit nacontact si Mika kaya inis na inis akong pinanggigilan yung bean bag sa gilid ng tent.  "Huy. Di ka pa ba uuwi? Kanina pa tayo tapos ah." sabi ni Jia. "Wala akong kotse." sagot ko habang nakadapa pa rin sa bean bag. "May pupuntahan pa kasi kami ni Miguel e. Hindi kita maisasabay." malungkot niyang tugon. "Nakakainis." sabay hinampas hampas ko yung bean bag. "Anong problema?" tanong naman ng taong kakapasok lang sa tent. "Ri, may dala ka bang kotse? Isabay mo na si Rachel." sabi ni Jia sa kanya. "Hala, wag na. Magcocommute na lang ako." agad kong pag tutol pero ngumiti lang si Ria, siya usually ang naghahanap ng places namin. "I won't take no as an answer." she smiled at nawala naman ang mga mata niya.  Sa halip na ma-stuck ako dito ay sumama na lang din ako kay Ria. Hinatid niya ako hanggang sa bahay at taos puso akong humingi ng salamat. Nakita ko naman si Mika na nakauwi na at nakade-quatro pa ng upo sa may bench. Inismiran niya lang ako at sumabay sa akin papasok. Nakakagigil talaga 'tong damulag na 'to.  "Apo, nakauwi na pala kayo ni Mika." agad kong tiningnan si Mika at nagmano naman siya kay Lala. Napakaplastic din pala nito. "Medyo malayo pala yun, La, pero kaya naman." pagsisinungaling niya. "Tell me to buy you an oscar award ha." bulong ko kay Mika at humalik kay Lala.  Agad na akong nagtungo sa kwarto ko para makapaglinis ng katawan at nahiga na din agad sa kama ko. Dahil sa nangyari ay naiinis pa rin talaga ako. Naisip ko ngang bumili ng voodoo doll at kulamin siya e. Napakasama talaga ng ugali ng labanos na iyon. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD