Rachel's
"Nakatulala ka nanaman dyan, hahaba pila lalo niyan." Wika ni Ara matapos akong sikuhin. Nandito kami sa Captain's Shack ngayon at nasa may cashier ako, because obviously, I need something to distract me from thinking of unnecessary-- and when I say necessary it's--
Ah, what's the point.
Tumingin naman ako sa umoorder at nginitian ito. "Ay sorry. Ano iyo?" Tanong ko sa babaeng nasa harap ko.
Umorder na nga siya at nagpass naman muna ako para magpahangin sandali sa likod. Nakakafrustrate, naiinis ako kasi paulit-ulit na nagre-replay yung nangyari nung nasa Batangas kami sa utak ko. I find it really annoying.
It annoys the hell out of me.
"Ahhh!" Sigaw ko out of frustration habang ihinihilamos ang mga palad ko sa aking mukha. I really wanted to get this s**t moment out of my head.
I want her out of my head.
"Huy, anong nangyari sayo?" Tanong ni Ara at nagsnap pa ng mga daliri niya sa harap ko to bring me back in reality, hindi ko namalayang natulala na din ako.
"Kasalanan mo 'to." Sabay palo ko nang mahina sa balikat niya at napabuntong hininga na lamang habang umiiling-iling.
"Grabe? Tinulungan na nga kita ngayon sa shop mo kahit walang bayad tapos ganito pa igaganti mo? Where is the love, Chel? Where?" Pag iinarte niya.
Nahihiya ako na sabihin sa kanya ang totoo.
I mean—
Hindi naman kasi talaga pero... "Ugh!" Nasabunutan ko na lamang ang sarili ko sa sobrang inis. Naiinis ako sa kanya, well, pati na rin sa sarili ko mismo.
Bakit hindi? I brought this to myself.
Hindi ko na dapat inintindi ang sinabi ni Ara.
"Hmmm, lemme guess." Ngumisi naman siya kaya tinakpan ko na ang mukha ko. "You are starting to like her, don't you?" Tanong niya pero umiling ako.
"No. Wala pa ako sa point na ganun." Napa-irap na lang ako, but I think I have to admit this to her. "I find her attractive whenever she takes good care of Sophie and I really hate it. Hindi niya dapat ginagawa yun. Hindi niya dapat inaalagaan ang anak ko. Natatakot ako na kapag naging malapit sila, masasaktan si Sophie." inis kong sabi and at the same time worried din. "Ara, natatakot ako masaktan ang anak ko."
"Hmm, you taught Sophie well to never attach herself on temporary people, natatakot ka ba na baka masaktan si Sophie?" She paused and smiled awkwardly before continuing what she was about to say. "O natatakot ka na baka masaktan ka?" dagdag niya kaya kumunot ang noo ko.
"First and foremost, alam kong in a relationship siya. Second, she doesn't even treat me special kaya I don't give a damn, but—" I sighed at tumingin kay Ara.
"Yes, I know Sophie is your weakness and you want someone who'll love her as much as you love her." Niyakap naman niya ako saglit at ginulo ang buhok ko.
"Ayoko ng ganito, Ara. Ayokong ma-fall sa kanya just because she treats my daughter kindly, kung mai-inlove man ako ulit, gusto ko sa taong ramdam ko na mahalaga ako at ang anak ko." Malungkot kong sabi sa kanya and for the first time after some years, I felt scared.
"Chel, I'm sorry kung nagulo ko yung nararamdaman mo. I won't push her to you either. I don't want you wrecking any relationships, you deserve to be treated like a queen." she tuck some hair at the back of my ears and looked at me while smiling silly. "As much as I want you to be with someone naman e, gusto ko pa din yung walang sabit." Tumawa naman siya kaya napangiti ako nang tipid.
"Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko, Ara, pero sigurado akong ayoko nito. Ayokong mapalapit kay Mika or what dahil lamang sa mga kinikilos niya around Sophie. It bothers me bigtime." Napayuko na lang din ako. I really hate what I'm feeling.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at bumalik kami sa loob ng Shack. Isinuot niya ang apron sa akin at binigyan ako ng spatula at tinampal ang noo ko. "Magluto ka na lang, magpakabusy ka at huwag mo nang isipin yung damulag na yun." She patted my back kaya naman nginitian ko na siya at nagtrabaho na lang gaya nang sinabi niya.
Nag break naman muna ako at biglang tumunog ang phone ko.
Si Mika.
I sighed before answering the phone.
"Hello?" Bungad ko.
"Rachel, nagyayaya si Sophie na magmall. Sunduin ka daw namin dyan, okay lang ba?"
I hesitated to say yes, ayoko sanang magkaroon ng moments si Sophie with her, dahil ayokong hanap-hanapin siya ng anak ko. Gusto ko silang pagbawalan lumabas, pero ayoko naman malungkot ang anak ko kaya napagpasyahan kong sumama na lang din.
*****
Mika's
Papunta na kami sa mall at napansin ko namang tahimik lang si Rachel kahit dinadaldal siya nang dinadaldal ni Sophie. She's usually jolly around her daughter kaya I find it bothering. Dumeretso kami sa sinehan dahil gusto manood ni Sophie kaya naman yung pang bata ang pinili namin kaso medyo awkward ang nangyari.
"Mommy, do I have a daddy?" Nabulunan naman bigla si Rachel dahil kumakain siya ng sandwich.
Agad ko namang inabot yung tubig niya since kami ang magkatabi dahil ayaw niyang katabi ko si Sophie. Napakaselosa niyang ina, hindi ko naman aagawin yung anak niya e.
"Baby, let's not talk about this. Mommy loves you, okay?" Pag-iiba niya ng usapan, which really doesn't help. Sophie is really at that stage na maghahanap siya ng father figure dahil nakikita niya sa ibang tao.
"Mommy, where's daddy? I want to see him." Pagpupumilit nung bata.
"Soon, baby, okay. Wala na si daddy but you'll have another, soon, okay?"
Sa di malamang kadahilanan ay parang nagpintig ang tenga ko sa narinig. All along ba alam niya yung sa fix marriage at nagkukunwari lang na ayaw niya?
For pete's sake!
She's ruining my life para lang may makasama siyang magpalaki sa anak niya? Para ba may kagisnang magulang yung bata?
Putangina naman? Hindi naman nila ako kailangan para doon. Pwede silang kumuha ng kahit sino dyan. Hindi nila kailangang gamitin ang lola ko sa kalokohan nila. Better yet, kumuha sila ng lalaki sa tabi.
Sakto namang natapos na rin ang pinapanood namin at tumayo na sila. Sumunod lang ako kahit gusto ko na silang layasan, sa sobrang inis ko nga ay nakalimutan ko i-check ang phone ko, and when I did, there were 5 missed calls already.
Fuck.
I texted Gretch at nagsorry dahil nanonood ako ng movie pero hindi na nagsend ang text ko.
Shit. Wala na akong load.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko kay Rachel.
"Wala na din ako sa mood, tara na." Wika niya.
Binuhat ko na si Sophie dahil sa sobrang enjoy niya ata ay napagod siya kakatawa kanina, pero mukhang bad timing. I saw Gretch walking towards us. "Love." Wika ko at tumingin naman siya kay Rachel. Halos pagpawisan na ako nang malamig mula sa kinatatayuan ko.
"One big happy family huh?" She smirked kaya naman inabot ko si Sophie kay Rachel.
"Love, we were watching a movie kasi at nai-silent ko yung phone ko. Sorry." Nanginginig kong paliwanag sa kanya.
"Mika, sabihin mo nga sa akin, may ginagawa ka bang paraan to cancel your marriage?" Tanong niya habang nakakunot ang noo niya. Honestly, wala pa. Wala pa akong nagagawa since madami pa akong inaasikaso sa office plus my work.
"Love it's not like tha—" natigil na lang ang pagsasalita ko nang sampalin niya ako. My jaw was left ajar at napahawak na lamang rin ako sa pisngi kong nag-init dahil sa ginawa niya.
That hurts.
"We haven't even met for 3 days. Busy ka bang igugol yung oras mo sa kanila?!" She walked out at binangga lang ang balikat ko. Nakakahiya, maigi na lang at hindi madami ang tao sa pwesto namin.
Susundan ko pa sana siya, already stepping a foot but stopped. I ended up sighing hard and just watched her walk away. "Let's go." Sabi ko kay Rachel dahil hindi ko naman sila pwedeng iwan dito plus nakatulog na rin si Sophie.
Nang makarating kami sa bahay, dumeretso si Rachel sa kwarto at inihiga dun si Sophie. After niyang kumutan yung bata ay dali-dali ko siyang hinawakan sa braso saka hinatak at dinala sa likod ng bahay nila dahil na rin sa sobrang inis.
"Aray ko! Ano ba?!" Wika niya habang kinakaladkad ko siya papunta sa likod, sinusubukan magpumiglas.
I pinned her on the wall. "Ginusto mo 'tong fix marriage na ito diba?!" Tanong ko.
"What are you talking about?" Mahinahon niyang tanong, wriggling her arms away, pero hindi niya ako madadala diyan sa pagpapatay malisya niya.
"Ginusto mo 'to! Wala ka namang ginagawa para itigil 'to! Ni hindi mo ino-open kay Lala na itigil ito." Gigil kong sabi sa kanya habang hawak ang braso niya.
She winced in pain. "Aray ko! Nasasaktan ako!"
"Wala akong pake! You're ruining my life. Akala mo ba ikaw lang nasasaktan dito? Tangina naman, Rachel!" sigaw ko.
"Edi ikaw makipag-usap kay Lala! Hindi ko kailangan ng katulad mo." Wika niya kaya natawa ako. Is she serious?
Tiim bagang ko siyang tiningnan habang nakakunot ang noo at salubong ang kilay. "Ginusto mo 'to dahil hindi ka pinanagutan ng tatay ni Sophie diba? Dinamay mo na lang ako sa ka-miserablehan ng buhay mo."
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya, hindi niya ako madadaan sa kaartehan niya.
"Kung hindi ka pinanagutan, magdusa ka. Wag kang mang damay ng iba. Ang landi mo kasi!"
Nakaramdam nanaman ako ng sampal. Doon lang ako natauhan, binitawan ko na ang braso niya at kitang kita ko na namumula na ito at may pasa rin. "Wala kang alam! Wag na wag mong idadamay si Sophie dito!" Wika niya at bumalik na ng bahay.
Napapikit ako nang ilang ulit habang nakatingin sa dinaanan niya. Minasahe ko ang taas ng aking ilong at naalala nanaman ang imahe ng braso niya kaya inuntog ko ang aking ulo sa pader sa sobrang katangahan.
I hissed, curde under my breathe at napailing na lamang rin saka nagsimulang maglakad. Chineck ko naman ang phone ko at dahil hindi ako nakatingin sa aking dinaraanan ay nabunggo ko naman si manang Flor.
"Manang, kanina ka pa po ba dyan?" Tanong ko, hinihiling na sana hindi niya narinig o nakita ang nangyari.
"Hindi mo dapat sinabi kay Rachel iyon." Wika niya.
I pursed my lips at agad inalis ang aking mata sa kanya. "Pasensya na po."
Nagmadali na ako papunta sa sasakyan dahil nasa akin naman ang susi at nagdrive papunta kanila Gretch. Kinakain ako ng kunsensya ko sa nagawa ko, I had no right to hurt her. Hindi ko rin dapat sinabi yun.
To: Apo ni Lala
Sorry.
Nasabunutan ko na lang ang sarili ko sa inis. Hindi ko sinasadya.
*****