Chapter 11

1570 Words
Gretch's "You shouldn't have done that." wika ni Bea. Napapikit na lang ako nang mariin nang makaupo ako sa sofa. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko dapat ginawa yun, hindi ko dapat sinaktan si Mika. Hindi ko rin naman ginusto iyon, nadala lang naman ako ng inis. Idagdag mo pa na meron ako. "Hindi ko naman sinasadya. We're just having fights lately and seeing them like a happy family irritates me." sagot ko sa kanya. She looked at in disbelief at huminga nang malalim. "You didn't even let her explain her side." dagdag pa niya as she continued munching her chips. I sighed. "Yes, alam kong at fault ako dun pero tingnan mo nga, hindi man lang ako sinundan." Pagkasabi ko nun ay nagbukas naman ang pinto. Tila ba on cue, ay bumungad sa amin ang humahangos na si Mika. Ngumisi lang naman ang magaling kong kaibigan at nagtungo na sa kusina. "Love, I'm sorry." On bended knees she said that kaya agad ko siyang pinatayo. "Mika, ilang beses ko bang dapat sabihin na wag na wag mong gagawin yan?" Inis kong sabi sa kanya. She doesn't really have to.  "Many times na, pero alam mo naman diba? I'm much willing to lower my pride for you. It doesn't even matter pagdating sayo, I don't want to lose you." "You're not losing anyone okay? I'm sorry for what happened earlier." Naglakad naman ako palapit sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "I'm really sorry, love. I don't want to lose you either and seeing you happy with them, for a second I thought you'd just embrace the fix marriag." I bit my lower lip saka siya niyakap at idinukdok ang mukha ko sa dibdib niya.  I miss her so much. "I'm sorry din sa mga misunderstandings natin nitong mga nakaraan, I'll make it up to you." Humalik naman siya sa noo ko kaya mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. "Spend the night with me." I wasn't even pleading. It was more of a command than a request. I hear her chuckle. "I would love to, even for the rest of our lives kung gusto mo." "Oh, tama na landi. Let's eat na." Sigaw ni Bea, nandito siya dahil mag o-overnight siya. Nagsimula na din kaming kumain nang mapansin kong namumula pa ang pisngi ni Mika. Sa kanan ko siya sinampal pero yung kaliwa ang namula, tumagos? "Ey, what happened sa cheeks mo?" Tanong ni Bea. "Ah, nasampal din ako ni Rachel." Napakunot naman ako agad sa narinig, anong karapatan niya para saktan si Mika? "Excuse me?" napataas ang isang kilay ko. "Why?" Tanong pa ni Bea. "It was my fault, may nasabi akong hindi maganda pero ewan ko. Naiinis din ako dahil feeling ko ginusto niya din yung marriage para sa anak niya." Nagpatuloy naman siya sa pagkain. I don't want to think negatively about her. Her gestures before showed na mabait siyang tao and won't do something if you haven't done anything bad against her, but that was my observation lang naman. Hindi naman ako ang nakakasama araw-araw, kahit nga ganoon ay hindi pa ganun katagal nakakasama ni Mika si Rachel para masabi iyon.  Who are we to judge? "Love, don't accuse her. What made you think na babae ang gusto niyang makasama diba?" I tried my best para i-justify ang ginawa ni Rachel, I'm giving her the benefit of the doubt. "Hmmm, kasi hindi naman siya nagreklamo about my gender nung nalaman niya about the marriage." She has a point, so that made me think na open siya sa ganitong relationship. "Anak? That young girl was her daughter?" Singit ni Bea, ngayon lang ata niya naprocess. Tumango naman si Mika at nanlaki ang mata ni Bea, hindi ba siya makapaniwala? Ako din naman nung nalaman ko, she doesn't even look like she have given birth! "Wag na nga natin muna pag-usapan yung taong yun." Wika ni Mika kaya we all agreed to change the topic instead. ***** Rachel's I tried not to cry hard but I can't, I just can't. I can't bring myself to stop from crying, to stop from hurting kahit matagal naman ng nangyari iyon. Hindi ko alam kung saan pupunta, ayoko naman magising si Sophie sa mga hikbi ko kaya hindi ako pumasok ng kwarto.  "Hija." Napalingon naman ako sa nagsalita, si manang Flor pala. Nanginginig ang mga labi ko nang tingnan ko siya at dali-dali akong nagtatakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko si manang at doon inilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.  Hindi alam ni Mika ang pinagdaanan ko para sabihan akong malandi. Nagmahal lang naman ako, wala namang mali dun. Ang mali ko lang naman ay yung pinabayaan ko ang sarili ko matapos akong masaktan. Mali din sigurong umasa ako na magiging okay ang lahat because everything was a mess.  I myself became a mess. "Sige, hija, umiyak ka lang." wika niya habang hinahagod ang likod ko. Ilang mga hikbi pa ang lumabas bago ako nakapagsalita. "Ano ho ba nagawa kong mali? Pinanindigan ko si Sophie kahit na alam kong mag-isa lang akong kakayod para sa kanya. Hindi ko matanggap na sinabihan niya akong malandi. Wala naman siyang alam."  Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. Ilang mapanghusgang mata na ba ang nagsabi sa akin nun? "Malandi kasi kaya nabuntis ng maaga." "Palagi kasing nagba-bar kaya ganyan." "Baka hindi niya kilala ang ama kaya siya lang nagpapalaki sa bata." Fucking stereotypes.  Ilan lang iyon sa mga narinig ko pero ni isang beses hindi ako pumatol sa kanila, dahil ang mas mahalaga, alam ko ang totoo; alam ng mga tunay kong kaibigan at ng pamilya ko ang hirap na pinagdaanan ko maprotektahan lang si Sophie sa mga mapangmata at mapanghusgang mga tao.  "Ang sakit-sakit, manang. Bakit ganun sila? Kung maka-asta sila parang nakasama nila ako nang matagal na panahon para husgahan nila na malandi ako. Nagmahal lang ako 'nang, nagmahal lang." buong hinanakit kong sambit sa kanya.  Hindi siya nagkumento, hinaplos lang nang marahan ang buhok ko para i-comfort ako. "Shhh, sige ilabas mo lang yan." Halos hindi na ako makahinga dahil sa kakaiyak. Ayoko na sanang balikan yung mapait na nakaraan, kahit pa si Sophie ang isang malaking paalala nun. But Mika— she had reminded me how cruel this world is. That no matter what you do, this world is full of judgmental people. No one counts the good deeds but easy to throw hands when you've done something wrong.  Bullshit. I never saw my daughter, Sophie, as a mistake. She gave me life when I was on the point of breaking down. She gave me strength when I wanted to die, she gave me new hope, and she gave me a new reason to live. She is literally an angel sent from up above.  "Apo, anong nangyari sa iyo?" Tanong ni lala kaya siya naman ang niyakap ko. "Masama lang po napanaginipan ko, La." pagsisinungaling ko. "Okay ka na ba?" sabay hagod niya sa likod ko.  Humiwalay ako sa pagkakayakap at tumango. "Konti po." "Nasaan pala si Mika?" Tanong niya. "Hindi ko po alam, La, pero nagpaalam naman siya kanina, nakalimutan ko lang." pagtatakip ko dito. Ayaw ni lala na umaalis siya ng walang pasabi. "La, ako na po bahala kay Buday, matulog na ho kayo." Wika ni manang Flor sa kanya. Nag-aalala man ang tingin sa akin ni Lala ay nginitian ko siya. As if I was telling her that I'll be okay soon kaya tumango na lamang siya at bumalik na nga sa kanyang silid.  Naupo naman ako sa malapit sa dining at binigyan ako ni manang ng tubig. Hirap pa din ako sa paghinga dahil sa dami nang iniyak ko, hinawakan naman ni manang ang kamay kong nasa lamesa. Ayieee. Charot.  "Hija, ang mga tao may masasabi at masasabi talaga yan. Hindi mo makokontrol ang gusto nilang isipin at lalo't wala silang alam sa nangyari sayo. Ako kilala kita, masasabi kong matatag kang tao dahil sa dami ng pinagdaanan mo ay hindi ka sumuko. Huwag mo nang isipin yung mga sinabi niya. Hindi ka malandi, alam mo naman yan." Napatango na lang ako at napasinghot, gash yung sipon ko. "I just felt offended, 'nang."  "Alam ko, lalo na't anak mo rin naman ang napag-usapan niyo. Alam mo, hija, kapag nakilala ka ni Mika at naintindihan niya ang nangyari ay baka mainis nalang din siya sa sarili niya dahil sa nasabi niya." tinapik naman niya ang braso ko. "Thank you manang, hindi ka nagsasawa makinig sa kwento ko." I pouted and sobbed lightly. "Mabait kang bata, Rachel. Mabait kang apo, mabait kang partner at lalo't higit sa lahat, mabuti kang ina. Basta alam mo sa sarili mo na hindi ka nagkulang sa anak mo, okay na iyon."  "Manang naman e! Pinapakilig niyo ako." Natatawa-tawa kong sabi. "Hay nako kang bata ka. Wag mo nang stressin ang sarili mo." Ngumiti naman siya kaya't yumakap na akong muli dito. "Thank you po." Wika ko. Nang mahimasmasan na ako ng tuluyan ay tumabi na ako kay Sophie na mahimbing ang tulog. Pinagmasdan ko naman ang mala-anghel niyang mukha at hindi napigilan ang mapangiti. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na bumalik sa araw na iyon ay hindi ko na rin tatanggapin dahil masaya akong nandito si Sophie. Masaya ako na may anak akong nagpapasaya sa akin, at gagawin ko rin lahat maibigay lamang ang mga kailangan niya.  Pinaunan ko siya sa braso ko at hinawi ang ilang piraso ng buhok papunta sa likod ng tenga niya. "I would never regret having you. You are my sunshine, my great love and my everything. I love you, my little munchkin." I kissed her forehead. I saw her smile kaya napaluha nanaman ako, ang emosyonal kong tao ngayon. I hugged her just enough to calm me down and to lessen the pain. She's all that I would ever need. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD