Mika's
It's been 3 days since that incident, Rachel and I, still hadn't talk. Iniiwasan niya ako at naiintindihan ko naman siya. I may have hurt her in ways that affects her differently. I was mad, and she was nothing but a mere person whom I barely know kaya naging ganun nalang din siguro ang reaksyon ko.
Wala sila ngayon dito sa bahay, I opted not to join them sa lunch out nila Lala at nagdahilan na lamang ako na masakit ang tyan ko dahil— well, nahihiya ako sa nagawa ko. Ala ko rin naman na nagkamali ako at wala akong mukhang maiharap kay Rachel lalo't hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa nagawa ko.
But should I really ask for it?
Hindi kami nag-uusap, and I decided sa mini couch na lang sa kwarto niya matulog dahil hindi naman ako papayagan ni Lala na matulog sa salas, o lumabas ng bahay na walang kasamang bodyguard. Mahirap at masakit sa likod pero sa tingin ko ay mas masakit yung pasa niya sa magkabilang braso at yung mga nasabi ko. I feel guilty sa kagaguhan ko, I really do. Minsan naririnig ko siyang pilit pinipigilan ang mga hikbi habang yakap si Sophie. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko iyon or may iba pa siyang problema.
Or I may have triggered something.
Nag-ikot ikot na lang ako sa kwarto niya and there, I saw a picture of her kasama ang isang babaeng nakayakap sa kanya, they look really close. Katabi naman nun ang isang picture ng lalaki na kasama niya habang buhat si Sophie. Hindi ko pa sila nakikita kaya hindi ko sila kilala, wala rin naman nabanggit noon si Rachel, I am clueless of these persons.
"Oh, hija, masakit pa ba ang tiyan mo? Nagdala ako ng White Flower." sabi ni manang Flor. "Sige po, manang, pakilagay na lang po dyan." sagot ko at nakatingin pa rin sa pictures nila. I took the frame at pinakita ito sa kanya. "Manang, ito po ba yung tatay ni Sophie?" tanong ko sa kanya, well curiosity hit me.
"Hindi." kinuha naman niya ang picture sa kamay ko at pinunasan ito. Saka ako nginitian ng may lungkot sa mga mata niya bago ibalik ang litrato sa pinaglalagyan nito kanina.
"Nasaan po ba ang tatay ni Sophie?" pag-usisa ko. Nagkibit balikat lang si manang. "Sino po yung babaeng nakayakap kay Rachel?" Tanong ko pa.
Tiningnan niya ako at natawa. "Hija, bakit hindi si Rachel ang tanungin mo?"
I pouted. "Hindi naman po ata ako sasagutin nun."
"Hindi mo pa nga sinusubukan."
"Natatakot po ako magtanong." sabay kamot ko sa batok at tumawa nang nakakailang.
"Hindi ba't ang alaga ko ang dapat matakot sayo?" her eyes looked blank, alam ko naman kung ano ang ibig sabihin niya kaya't napakagat na lamang ako sa aking labi. "Hindi ko masasabing nobya niya pero hindi naman din kaibigan lang, noon pa yan bago mangyari si Sophie." Bigla na rin nag-iba ang awra ni manang Flor nang muling silayan ang litrato. Nakangiting siya na para bang masayang ala-ala ang hatid nun.
"Ah, nagloko po si Rachel?" tanong ko.
"Masama ba ang tingin mo sa alaga ko?"
Napalunok ako ng laway at umiling. HIndi naman iyon ang punto ko, paano kasi, nagkaanak si Rachel diba? Kaya sila naghiwalay?
"Hija, si Rachel na ata ang pinakamabait na batang nakilala ko. Hindi niya kailanman magagawa iyon."
Humingi naman ako ng dispensa sa aking nasabi, bakit biglang namang naging misteryoso ang pagkatao ni Rachel? Bago lumabas ng kwarto ay muli kong tiningnan ang litrato nila. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya, kay Sophie; pero bago ang lahat, kailangan ko munang humingi ng tawad sa mga nasabi kong hindi maganda. Isa pa, hindi pa nga kami matatawag na magkaibigan kaya dun siguro ako mag-uumpisa.
Nagpaalam muna akong lalabas para bumili ng pwede kong ibigay kay Rachel as peace offering. I need something that would really tell her how sincere I am in my apology.
*****
Rachel's
"Okay ka na ba, apo?" tanong ni Lala sa akin at humawak sa hita ko. Nag-aalala pa rin siya.
Ngumiti ako nang pilit. "Okay naman po ako, La." Sagot ko at yumuko na rin.
Hindi ko napigilan ang hindi huminga nang malalim kaya tinanong niya akong muli. "Nag-away ba kayo ni Mika? Hindi ko kayo nakitang nag-uusap."
Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha at napapikit nang mariin. Sa totoo lang ay nai-stress na ako sa mga nangyayari. "La, itigil na po natin yung ganito. Ayoko pong ituloy yung gusto niyo." Iniwas ko ang tingin kay Lala at napunta namang ang atensyon ko sa kamay namin ni Sophie na magkahawak.
"Apo, sinusubukan niyo ba? Alam ko yung ginawa niyo nung nakauwi siya mula sa flight niya." napatingin naman ako kay Lala. Napayuko na lang ako, alam ko namang mas matigas pa sa Niyog ang ulo niya kaya wala ring silbi ang makipagtalo. "Mag-usap kayo, hindi yung nag-iiwasan kayo na para bang parehas kayong may nakakahawang sakit."
"La, kahit araw-araw pa kami mag-usap, kung wala lang, wala lang. Hindi mo naman mapipilit yung puso naming dalawa." Sagot ko.
"You'll learn to love each other soon after your marriage."
I groaned at napailing na lamang. "La." I gave her a pleading look pero nginitian niya lamang ako. "She's inlove with somebody else."
"Mommy, we should buy something for captain lollipop." wika ni Sophie kaya ibinaling na rin ni Lala ang atensyon sa iba.
"Nak, stop calling her that." wika ko that made her pout.
"What should I call her then?" she asked innocently.
"Call her mimi." napatingin naman ako kay Lala at kinindatan niya lang ako.
Ilang taon na nga ulit 'to si lala? Parang mas bata pa mag-isip kaysa kay Sophie e. Wala naman akong ibang magawa kaya hindi na ako tumanggi. Ilang iling pa ba ang gagawin ko sa mga ginagawa at sinasabi ni Lala? Jusko.
5:30 na rin nang makauwi kami, Mika was nowhere to be found, malamang pumunta nanaman sa girlfriend niya iyon. Napatingin sa may kabinet at nakitang bagong punas ang larawan na naroroon. It's been 4 years since I last saw her and I'm still thinking about the "what could have beens". Napangiti ako sa imaheng nasa isip ko kung sakaling naging okay ang lahat sa amin, pero matagal naman na iyon, I have moved forward.
But a part of me still wants her.
"Hi." napalingon naman ako sa nagsalita at agad naman rumehistro ang kaba sa mga labi niya.
Napataas ang kilay ko. "Bakit?" tanong ko kay Mika.
"Ano, Rachel" napakamot naman siya sa batok niya. Pursing her lips, trying to say what she wanted to say so I raised my brow again. "Uhm, ano kasi, sorry?" patanong niyang sambit
I scoffed softly. "Okay lang, Mika." tinalikuran ko na siya at ibinalik na din ang hawak kong picture frame. Hinawakan naman niya ang wrist ko para iharap sa kanya at agad akong napangiwi, medyo masakit pa iyon. "Sorry." Malungkot niyang tugon. She puffed her cheek for a second "For you nga pala." Sabay abot niya ng isang pirasong bulaklak.
"Para saan 'to?" Tanong ko.
"I'm sorry. Naguilty ako na nasaktan kita, pinag-isipan at nasabihan ng masama. Nadala lang ako ng emosyon ko, but rest assured, I'll be careful sa mga sasabihin ko next time." napaismid na lang ako sa sinabi niya at kinuha na yung bulaklak na ibinigay niya. I don't know if this is for a show or kung may kailangan siya kaya ang bait niya today.
"Thank you dito." Nginitian ko naman siya nang tipid.
"I'm really sorry, can we start anew? I mean, let's be friends, this time, for real." she smiled as she offered her hand.
Tiningnan ko naman ang kamay niya bago muling ibalik ang tingin sa kanyang mga mata. "No hidden agenda?" Paninigurado ko at natawa naman siya habang umiiling. "Okay. Sure." I gladly took her hand, but it's warmth lingered kahit nung bumitaw na siya.
It felt comforting.
"Why is Sophie calling me mimi?" taka niyang tanong.
"Sorry for that, si Lala kasi e." sagot ko.
"I don't mind naman, basta ha? Friends na tayo?" paninigurado niya kaya natawa ako nang bahagya.
"Oo nga, ang kulit mo." Ihahampas ko sana yung hawak kong bulaklak kaya sinamaan niya ako nang tingin.
"Mahal yan, sayang naman kung ihahampas mo lang sa akin." wika niya. "Saka atleast may maganda na akong kaibigan maliban kay Gretch diba." tumawa naman siya at napailing.
"Wala ka bang ibang friends?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang siya at ngumiti.
Bigla namang pumasok si Sophie at yumakap sa may paanan ko. "Mommyyyy."
"Yes, baby?" tanong ko sa kanya at lumebel dito.
"Mommy, I want ice cream." sabi niya.
"Kakakain mo lang." wika ko, naiintindihan naman niya iyon.
"Please?" Nagpuppy eyes naman ito.
How can I resist my adorable daughter?
"I'll buy you ice cream, tara." wika ni Mika at inaya si Sophie na lumapit sa kanya at binuhat ito.
"Mika, masyado mong ini-spoil ang anak ko." saway ko sa kanya.
"Hindi ah, bibili lang naman kami ng ice cream." she even stuck her tongue out, feeling ko mas bata pa sila ni Lala kay Sophie.
Napailing na lang ako and gestured them to go on. Pinagbantaan ko na din si Mika na kapag sinakitan ng tyan si Sophie, tiyan niya ang pupurgahin ko.
Nang lumabas sila sa kwarto ay napatingin ako sa bulaklak na binigay niya. Isang piraso lang naman na ecuadorian white rose na may gold tip ang ibinigay niya. Alam kong hindi naman ito nabibili sa ordinaryong flower shop, isa pa mahal ito. Yamanin pala talaga si captain.
My lips slowly curved upward and formed a silly smile. I can't help but feel happy inside, it's been so long since I received one. Inamoy ko naman ito at halos hindi na mabura ang ngiti sa aking labi, I am uncertain what is happening.
Kinuha ko ang vase at nilagyan iyon ng tubig saka nilagay ang bulaklak.
She wanted to be friends.
"Friends, yes. Hanggang doon lang naman. Wag kang umasa or what, pigilan mo din maattract whenever she's being nice to Sophie." paalala ko sa sarili ko.
Know your limitations.
"Rachel." Wika ni Mika nang buksan niya ang pinto.
Umupo naman ako sa aking kama. "Bakit? May nakalimutan ba kayo?" Tanong ko.
"Si Sophie meron." Lumapit naman sila at humalik naman sa akin si Sophie.
She's the sweetest, isn't she?
"We'll be back soon, mommy." Nakangiting wika ng bata. I smiled at her at ginulo ang buhok niya.
Naglakad na silang muli palabas bago muling sumilip si Mika. "Bye mommy!" Sabay kindat niya.
Napailing na lang ako.
Leche.