Chapter 13

2777 Words
Rachel's Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa may garden. Naabutan ko naman si Lala doon na nakaupo sa recliner at nagkakape. Gabi na pero ayaw pa rin magpaawat sa kape ng taong 'to. I can't help but wonder kung maaga ba siya nakakatulog kahit umiinom siya twice a day ng coffee kasi ako, if I happened to drink coffee past noon, my sleep would be f****d up. Chineck ko naman ang mga bulaklak ni Lala na unti-unti nang sumisibol. Hindi ko alam kung bakit, but I felt like these little buds. They struggle without sunlight, I would definitely too without Sophie too.  "Oh, bakit ang laki nang ngiti mo dyan? Parang kanina lang hindi na maipinta yung mukha mo ah." Pansin ni Lala. "P-po?" Nauutal kong sagot nang ipaling ko ang tingin sa kanya. Was I smiling silly again? "Aba't abot nga talaga ang ngiti sa tenga mo kaya nabingi ka na ano?" Natatawa niyang sabi kaya sinimangutan ko siya. "Lala naman, ano ho bang problema?" Tanong ko. "Wala naman, nakikita ko lang na masaya ka. May nangyari ba?" Nakangiti na agad siya na akala mo alam niya na ang dahilan. Namula ang mukha ko at napaiwas nang tingin kay Lala. Isa lang naman kasi ang nangyaring maganda sa akin ngayong araw. Hindi naman siya totally magandang nangyari, pero yun lang naman ang makabuluhang nangyari sa akin.  Mika giving me a rose is enough to lighten up my foul mood. Is it the rose or Mika? I don't know. I'm also scared to know. "Ano apo? Chika naman dyan." Napatingin ako kay Lala at nagtaas baba naman ang kilalay nito kaya natawa ako nang impit. Mapang-asar talaga siya, pero yun ang dahilan kaya mas madali para sa akin na magkwento sa kanya. "Lala, para kang teenager. Ang chismosa mo." Natawa naman siya sa sinabi ko. "Sige, kahit alam ko naman ang nangyari. Gusto ko lang naman makinig sa iyo. Gaya nung mga kwento mo noong una kang nagmahal." Ngumiti siya at humigop ng kape niya. Sa kanya kasi ako nagkukwento tungkol sa amin, tanggap niya ako sa kung ano at kung sino ako, hindi kagaya ng parents ko. Lahat ng tungkol sa amin ay kay Lala ko ikinuwento, she really looked like someone interested in every stories I told her. She was very supportive of us. Naupo ako sa may gilid ng pool at inilublob ang paa ko dun. Aninag din sa pool ang magandang repleksyon ng buwan. Namiss ko rin yung ganitong kwentuhan namin ni lala. Nung umalis na kasi siya, hindi na ako sumubok magmahal ulit. Takot na akong masaktan, takot na sabihin ng mga magulang ko na tama sila at wala akong napalang maganda sa desisyon ko. Takot din ako na baka  yung mamahalin ko ay hindi matanggap si Sophie, kaya ayoko ng mag risk. "La, binigyan ho ako ni Mika ng bulaklak." Wika ko at ramdam ko ang dahan dahang pag ngiti ng aking mga labi. Oo, para akong tanga na napapangiti sa simpleng gesture niya. "Nakita ko nga siya kanina, sabi niya nasaktan ka daw niya ng hindi niya sinasadya at nagsisisi naman daw siya doon." Dagdag ni Lala. "Okay naman na kami La. May hindi lang siya magandang nasabi nung nakaraan." "Huhulaan ko, tungkol kay Sophie ano?" Tumawa naman ako nang bahagya. "La? Kailan ka pa sumideline na manghuhula?" Inirapan ko siya at narinig ko ang hagikhik niya. "Why don't you use your free time sa Quiapo?" I chuckled.  "Apo, people who don't know what really happened would think of it that way. We live in a judgmental society anyway." Sabay higop nanaman niya sa kape niya. "It's okay, La. Okay naman na kami, we're friends na daw sabi niya." Napangiti naman ako bigla.  She gave me a quick look bago ako ngitian. "Good for the both of you." Is it really? Tumango na lamang ako at tumayo saka tinanggal ang damit ko, leaving my undergarments on and went for a swim. Hindi ko na inalintana ang lamig ng panahon, gusto ko lang talaga mag-isip-isip. Hindi ko na nga din napansin ang pag-alis ni Lala because I was drowning in my thoughts. Nagfloat lang ako at nanatiling nakatingin sa maliwanag na buwan. Napaisip, paano kung wala si Sophie, paano kung nagkaroon ng kami, paano kung hindi niya ako iniwan dahil kay Sophie?  Madami akong katanungan na hindi pa nasasagot. Napabuntong hininga na lang ako at inisip siya. I'm still missing you. I still want to see your smile. I badly wanted to feel your kiss once more. Napahawak ako sa aking labi, wondering how those kisses taste like. Then I felt a tear escaped my eyes. Damn. I know I'm still longing for you.  Natigil na lang ako sa pag-alala nang marinig ko si Sophie na tinatawag ako. Napangiti na lang ako at binalwela na ang mga naiisip ko kanina. Hindi ko ipagpapalit ang buhay ko ngayon kahit saan.  Kung mahal niya nga talaga ako, matatanggap niya si Sophie ng buong buo. No ifs. No buts. Napatingin naman ako kay Mika na agad nagtakip ng mata, baliw.  "Mommy! I want to swim too." Nagpout naman ang anak ko at agad siyang pinigilan ni Mika nang susuong na sana siya. "Baby, it's too cold na, you might get sick." Wika ni Mika sa bata at lumebel dito. "Let's swim tomorrow morning, how bout that?" she gave my daughter an assuring smile.  "But moooom." Giit ni Sophie. I smiled at my girl. "Ask yaya to prepare the tub." I smiled at her at nagtatatakbo na siya papunta sa loob. "Baka magkasakit ka, umahon ka na din dyan." Wika ni Mika.  "Tomorrow?" I scoffed. "Baka nakakalimutan mong aalis ka na bukas? I told you not to assure her if you can't."  Napakamot naman siya sa kanyang batok. "Ayoko lang naman sumuong siya, malamig na."  Napailing na lamang ako at nnagtungo na ako sa may hagdan ng pool saka umahon. I walked my way papunta sa may recliner kung san nakapatong ang robe na pinaiwan ko kay manang nang dumaan siya dito kanina. "Ang init! Pasok na ako ha?" Hindi man lang niya ako tinapunan nang tingin at ipinaypay na lang ang kamay niya sa kanyang sarili. Mainit ba? Parang hindi naman. Nagkibit balikat na lamang ako at dumaan sa back door ng kwarto ko, hinintay ko lang saglit na matapos yung pina-prepare ko kay yaya at sabay na kaming naligo ni Sophie dun. I let her play with her bath toys for a while. Pinauna ko na din siya magbihis dahil baka sipunin nga siya, nadatnan ko naman na sinusuklayan siya ni Mika matapos kong magbanlaw. "Ikaw? Papasuklay ka din?" Tanong niya sa akin at umiling lang ako. "Patuyuin mo buhok niyan ha, may blower naman dyan." Tugon ko. Nagpunta naman ako sa kusina at pinagtimpla si Sophie ng gatas. Kumuha na rin ako ng cookies kung sakali man na gusto niya. Yes she got some, kaso ang ending, si Mika ang umubos ng cookies kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya at sinamaan ng tingin pero nginitian niya lang ako habang punong puno pa yung bibig niya, napakatakaw! "Goodnight, mimi!" Sabi ni Sophie at humalik na sa pisngi ni Mika. "Goodnight, baby." pinugpog naman niya ng halik ang pisngi ng anak ko. "Captain mimi would miss you but I'll be back soon okay?" Tumango naman si Sophie. "Goodnight, mommy." Nilagay naman niya ang braso niya sa leeg ko at niyakap ako bago humalik sa akin. "I love you." Dagdag pa nito kaya napangiti ako. "Goodnight, my sunshine." Nakipag nose to nose naman ako habang kinikiliti siya. "Mommy loves you too, okay?" She nodded. Muli akong humalik sa noo niya at kinumutan siya. I tapped her legs lightly hanggang sa makatulog na siya. Si Mika naman ay busyng busy sa phone niya. "Rachel, uhm, flight ko na pala ulit bukas. Alam ko namang kailangan mo pa ako ihatid." Wika niya at kumamot sa batok niya. "I don't mind naman, anong oras ba?" "6 pm pa naman ng gabi but can you drop me off in the morning? Magkikita pa kami ni Gretch e." "Yeah sure." Sambit ko at nagkumot na. "Goodnight, Mika." "Thank you. Goodnight, Rachel." ***** "Kung makangiti ka dyan parang wala ng bukas!" Sabay hampas sa akin ni Den. "Nagjoke kasi si Mika." Sabay tawa ko nang bahagya at ibinalik na ang tingin ko sa phone ko dahil kachat ko si Mika. Natigilan sila kaya napatingin ako sa kanila, tapos bigla silang tumingin sa isa't isa bago ibalik ang tingin sa akin. Unti-unti namang ngumisi si Den, nabanaag ko naman ang pag-aalala sa mukha ni Ara. What? Did I said something wrong? "Naks! Chatmate naman pala kayo ni captain!" Pang-aasar ni Den at hinampas pa ako. "Den." I said with a  dismissive tone. Actually, chinachat lang naman ako ni Mika para kamustahin si Sophie. Hindi ko alam bakit nagtuloy tuloy yung usapan namin ngayong araw, mamaya na din kasi ang uwi niya. Sabi niya, nasa Singapore na sila for a quick stop tapos uuwi na din sila dito, it's been 5 long days na wala siya. Yes, 5 days felt so long without her annoying ass. "Bakit?" Tiningnan ko sila nang may katanungan sa ekspresyon ng aking mukha. "Bigla nga kasi siyang nagjoke, natural matatawa ako." Pagdepensa ko. "Ano bang joke niya?" Tanong ni Den. "Ano daw bang kainan ang madaming dahilan." Sinasabi ko pa lang pero natatawa na ako. Napatakip pa ako sa aking bibig sa pagpigil ng tawa ko. "Oh ano?" Tanong ni Den. "Razon's." Humalakhak na ako dahil hindi ko na napigilan ang tawa ko, ang benta nung joke niya sa akin, bakit ba. Napatingin naman ako kay Den na nakapokerface lang at umiiling-iling. Inirapan naman niya ako pero si Ara ay bahagya namang natawa. "Ang kj mo!" Sabi ko kay Den at hinampas siya sa braso. "Hindi ako kj! Ang korni kasi!" Reklamo niya. "Ang benta lang kasi sa akin, pasensya na." Natatawa-tawa pa rin ako. Nandito kami ngayon sa Captain's Shack at kumakain ng pananghalian bago kami mag-open. Bigla namang tumawag si Mika kaya sinagot ko na din ito agad. "Yes hello, captain?" Bungad ko sa kanya. "Siguro mga 5 pm mo na ako sunduin medyo madedelay saglit yung alis namin, haba ng pila sa runway e." Paliwanag niya. "Sure, ingat ka." Paalala ko sa kanya. "Oo naman, ilang buhay din ang kargo ko." Tumawa naman siya. "Sige na, bye!" Wika ko. "Yeah, ingat ka din sa pagdadrive and please do bring Sophie! Mwa!" "Landi mo, gago!" May pa mwa mwa pa kasing nalalaman. Natawa na lamang din ako sa kalokohan niya. "Bye, Rachel." Napangiti ako bigla sa paraan nang pagsambit niya sa pangalan ko. It sounded different kumpara sa  dati. I pursed my lips with a silly smile emerging. "Bye, Mika." I ended the call at pagharap ko ay nakangisi nanaman si Dennise, parang tanga talaga to paminsan. "Love, dun ka nga muna, tulungan mo muna sila maghanda." Sabi ni Ara kay Den at pinalayo ito sa amin. "Pero, love, wala namang kapila-pila!" Reklamo ni Den at nakakunot na ang noo. "Dali na, shoo!" Sabi ni Ara at nagpout naman si Den at nagtungo na sa may stall. Nang makalayo namann si Den ay  humarap siya sa akin. "Chel, okay ka lang ba?" Tanong niya. Oras naman para ang noo ko ang kumunot. "Oo naman, bakit naman hindi?" usisa ko. "I don't want you to fall for her." Wika niya. Napailing ako bago natawa nang bahagya sa sinabi niya.  "I'm good, Ara. My guard is still up naman, we're friends naman na kasi that's why." I reasoned out and smiled at her. "I trust you, okay." Hinawakan naman niya ang magkabila kong balikat ko at nagpakawala naman siya nang malalim na buntong hininga. "It's your heart that I don't, Chel." She faked a smile. "I trust your judgment, but not your heart." "Wag mo ako alalahanin, I can manage." Sagot ko. I slightly tapped one of her hands and she nodded in return. At dahil nga susunduin  ko si Mika, 2:00 pm ay umalis ako sa Shack para sunduin si Sophie sa bahay. Nagulat naman ako nang makita ko siyang nakasuot ng pang flight attendant na damit habang naglalaro sila ni Lala. "Mommy!" sigaw niya at lumapit sa akin na agad kong binuhhat.  "Baby, where did you get that?" Tanong ko dahil hindi ko naman siya binilhan ng ganyang damit. "Mimi said I'm her partner so I should wear this when we fetch her." All smiles niyang sabi. "Are you ready to go see, captain? We'll fetch her na." "Yes! Bye Lala!" Nagpababa naman siya sa akin at tumakbo papalapit kay Lala para humalik sa pisngi nito.  "Mag-iingat kayo, apo." sambit nito sa akin. Tumango ako. "Yes, La." sagot ko. On time lang naman kami nakarating, nang makita naman namin siya ay kasama niya na si Gretch at magkahawak kamay pa silang naglalakad papunta sa ammin kaya ang awkward na ganito ang suot ni Sophie. Nagtatatakbo naman ang anak ko patungo kay Mika. "Is this the outfit you bought her?" Tanong ni Grerch kay Mika at tumango naman ito bilang sagot. "Oh my gosh. Napakacute! Bagay na bagay sa kanya." Dagdag ni Gretch. "Hi." Maikli kong bati sa kanila. Ngumiti naman si Gretch. "Hey, long time no see. Sorry sa inasal ko the last time we meet. Hindi lang talaga kami okay ni Mika that time." Nag bow pa siya after apologizing kaya sinabi ko namang okay lang iyon. Naramdaman ko naman na nagtago si Sophie sa likod ng paanan ko. "Sophie, that's tita Gretch, a friend of Mimi." "Hi! Can we be friends too?" Tanong ni Gretch at nagcrouch siya para lumebel sa anak ko. "Come on, baby, she's nice." Sabi ko. Inaya naman ni Gretch ang anak ko para sa isang yakap, dahan-dahan pang naglakad si Sophie at nag-alangan kaya bahagya ko siyang tinulak. Tiningnan pa ako nito and I urge her to do so kaya yumakap naman din ito dito. Nagkatinginan namann kami ni Mika at agad niya akong nginitian, sinuklian ko rin naman iyon ng isang tipid na ngiti dahil hindi ko naman alam na susunduin rin siya ni Gretch.  Oh,  ganun pala talaga, nawala lang sa isip ko. "Let's have dinner, kaso I brought my car with me so convoy na lang tayo?" Tanong ni Gretch at inabot sa akin si Sophie. "Yeah, sure. Mika pwede mo nang ilagay yung bagahe mo sa likod ng kotse ko." Tumango naman siya at nag tungo na kami sa parking area. "Una na kayo, sunod kami." Sabi ko kay Gretch. Sumunod lang kami hanggang sa gusto nilang kainan na restaurant. Kakain na sana ako nang matabig ni Sophie ang kutsarita niya kaya pinulot ko ito sa ilalim ng lamesa and saw Gretch and Mika's hand intertwined under the table. Napailing na lang ako because we used to do that also. Nagconvoy pa din kami pauwi at hinatid muna namin si Gretch sa kanila. Ofcourse, hindi ko hinayaang makita ni Sophie na mag goodbye kiss sila sa isa't isa kaya tinakpan ko ang mga mata nito, ayoko lang na magtanong siya ng kung anu-ano. Isa pa, baka ma-ikwento niya kay Lala, edi masasabon pa kami ni Mika ng wala sa oras diba. "Ako na magdadrive." Wika ni Mika. "Maupo ka na lang diyan, tabi na kayo ni Sophie sa likod, alam ko namang pagod ka din." Sagot ko. Sumunod naman siya sa sinabi ko at nang makauwi kami ay namigay na siya ng pasalubong sa mga kasama namin sa bahay. Kape lang naman pasalubong niya kay Lala at duster, samantalang binilhan niya si Sophie ng kung anu-anong laruan at chocolates. "Uhm Chel, para pala sayo." Nakangiti naman niyang inabot ang isang box na nakabalot pa ng pang gift wrap. "Di ko alam kung anong magugustuhan mo kaya ayan na lang muna." Nahihiya niyang dagdag at hinimas ang batok niya.  Binuksan ko naman iyon at D&G na pabango ang laman. "Uyy, thank you! Mahal 'to ah." Wika ko and pouted. I was even about to cry. "Don't worry about the price." She smiled at nakipaglaro na kay Sophie.  There was a note sa loob kaya binasa ko naman iyon. I smiled as I read the note, she's sweet. She doesn't even have to. Rachel, Hope you'd appreciate this. Hindi ko alam yung mga gusto mo kaya nanghula na lang ako. Thank you for being a friend! :) I looked at her and smiled once again as I see them running around ni Sophie. Maybe I should be the one thanking her? I thank you too for bringing much laughter in this house. Napatingin naman sila bigla sa akin ni Sophie at nagtatakbo papunta sa akin. Kiniliti naman nila akong dalawa hanggang sa mapagod na kaming tatlo. The three of us were huffing, chasing air after laughing hard. "Good night, mommy and mimi." Humikab na si Sophie at bago pa siya makahalik sa akin ay knock out na siya. What a cutie. Paglingon ko naman ay halos magkalapit na ang mukha namin ni Mika at nabigla rin siya dahil nanlaki ang kanyang mga mata. Nagkatitigan lang kami, walang gumagalaw ni isa sa amin dahil sa gulat. Siguro kung nagkataon na mali ang lingon ko ay baka nahalikan ko na siya, maigi na lang at hindi, malamang gyera ito. "Goodnight." She smiled at nagulat ako nang humalik siya sa noo ko saka pumaling sa kabilang side. I'm left in awe at dahan dahan akong pumaling sa side ni Sophie at niyakap siya. I can feel my blood rushing to my face. She's just too gorgeous up close. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD