Chapter 14

1863 Words
Rachel's "Aga aga nakabusangot ka dyan." sabi ko kay Mika na parang nagmamaktol sa bawat slice niya sa kinakain niya. Ang haba pa ng nguso. "Si Gretch kasi." kunot noo niyang sagot. "Oh? Inano ka?" bored kong tanong. "Kasi tulog pa din siya." Hindi ko naman napigilan ang sarili ko matawa, napaka-isip bata niya pala talaga. Nagyon ko lang narealize dahil halos away lang din naman ang nangyayari sa amin ngayon. Now, we really talk like we're friends, getting to know each other at times din. I still can't believe she's this childish, hindi bagay yung height niya sa level ng pag-iisip niya sa totoo lang.  Napailing na lang ako after ko tumawa at tumingin sa kanya, she had her poker face on kaya tumigil na din ako sa pagtawa. "Really? Yun lang dahilan mo kaya ka nakabusangot?" hindi makapaniwala kong tanong. "Tinulugan niya na nga ako kagabi e." at nakasimangot na talaga siya. "Malay mo naman pagod, may trabaho din siya diba." wika ko at isinubo na ang laman ng kutsara ko. "Hindi mo ako naiintindihan, Rachel." sambit nniya with puppy eyes. "Namiss ko siya so kausapin niya ako." parang bata niyang pagmamaktol. "It's not like we could talk when I'm at my work. Duh~ walang signal sa eroplano." she faked a sob kaya natawa ako.  I had to cut my laughter short. "Wag ka na maingay, parating na si Lala." sabi ko dahil nakita kong pumasok na si Lala na kakagaling lang sa morning ritual niyang walkathon sa garden. Naupo naman si Lala at sinerve na ni manang Flor ang kanyang kape. Napatingin naman ako muli kay Mika na nakabusangot pa rin, pero kahit pa ba bugnot na ang mukha niya, I find her cute. She's like a big kid, for real.  Nagsalita si Lala about sa engagement party namin this weekend kaya hetong si Mika napatingin kay Lala with her mouth agape. Magrereklamo pa ata sana siya, I saw distress in her eyes but ended up pursing her lips. Sumimangot na lang ulit ang mukha niya at huminga nang malalim. She must have come to realize that arguing with Lala is no use. Lala's expecting us to dress well dahil nga formal party iyon at marami rin siyang business partners doon kaya inabot niya ang wallet niya sa amin and asked us to buy something nice. Katawa-tawa man ang itsura namin, I had to drag Mika out of our house dahil ayaw daw niyang lumabas at nagtatampo pa rin siya kay Gretch. "Mika, umayos ka nga. Daig mo pa si Sophie e." suway ko sa kanya kasi nagdadabog talaga siya habang naglalakad kami, parang baliw. Hindi na mapigilan ng iba ang mapatingin sa kanya. "Tulog pa rin siya oh!" at pinakita niya ang conversation nila na puro text niya lang. "Wala, di ka na mahal non." pang-aasar ko sa kanya at mangiyak ngiyak naman ang itsura niya kaya natawa ako. "Umayos ka na nga, baka isipin ng mga nakakita sayo malaking damulag ka lang."  "Tse." sabay irap niya. Paminsan ay masarap din pala talagang mang-asar. Now I understand Lala for doing so. "Mommy, why is Mimi sad?" tanong ni Sophie. "Because inaway ako ni mommy." sagot ni Mika sa kanya at kinuha niya sa akin si Sophie. Sophie looked at me and crossed her arms! I didn't do anything! "Mommy, you shouldn't do that." wika ni Sophie and Mika stuck her tongue out, so childish. "I didn't." sagot ko at tinaasan ng kilay si Mika. "Yes, you did." sagot ni Mika. "Say sorry to Mimi." wow, ako ang inuutusan ng anak ko. I rolled my eyes once again before saying sorry at tumawa lang si Mika. Napailing na lang ako after saka siya bahagyang kinurot, sinigurado kong hindi makikita ng anak ko. Sa halip na magreklamo ay tumawa siya at patuloy kaming naghanap ng store kung saan kami makakakita ng magandang kulay at design. Ilang store din ang nilibot namin, and when we did ay pinaupo muna niya kami ni Sophie. Siya ang pumili ng damit namin ng anak ko and I must say, may taste naman pala talaga si Captain. "Sukatin mo na yang mga yan, I'll be the judge." She smirked. "Ayoko nga, baka kung ano pa piliin mo." Tinaasan ko naman siya ng kilay. Kahit pa ba may taste siya ay natatakot pa rin akong ipagkatiwala ang damit ko sa kanya. "It's our engagement at may say naman siguro ako doon diba?" nakangiti niyang sabi at ang saleslady na nakabantay sa amin ay halos tunawin na si Mika sa sobrang pagtitig niya dito. Well, she should take her eyes off of her because Mika is taken. I mean by Gretch. "What's engagement, Mimi?" Tanong ni Sophie kay Mika. Napakamot naman si Mika sa ulo niya. She said something na hindi naman dapat sabihin in the first place. Ayokong nagpapaliwanag sa anak ko ng mga bagay bagay lalo na ang tungkol sa kasal namin ni Mika. Hindi niya iyon maiintindihan lalo na kapag kinailangan na naming maghiwalay ni Mika. We agreed na we'll go with the marriage, and ofcourse, we'll have to fake an issue para may rason kami para mag-divorce. "Baby, come here. I'll let you choose mommy's dress." I smiled at my daughter. "Yey!" Nagtatatakbo naman siya papunta sa akin and Mika smiled awkwardly. "Sorry." she grinned awkwardly.  "It's okay." nginitian ko siya at bahagyang tinapik ang braso niya. "I'll change."  Well, I let Sophie na mamili ng mga susuotin ko. May sense of fashion naman ang batang ito and she didn't fail me. Madami naman din kasing inabot na damit sa akin si Mika and I let Sophie choose 4 from them. "Manang mana kay mommy." Nakangiting sabi ni Mika. "Alangan naman sayo magmana yan." Wika ko at tinaasan siya ng kilay. I'm sorry, I really am not in the mood kaya nasusungitan ko siya kahit ayoko. "Ang sungit mo, sukatin mo na nga yang mga yan." Naupo siya at nagcrosslegs pa. She then gestured me to go kaya nagpunta na ako sa fitting room. I tried a red dress na bare back, sabi niya ay baka daw hamugin ako.  I groaned and changed at sinukat ang beige colored na dress. It was a long dress na may longsleeve ang kaliwang part habang ang kanan naman ay exposed. As soon as I went out to show it sana to her ay umiling agad siya. Maganda naman ah?!  Kinuha ko naman ang clean white na damit, it was simple na cocktail dress pero ayaw niya pa din. I'm down to my last straw kaya sinuot ko na ang black na body hugging dress, slit kung slit ang damit! "Ah! Perfect!" Nakangiting sabi ni Mika. "You look so beautiful, mom!" Sabi ni Sophie at pumalakpak. "Oh isn't she?" Sambit niya habang nakatingin sa akin. I had to look away. Tumayo naman si Mika at kinuha ang ipit ko na nasa may wrist ko, magrereklamo sana ako sa gagawin niya pero agad niya akong pinigilan at inipitan ng bun tapos kumuha siya ng konting buhok sa gilid at pinaikot sa daliri niya saka ito inilaylay.  "Oh, anong sinabi ni Liza Soberano sa looks mo." She smiled genuinely before winking. "You look f*****g gorgeous." nakaramdam ako nang pag-init ng mukha ko. She's good at complementing. "Mam, bagay po sainyo, yan na po ba ang kukunin niyo?" Tanong ng saleslady. "Yes, miss, kukunin po namin." Sagot ni Mika. "Mika, ang mahal kaya nito!" Reklamo ko dahil kinse-mil yun. Ginulo naman niya nag buhok ko. "Psh, ginusto yan ni Lala, bahala siya. Saka I'd still want you to look your best kahit we're just pretending. Malay mo nandoon ang forever mo, kailangan maganda ka palagi." Wika niya as she push me back towards the fitting room para ibalik na ang mga damit ko.  After buying some other stuffs ay dumaan muna kami kanila Gretch at nagmerienda doon. Bumili lang si Mika ng pizza para may makain kami. Medyo na-aawkwardan ako not because I find Mika attractive but nandito kasi si Sophie at medyo naglalandian sila. Hindi naman na din kami nagtagal at umuwi na rin agad dahil baka mag-alala pa si Lala. Nagstay naman kami ni Mika sa may garden to talk some things out.  "Ano pa lang sabi ni Gretch?" Tanong ko. "Hindi ko pa nasasabi." Napansin ko naman na parang kinabahan siya. "Bakit?" "She'll be furious. I opened that topic once and she kinda went—" she stopped at nagkibit balikat  na lamang. "Iisipin nanaman niya na hindi ko ginagawan ng paraan." She sighed at tumingin sa may pool. "Hindi naman sa ganun e, ginagaawan ko naman, magkaiba nga lang kami ng gustong paraan." Malungkot niyang tugon sa akin. Tinapik ko naman ng ilang ulit ang likod niya as comfort. "Hindi naman maiiwasan talaga na hindi mag-away, may hindi pagkakaintindihan, it's part of being in a relationship naman. All you have to do is be patient, and be understanding." I smiled at her nang tumingin siya sa akin. Tumango na lamang siya. "Pero bakit hindi kayo nag workout nung girl na kasama mo sa picture?" pag-iiba niya ng usapan. Napatingin naman ako sa kanya, napakadaldal talaga ni manang Flor! Napabuntong hininga na lamang ako. "May mga tao kasing meant na dumaan sa buhay mo to make you feel happy and love pero hindi sila meant magstay." I said in a monotonous tone, trying to fight the sadness I'm feeling. "May mga tao tayong bubuuhin para sa iba." sabay pilit akong tumawa at tumingin din sa pool. "Weh? Para ba talaga sa iba?"  "Ewan ko." sagot ko.   "You're still hurting aren't you?" Tanong niya nang hawakan niya ang chin ko para ipaling sa gawi niya. Tiningnan naman niya ako nang mata sa mata. It's hard to fight thru these tears. I nodded at natahimik naman kami parehas. "I'm sure na darating din yung taong para sayo." Ginulo naman niya ang buhok ko. Tumingin ako sa buwan at mga bituin, hoping they'd hear me and grant  me my wish. "Kahit hindi na yung taong para sa akin talaga, basta mahal niya ako at si Sophie, okay na ako dun. I'll make it work, or rather we would make it work from there." Sagot ko. I  felt her hand on top of mine,  caressing it with comforting warmth, way different  from others. "That's the spirit. I wish you'd find that someone. You deserve the best, kasi I could really see na you have a golden heart. I don't know why people are leaving you, Sophie's dad and that girl, mas maigi pang wala na lang sila sa buhay mo. You deserve someone na kaya kang panindigan." Pangaral niya bago bitawan ang  kamay ko. Ngumiti na lamang ako bilang tugon at tumayo. Tumingin lang ako sa kanya sandali bago tumalikod. Nakakailang hakbang pa lamang ako ay hinawakan niya ang wrist ko at hinigit papalapit sa kanya saka ako kinulong sa mga bisig niya. Doon ay tuluyan na akong naiyak. Masakit pa rin pala. Sobrang sakit pa rin, tila ba kahapon lang nangyari ang lahat.  "Your eyes give it away, mam." "I'm sorry." "For what? For showing weakness?" tumawa naman siya. "Crying sometimes help you ease the loneliness and pain. Alam kong masakit, kaya iiyak mo lang yan." Wika niya habang hinahagod ang likod ko. "Ang sakit sakit pa din, Mika." sagot ko at yumakap pabalik sa kanya nang mahigpit. "Shhh, I'm here. You can lean on me." I clutched her shirt at patuloy na umiyak sa balikat niya. Wala na siyang ibang sinabi, her hug was enough to comfort me. "Thank you for existing." I said and hugged her tighter. "I'm here, always." She replied. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD