Rachel's
"Are you ready?" tanong sa akin ni Jia habang nagliligpit kami ng papers at ibang gamit dito sa aming firm.
"Saan?" tanong ko pabalik.
"Uhm? Sa engagement mo?" taas kilay niyang sagot.
I looked at her with bored look, do I look like I'm ready? "Super excited nga ako e." sarkastiko kong sagot at inirapan siya.
"Halata nga e. I can feel the feels hanggang dito." sabi niya at tumawa.
Patuloy na lang akong nag-ayos ng mga gamit namin dito. Ayoko na ngang isipin yung bagay na iyon. Ayoko nang magpanggap sa harap ng madami, lalo't ayoko nang magpanggap sa sarili ko, kasi unti-unti na talagang nagiging totoo.
And I hate it, I really do.
It scares the hell out of me.
"Chel, hatid na kita." wika ni Riri.
"Ah, Ri, susunduin ako ni Mika e." sagot ko at nalungkot naman ang mukha niya.
"Can't I insist?" tanong niya.
Napatingin naman ako sa relo ko, hindi pa naman siguro nakakaalis yun dahil maaga pa naman sa sinabi kong oras kay Mika. Tumingin naman ako kay Jia at nginitian niya ako, a sign na gusto niyang paunlakan ko si Riri, so I did say yes na lamang din.
Mika
Uhm, wag mo na ako
sunduin, may maghahatid
sa akin pauwi.
Ayieee ❤️
Baliw.
Kwento mo naman
sino yan.
Kwento mo sa pagong.
Haha! Pikon? Kwento mo
yan mamaya ha. Wag ka
madamot. Kailangan ko
malaman ang nanliligaw
sa hilaw kong fiancé.
Ewan ko sayo
Natulog ba si Sophie?
Ah oo. Syempre, magaling
ako magpatulog e.
Hinampas ko siya ng
Kaldero, ora mismo,
tulog
Siraulo ka!!!
Joke lang, bibi girl!
Hahahahaha! Ez!
Whatever! Matulog
ka kunyari para di
ka sitahin ni Lala.
Yes, boss. Ayieee. ❤️
Napailing na lang ako sa kakulitan ni Mika. Kinuha ko na ang bag ko at nagtungo na kami ni Ria sa kanyang kotse. Ang awkward nga ng atmosphere, alam kong may gusto siyang sabihin at pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan iyon.
Hindi naman din ako nagkamali dahil nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay hinawakan niya ang kamay ko. Buong akala ko ay tapos na kami sa isyung 'to.
"Chel." nasa malayo naman ang tingin niya.
"Ri." I sighed.
"It's been almost five years na wala siya, hindi mo pa rin ba ako mapagbibigyan ng pagkakataon?"
It's been six years simula nang magtapat siya, ang kaso lang kasi nung mga panahong iyon may nagmamay-ari na ng puso ko. "Ri, sabi ko naman sayo diba, it's much better for us to stay like this when you asked me a year ago. Ayoko na din kasi talaga." napapikit na lang ako nang mariin at napahawak sa sentido ko.
"Chel, kahit ano namang sabihin mo hindi ako mapapagod mahalin ka. Six years, six long years but I managed to stay inlove with you. With or without Sophie, my love for you didn't even falter one bit."
Ramdam ko na nakatingin, siya ngunit hindi ko magawang tingan siya pabalik. Ayokong makita siyang nasasaktan, hindi ko naman din gustong masaktan siya. Hindi ko din ginustong manatili siyang tapat sa akin. I told her countless of times na ibang tao na lang ang mahalin niya dahil hindi ko kayang suklian yung ibibigay niya sa akin.
Last year, she asked me if she could try. I said no dahil wala naman talaga akong plano na pumasok sa relasyon. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko kayang ituon ang atensyon sa iba maliban sa anak ko. Pakiramdam ko ay wala akong panahon para sa pag-ibig.
"Ri, please, let's not make it hard for the both of us. Ayokong masaktan ka." Wika ko at tumingin sa labas ng bintana.
"That's the thing, Chel. Oo, choice kong hintayin ka, pero nasasaktan na ako." humigpit naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ramdam ko naman iyon dahil hindi naman ako manhid. "Sobrang lapit mo nga pero pakiramdam ko hanggang dito na lang, ayoko naman ng ganun. Kung natatakot ka masaktan, hinding hindi ko naman gagawin sayo yun. Sobra kitang mahal para gaguhin, sobra kitang mahal para bitawan sa ere kagaya ng ginawa niya." I can sense that she's about to cry kaya tiningnan ko na siya sa mata.
Disappointment, frustration, sadness at kung ano pang feelings ang nakita ko sa mga tingin niya sa akin. "Ri, ayokong masira yung pagkakaibigan natin. Sabi ko nga kay Mika, di bale ng hindi yung the one basta mahal ako at si Sophie. You have that." I paused at hinawakan ang isa niyang pisngi gamit ang libre kong kamay at napabuntong hininga. "It's just, I've been single my whole life. Oo, nainlove ako but— alam mo yun? Sanay na akong mag-isa. I'm good with Sophie, and I'm really sorry about that." Sagot ko at bumitaw sa pagkakahawak niya sa aking kamay. Binuksan ko na ang pintuan pero hinawakan niya ang wrist ko.
"If it would need another couple of years for me to have a chance, I'd still wait. I'm willing to wait because you are worth the wait, Chel. You are." She smiled as she slowly let my hand go.
I smiled. "Thank you but I want you to find happiness and I can't give you that." Tugon ko.
"Your mere presence sends joy in my heart. You still have the effect you had on me when we first met. No one is forcing me to do this, mahal kita and always remember I'm here."
Napabuntong hininga na lang ako at nagpaalam na rinn naman siya. Pagkaandar naman ng kotse niya ay bumungad sa akin si Mika na nakabukaka habang kumakain ng Chicharon. Napatigil siya sa pagkagat sa malutong niyang Chicharon at nginitian ako habang nasa bibig niya iyon.
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko kasi nakaupo siya sa may harapan ng bahay ni lala.
"Nakaupo? Kumakain? Kanina pa ako dito. Sa sobrang busy niyo hindi niyo lang ako napansin." Nagtaas baba naman ang kilay niya na animo'y nang-aasar at itinuloy ang naudlot niyang pagkain.
"Pilosopo." Inirapan ko siya at pumasok na ng gate.
Naramdaman ko naman na sumusunod siya sa akin, bigla naman niya akong hinigit papunta sa garden.
What the fuuu—
Hindi ba pwedeng batiin ko muna ang anak ko? Seeing Sophie after a tiring day is what recharges my energy. At dahil don, wala na akong energy para makipagtalo kay Mika kaya nagpatangay na lamang ako. It was a tiring day as well dahil madami kaming bookings.
"Chika ka naman, gurl." Napakunot ako ng noo at tinignan siya nang masama.
Seriously?
Tinampal ko ang noo niya. "Chismosa." Inirapan ko siya at pabalik na sana ako sa bahay pero hinarang niya ako.
"Diba nga friends na tayo, dali kwento." Nakikipag patintero siya at hinarang niya pa ang kamay niya. "Paano tayo magiging totoong friends kung ayaw mo magshare." patuloy niyang pangungulit.
"Mika, pagod ako." I sighed.
"My ghad?! Pinagod ka niya?" Sa sinabi niya ay agad agad kong tinanggal ang shoulder bag ko sa aking balikat at inihampas iyon sa kanya. Siraulo talaga. "Joke lang e. Napakamapanakit mo naman po." Sabay himas niya sa braso niyang hinampas ko.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Please, I don't want to talk about it." Simple kong tugon saka siya tiningnan.
"She loves you 'di ba?" She smiled at me.
"Madam Mika, wala akong panahon sa mga hula mo. The last time I check, piloto ka at hindi manghuhula." Wika ko. Pwede na silang rumaket ni Lala.
"Rachel Anne, hindi hula yun. The first time I met her, I knew. Mararamdaman mo naman yun. She looks so sincere, why don't you give her a chance?" Tanong niya sa akin.
Gusto ko matawa but I stopped myself in doing so. "Mika Aereen, hindi naman ganun kadali yun." Sagot ko.
"You should try. Wag ka matakot, because some people are worth the risk." she smiled at kinuha ang bag ko sa akin saka ako inakbayan at nagtungo na kami sa loob ng bahay.
*****
Gretch's
"Bihis na bihis ah, where are we going ba?" Tanong ni Bea,who really doesn't have a clue dahil hindi ata siya sinabihan ni Mika, nang pagbuksan ko siya ng pinto.
"Attending Mika's engagement." Bored kong sagot. Hindi ko nga alam kay Mika kung bakit kailangan andun pa ako. Kahit pa nagpapanggap lang sila e hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan. Kahit ulit ulitin ko na wala lang iyon ay naiinis pa rin ako.
Rachel is someone everyone could hope for.
"Hey don't give me that look. Come on, ate Gretch, you know how much Mika loves it when you smile so you gotta smile." She even gestured me to smile so I did.
"Thank you."
Inoffer naman niya ang braso niya so I clung to hers and walked our way sa kotse niya. Nang makarating naman kami sa venue ay masasabi mo talagang mayaman ang mga dadalo rito. Naupo naman kami sa isang reserved table para sa amin ni Bea, pang 2-3 tao lang talaga siya, the rest ay 10-seater table na.
"She really is expecting us huh." komento ni Bea.
"She knows I won't ditch this kahit ayoko talaga." Sagot ko sa kanya at napairap na lamang. Minsan ko na nga lang makita si Mika, hihindi pa ba ako? I know this is irritating, but for her sake I did.
"Well, she can sense you. She's walking towards us." wika niya with a smile.
Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya, naramdaman ko na lang ang kamay ni Mika sa magkabila kong balikat. "Hi, love. You look dazzling" bati niya at humalik sa pisngi ko.
Nang tingnan ko naman siya ay nakacap ito at nakaputing longsleeve. "Bakit ganyan ang suot mo? I thought you would be dress well?" tanong ko sakanya. Mukha siyang waiter.
"Because I would be doing this." Naupo naman siya sa tabi ko at pinaling ang mukha ko sa gawi niya. She held both of my cheeks and pulled me for a kiss. Her lips moved so I responded, it was short but enough to send butterflies to my stomach. She smiled sweetly and held my hand.
"Pag nakita nila na may kasama akong iba sa mismong engagement masama sa image yun ng both families diba, kaya bare with me, love. Kahit hindi bagay ang suot ko sa suot mo." she chuckled cutely, I miss her.
"Naks, your cheeks are as red as your dress." pang-aasar ni Bea at kinurot pa ang pisngi ko. Narinig ko lang ang pagtawa ni Mika bago sawayin si Bea.
"Magstart na ba?" tanong ko.
"Hindi pa naman, pinapunta lang kita ng maaga para makasama muna kita saglit." inihilig naman niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Namiss kita." wika ko at hinigpitan lalo ang paghawak sa kamay niya.
"I'm sorry we had to go through this." wika niya and gave me a kiss on my exposed shoulder. "I missed you more, love. I miss you everyday."
"Stop saying sorry over something na hindi mo naman kasalanan." Inangat ko naman ang mukha niya and looked straight in her eyes. Nagpout naman siya so I gave her a quick kiss. "I love you, whatever happens, and I'd still love you with all of me." dagdag ko.
"Uhm, can you stop being cheesy in front of me? I'm single, remember?" inirapan naman kami ni Bea kaya natawa na lang kami ni Mika.
"Hanap ka na lovelife kasi." suhestyon ni Mika sa kanya.
"Masaya maging single." sagot ni Bea at kumuha ng snack na nandito ngayon sa table.
Mika stayed for 10 minutes pa bago magpaalam dahil malapit na daw silang ipakilala sa guest. Nang tinawag naman sila sa stage ay hindi mo naman sila makikitaan ng awkwardness, natakot ako.
Natakot ako na baka— na baka isang araw maging totoo ang lahat.
*****
Rachel's
"Finally, you're getting married. Akala ko tatanda ka ng dalaga e." Malokong biro ng tito ko. But really, I felt offended. Do we really have to end up with someone in this world?
"Tito, ayoko naman po talaga. Si Lala lang itong mapilit." Nakapout kong sagot.
"Alam mo naman yan si mama, matigas pa ulo sa buko." Natawa naman kaming mga nakarinig sa sinabi niya.
"Your partner looks good." Wika ng asawa ni tito.
"Thank you po." Sagot ni Mika na biglang sumulpot sa tabi ko at hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya. I felt my cheeks slowly burning dahil sa distansya ng katawan namin sa isa't-isa. Hindi ako sanay.
"Alagaan mo yang paborito kong pamangkin ha." Bilin ni tito.
"Rest assured po." Nakangiting sagot ni Mika at nakipagkamay kay tito.
Best actress.
Magiliw siyang nakipag-usap sa mga tao. Nagpaalam naman siyang may pupuntahan saglit kaya hinayaan ko lang, di naman niya kailangan magpaalam sa akin dahil alam ko namang nandito yung semi-legal niyang girlfriend. I just hope that Lala won't see them.
Nagstay muna ako kasama ang mga kaibigan ko sa table nila at agad naman akong tinapunan ng tukso ng mga walanghiya.
"Nice! The soon to be bride looks so lovely!" panimula ni Jia.
"She's always lovely." kumento naman ni Riri.
"Bakit daw ininvite mo pa siya." Sabay tawa ni Jia at tinuro si Riri na nakabusangot na gamit ang kanyang nguso.
"Jiaaaaa." Kunot noong saway niya.
"Friends pa din naman tayo diba? Pero okay lang naman din kung hindi kayo pumunta, di ko naman kayo pinilit." Sagot ko at sinuntok nang mahina ang braso niya.
"I'm good. By the way, you look really amazing tonight." Nginitian niya naman ako nang bahagya. Her eyes were smiling as well kaya medyo nawala ang mga iyon.
"Tonight lang ba, e always naman ata yang maganda sa mata mo. Partida, di ka pa masyadong kita, paano na lang kung hindi yan singkit." Komento ni Jia kaya natawa na lang ako nang samaan siya ni Riri nang tingin.
"Mommy!" Salubong sa akin ni Sophie. At tumakbo na nakaabang ang kamay para magpabuhat.
"Hi there, baby." Sabay kandong ko sa kanya nang makarating siya sa akin at nakipag nose to nose.
"Mommy, I want to go home na." She pouted at mukhang antok na din siya.
"We'll go home soon, okay?" I smiled to try and comfort my baby.
Kumain muna din kami saglit nila Jia. Riri brought me some foods para hindi na maistorbo si Sophie. Ilang minuto na rin ang nakakalipas sa party na ito. Masaya lang kaming nagkukwentuhan habang nakayakap na sa leeg ko ang anak ko.
"Mukhang nakatulog na si Sophie." Singit ni Mika mula sa kung saan.
"Kumain ka na? Tara kain." Yaya sa kanya ni Riri na halos mauubos na din ang pagkain niya.
"Okay na ako, kumain na ako with Gretch." She smiled and this time, it surely did reached her eyes. Masaya ako para kay Mika to see her like this.
"Nakita mo ba si Lala?" Tanong ko.
"Ay oo, nandun siya malapit sa stage. Bakit?" Sagot ni Mika.
"Gusto nang umuwi ni Sophie kanina pa."
"Ganun ba, tara na." Kinuha naman niya si Sophie at kinarga ito.
"Mauna na kami, mag-iingat kayo pauwi." sambit ko sa mga kasama ko na tinanguan lang ako.
Mika held my wrist when my friends bid their goodbyes at dinala ako kung nasaan si Lala. Siya na din ang nagpaalam at agad na kaming nagtungo sa sasakyan. May kasama naman kaming driver para muling sunduin si Lala since nagpaiwan ito.
"Nakauwi na ba sila Gretch?" Tanong ko.
"Yes, naiinip na e. We're good naman. May pasok pa din kasi sila ni Bea bukas kaya hinayaan ko na lang din." Sagot niya at pinauna na ako sa likod saka binigay sa akin si Sophie.
Hindi na siya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay. Muli niyang kinuha sa akin si Sophie and as I watch them walk with my daughter resting her head on Mika's shoulder, nakaramdam ako ng relief.
"Chel, dyan ka na lang ba? Baka lamigin likod mo, sipunin ka pa." Wika niya, bakit maalalahanin siya sa mga kaibigan niya?
I walked towards them at sinabayan siya sa paglakad. I looked at her, tiningnan niya din ako at nginitian. No wonder why she's adored by some kahit minsan ang bitchy ng ugali niya. Hindi na rin ako nagtataka na nabihag niya si Gretch.
She's a great person.
And I can attest to that.
*****