Chapter 16

1561 Words
Rachel's "Nasabi mo na ba kay Gretchen yung plano mo?" tanong ko habang kumakain kami at nasamid naman siya kaya binigyan ko siya ng tubig. "Did I said something wrong? I'm sorry." Uminom muna siya nang tubig bago huminga nang malalim. "Hindi pa nga e, alam ko kasing magagalit siya." nalungkot naman ang mukha niya. I can't help but feel sad too. I know we are somehow the cause of her miserable life right now. "She'll know it sooner or later, mas maganda kung sayo manggagaling kaysa malaman pa niya sa news or sa ibang tao." kumento ko at mukha naman siyang kinakabahan. "Takot ka sa kanya?" tanong ko at nginitian niya lang ako awkwardly kaya naman alam ko na ang sagot. "Tell me what to do. Hindi ko alam paano sisimulan e." kamot batok niyang sabi. "Gusto mo bang samahan kita? As in sama lang ha, support lang kita. Di ako magpapakita sa labidabs mo." hello, takot ko lang din sa mga tingin sa akin ni Gretch. Pakiramdam ko ay tinutusok ako ng mga karayom sa talas ng kanyang tingin. "Sige that would do. Text ko na lang siya na magkita kami today, wish me luck." At nagsign of the cross pa siya kaya hindi ko mapigilan ang hindi matawa kahit inappropriate. I nodded at nagpatuloy na kami sa pagkain. Ipinasyal ni Lala si Sophie kaya wala akong intindihin ngayon dito sa bahay. Hapon na nang umalis kami ni Mika, maigi at nauna kami kay Gretch kaya naupo muna ako sa sulok, malayo sa kanila. This is the least that I could do for Mika.  Dumating si Gretch, I just stayed in my place enjoying my slice of cake. Hindi ko naman dinig ang usapan nila, they looked okay until nakita ko na lang na tumayo si Gretch with her bag at hinilamos na ni Mika ang palad niya sa kanyang mukha. I therefore conclude that it didn't end well. Mika looked frustrated pero hindi niya hinabol si Gretch at hinatid lang nang tingin kaya nilapitan ko siya saka naupo sa tapat niya nang makaalis na si Gretch.  "Bakit hindi mo sinundan?" tanong ko. "Hayaan mo siya, ayaw niya makinig e." napabuntong hininga na lang siya at tumingin sa akin. "Medyo matigas din ang ulo niya, kaya nga nagkasundo kami agad e." saka siya tumawa nang bahagya. "I'm sorry." simpatya ko sa kanya. "It's okay. Alam ko naman sa sarili ko na ginawan ko ng paraan e. Alam kong may solusyon na tayo, ayaw niya lang ng idea natin." ngumiti siya nang pilit at tinulak ang upuan gamit ang kanyang paa. She pointed it with her eyes kaya naupo naman ako doon. "Anong sabi niya?" tanong ko. "Magsama daw tayo." tumawa naman siya at napailing. "Magsasama naman talaga tayo dahil sa putang inang kasal na iyon." "Gusto mo bang kausapin ko?" maglalakas loob ako, para maging okay lang sila. "Thank you, Rachel. Pero mas maigi yatang hayaan na lang muna nating magpalamig. You can't change people's view. They'll believe what they want to." tiningnan niya ako ng malungko. "Tara uwi na tayo, 2 AM ako aalis ng bahay bukas, may flight pa ako." tumayo naman na siya kaya sinundan ko na din siya.  Nagpresinta ako na I'll drive her papuntang airport para makapagpahinga pa siya since may flight nga siya but she insisted na siya na at kaya naman daw niya dahil sanay naman siya sa ganito. Sabi rin niya na mas gusto niya maging busy tuwing magkaaway sila ni Gretch dahil ayaw niya lunurin ang sarili sa mga isipin.  "Tabi ka muna dyan." sabay turo ko sa isang ice cream parlor. "Malamig na, baka sipunin ka niyan." "Ano ka ba, isa lang naman. Halika na, libre ko." Magic word. "Talaga?" agad naman lumaki ang ngiti sa labi niya na para bang walang nangyari sa kanya kanina kaya natawa ako bago tumango. Akala mo nanalo siya sa lotto sa sobrang saya e. Half tub yung binili niya, samantalang 500 mL lang yung akin tapos sasabihan niya ako na baka sipunin e siya itong madaming kakainin. "Uyy masarap 'to tikman mo." Isinubo naman niya sa akin yung kutsara niyang may laman kahit hindi pa ako umo-oo. "Yuck may laway laway mo pa yan e." Reklamo ko habang magkasalubong na ang aking mga kilay. "Wow! Ang arte mo. Di ka naman mamamatay sa kaunting laway." Inirapan niya ako at nagpatuloy na sa pagkain ng ice cream niya. "Wala akong rabbies."  "Ang kalat mo kumain!" Sabi ko at binato siya ng tissue. "Walang pakialaman, ikaw din naman oh." Pinunasan naman niya ang gilid ng labi ko at dinala iyon sa labi niya.  Natigilan ako saglit, pero nagpatuloy lang siya sa pagkain. Nagkibit balikat na lang ako at inubos na din ang ice cream ko. Pilit din siyang nakikitikim sa ice cream ko pero ihinarang ko ang kamay ko, mas madami na nga yung kanya babawasan pa yung akin. Pagkascoop ko naman ay kinuha niya ang spoon ko at isinubo iyon.  "Mika! Laway mo!" Inis ko siyang pinalo pero tumawa lang siya. "Psh, if I know pinagnanasaan mo naman labi ko. JOKE! Aray aray!" Kinurot ko kasi siya, ang yabang talaga! "Bilisan mo na." Wika ko. "Teka bilhan natin si Sophie." Sabi niya. Patayo na sana siya pero hinawakan ko ang wrist niya. "Mika, please stop being so nice kay Sophie. I don't want you spoiling her. Ayokong masanay siya sa presence mo dahil alam natin pareho na hindi naman dapat ganito. You have Gretch." Litanya ko pero nginitian niya lang ako at bumili na ng ice cream.  Napabuntong hininga na lang ako nang makarating kami sa kotse. Bago niya paandarin iyon ay hinawakan niya ang kamay ko. "Wag kang mag-alala kay Sophie, she knows better. Matalino ang anak mo Rachel, pinaliwanag ko naman ang sitwasyon sa kanya. Marami siyang tanong pero alam kong nakuha niya iyon so don't worry, okay?" She smiled and let my hand go. "You did what?! Mika, napag-usapan na natin to diba? I don't want you telling things kay Sophie!" medyo inis kong sambit.  "I know, but I feel like I have to."  Napailing na lamang ako. "She's still a kid, Mika. Ayoko lang naman ma-attach siya tapos paano na kapag umalis ka, hahanap hanapin ka niya." Malungkot kong tugon. "If that ever happens, you have my number, text me. I'll give her my time." she smiled. "Mika, wag na wag kang magbibitaw ng kung anong pangako kay Sophie. I never broke any of my promises sa kanya, ayoko lang masira yun." "I'm true to my word Rachel, I break hearts but not promises. I never promised them anything or what." Natatawa niyang pag-amin sa kalokohan niya. "Basta piloto ang daming chicks." Komento ko. "Uyy hindi ah, one at a time lang ako. Hirap magmanage pag sabay sabay." Natawa naman kami parehas.  "Pero atleast you find someone na pangseryosohan na." I smiled, she's lucky na nakita niya na ang kanyang the one. "I didn't find her, she found me." She smiled at me and she looked so inlove.  Nakakaguilty tuloy, si Lala naman kasi e! Pauso pa ng fix marriage hindi naman na uso yan sa panahon ngayon. "Sorry." Sabi ko. "It's okay. I know malalagpasan din natin ito, kaya ikaw, open yourself sa iba. Kalimutan mo na yung nakaraan mo. I mean, don't let what happened in your past to hold you back para maging masaya sa kasalukuyan. Yes Sophie is there pero, it's nice to have someone pa rin naman, you know what I mean." Pangaral niya sa akin.  She started the car at nagpatugtog na lang. Sinasabayan naman din niya yung kanta, and I could say, she's not much of a singer dahil wala siya sa tono kaya natatawa tawa nalang ako. Kinurot naman niya ako nang bahagya sa tagiliran dahil tinatawanan ko daw siya, e sa nakakatawa naman talaga! It's not her voice, but the way she sing was really off.  "Sama ng ugali mo." She pouted. "Captain, mas masama ugali mo." Natatawa kong sagot kaya lalong lumukot ang noo niyan. "I was just pissed off. Inaasar lang naman talaga kita noon." Sagot niya. "Okay lang, you pissed me off bigtime naman. Gusto na nga kita sakalin e." Natatawa kong sagot at natawa naman din siya. Nang makarating kami sa bahay ay tumigil din siya at tinanggal ang seatbelt niya. Natigilan naman ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin. Palapit nang palapit dahilan para unti-unti akong mapaatras hanggang sa nasa may pinto na ako. She smiled before smirking. Napalunok ako ng laway sa kaba, she's really just too gorgeous upclose.  "Tatanggalin ko lang po yung seatbelt mo, ate." Natatawa niyang sabi at tinanggal na nga ang seatbelt ko. "Dyan ka lang." dagdag niya pa at lumabas saka ako pinagbuksan ng pinto. "Thank you." Wika ko. "Nakatingin si Lala, nasa may bintana sa kusina." Wika niya, kaya naman pala. I thought she was doing this dahil gusto niya. May iba palang agenda.  "Ang talas ng mata mo ha." Komento ko. Papasok na sana kami nang bigla akong matapilok and I lost my balance, agad naman niya akong nahapit sa may bewang ko. Gosh, she's too charming. Lalakad na sana ako kaso masama ata ang tapilok ko dahil ang sakit kaya nanatili akong nakahawak sa mga kamay niya. "Masakit ba?" Tanong niya kaya I nodded lightly.  Napasigaw ako. "Ibaba mo ako!" reklamo ko kasi bigla niya akong binuhat na parang bride. "Minsan okay lang i-admit na kailangan mo ng tulong." She smiled and I felt like melting in those stares, I laced my arms around her neck para hindi ako mahulog. Being this close to her, I felt scared. I think my door is opening for the wrong person. I must be crazy. Hindi siya pwede. Anyone, but not her.  *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD