Chapter 17

2809 Words
Rachel's Nang imulat ko ang aking mga mata ay wala na si Mika. Maaga nga pala ang flight niya, marahil ay hindi na ako ginising para ihatid siya. Hindi ko alam kung anong mali sa akin ngayon, but I just suddenly want to see her right now, which is really annoying since matagal pa bago siya umuwi. I wish I could have said goodbye before she left. I looked at my cute little sunshine na mahimbing pa rin ang tulog, napangiti na lang ako then I kissed her forehead. Lumabas ako ng aking kwarto at nagtungo muna sa garden para magpaaraw saglit. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero parang may kulang. Inisip kong kumain na lamang kaya dinaluhan ko na sa pagkain si Lala, tamang tama naman dahil naghahain pa lang si manang Flor.  "Bakit malungkot ka?" Tanong ni Lala nang makaupo siya sa upuan. Tiningnan ko siya. "Po? Hindi po ako malungkot." Sagot ko, no lies at all. Hindi ako malungkot, pero hindi rin ako masaya. "Sa makalawa pa pala ang balik ni Mika ano." Tumango lang ako dahil international flights ang hawak niya. "La, pupunta muna po ako sa Shack mamaya." Paalam ko na tinanguan lang niya.  After ko kumain ay naglinis na muna ako ng bahay, which I find really odd dahil hindi ko palaging ginagawa since may maids kami. Nagtataka din si manang, miski naman ako; hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Marahil ay ayoko lang ng idle time sa ngayon siguro.  And right now, idle time means thinking of unnecessary things, and by unnecessary— it's Mika. She has been running in my head lately, ako na lang din ang napapagod para sa kanya. 4 pm nang magpunta ako sa Shack, nandoon na rin si Ara na tinutulungan ang tao ko dun since may nagpaalam na naman na aabsent. These absences are getting out of hand dahil halos linggo linggo ay may absent. Hindi naman ako mahigpit sa mga tao ko, I have more than enough pero kung patuloy nilang gagawin yun ay kawawa naman din sa mga pumapasok.  "Hi, Chel." Bati ni Ara nang makita niya ako. Nginitian ko naman siya at nilapag ang bag ko sa lagayan namin. "Wala kayong date ni Den?" Tanong ko dahil ang bilis niya pumayag kanina nung niyaya ko siya. Kumuha na rin ako ng apron at naglagay ng hairnet. "May rounds pa si Doctor Lazaro, mahirap makipagkumpitensya sa oras niya, alam mo naman yun." Natatawa niyang sabi at nagbanat ng buto saglit saka nagpunas ng kanyang pawis; mukhang madaming customer kanina. "Buti nakakayanan mo?" tanong ko sakanya at binigyan siya nang makahulugang tingin. Alam naman siguro ng lahat that doctors have a little time to spare for their personal life. Halos sa hospital na sila nakatira. "I mean, yung hindi kayo palaging nagkikita kasi may work siya tapos may work ka din naman. Tapos yung sa halip na free time niyo may biglang emergency." Tumawa naman si Ara nang bahagya. "Chel, kapag mahal mo, iintindihin mo. Pangarap niya yun e, ang maibibigay ko lang naman talaga sa kanya ay pag-unawa. Ano ba naman yung suportahan ko siya sa gusto niya diba? Yes mahal niya ako, pero hindi kailangan sa amin umikot ang mundo. She can love me while she loves her work, there's nothing wrong with that. Bago ko pa siya mahalin, I know she dreamed of becoming a doctor. At nang minahal ko siya, I know I would end up with a doctor so wala akong karapatan to stop her." She looks dreamy while saying those things. Noon lang, halos mag-away sila araw araw dahil sa kakulangan ni Den sa oras, pero look where Ara's maturity brought her. I'm kind of proud sa kanya. "I'm glad that you help build each other, but I'm happier that after all that, kayo pa rin. You learned to understand one another."  "Yes, and I'm glad we made it here." sabay ngiti niya. We both believe that this is it, that they're really made for each other. Hindi ko napigilan ang hindi mapayakap sa kanya saglit. "Naglalambing, may kailangan?" sabay hampas niya sa braso ko.  I pouted. "Uhm, hehe." I chuckled awkwardly, pursing my lips before scratching the back of my head. "Kasi ano, Ria asked me again. What do you think?" Tanong ko at naupo muna. She looked at me from head to toe, hindi ko alam kung may feelings scanner ba ang taong 'to or what. Kailangan niya ba ako tingnan nang ganun para lang sagutin ang tanong ko? Hinawakan naman niya ang magkabilang balikat ko. "Mabibigyan mo siya ng chance, pero sa tingin ko—" she paused at ngumiti nang alanganin sa akin. "Sa tingin ko lang naman ha, may gusto kang sabihin bukod dyan." Napahilot naman ako sa sentido ko dahil sa narinig, tama naman siya, hindi iyon ang gusto kong sabihin talaga. "May sa mind reader ka ba?" Tanong ko. Huminga naman siya nang malalim. "Chel, una sa lahat buhay mo naman kasi yan. Sayo naman nakadepende kung bibigyan mo siya ng pagkakataon. Kasi sa huli, ikaw ang makikisama sa kanya at hindi kami. Hindi masama magbigay ng chance kung meron naman, so ang tanong ko sayo, meron ba? Ay mali, meron pa ba?" Napalunok na lamang ako ng laway sa huling sinabi niya. "This isn't about Ria, is it?" Tanong niya pa dahilan para mapahinga ako nang malalim at maipag-daop ang mga kamay ko. "Matutuwa ka ba kung sasabihin kong feeling ko gusto ko na magmahal ulit?" Tanong ko sa kanya. She looked happy with that big-O in her lips. "Oo naman! You've been through a lot, and you deserve to be happy. Gusto ko may magpapasaya sayo maliban kay Sophie." she nudge my shoulder. "Pero ayoko pa kasi talaga." Nasapo naman ng palad niya ang noo niya sa sinabi ko. "You could tell me anything, Chel. As in anything alam mo naman yan. Never ko naman chinismis kay Den mga sinasabi mo sa akin because I can see doubt in your eyes. Hindi naman kita pinipilit sabihin, but I just want to remind you that I'm here." napalingong naman siya sa stall. "Dumadami na tao, balik na muna ako."  Patayo na siya nang bitawan ko ang mga katagang hindi dapat, kasi mali. "Natatakot ako na tuluyang mahulog kay Mika." Pag-amin ko dahilan para manlaki ang mga mata niya. "M-Mi-Mika? As in ca-captain M-Mika?" her eyes didn't stop blinking in disbelief. Tumango naman ako bilang sagot. "My ghad friend, you're f****d up." Bulalas niya kaya napa-pout na lamang ako. I know I'm f****d up. I know I really am. "Sa sobrang takot ko na ma-attach si Sophie sa kanya, hindi ko namalayang my guard was down. Ako yung na-attach sa kanya, nakakainis lang naman kasi talaga. Bakit ba ang bait niya sa anak ko, bakit ba umaakto siya na parang kanya din yung bata? Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako na hiniling ko na sana makatagpo ako ng kagaya niya na mamahalin ng buo si Sophie kahit hindi ko sabihin." Nasabunutan ko na lamang ang sarili ko. Mali ito, hindi dapat. Ayokong makasira ng relasyon, lalong ayoko masaktan dahil ako ang walang pag-asa dito. "Chel, hindi pa huli ang lahat. Go on a date. Use the time na wala siya. Baka nasanay ka lang sa presensya niya. You sleep together, you eat together and you breathe together; kaya there's nothing wrong to feel something." Wika pa nito. I sighed at locked at my hands. "When I woke up, nalungkot akong wala siya. Hindi ako sanay na ibang tao ang hinahanap ko paggising ko sa umaga maliban sa anak ko. Feeling ko kulang pag hindi ko siya nakikita." Pag-amin ko.  Hindi pa lumilipas ang isang araw na wala siya pero pakiramdam ko ang tagal ko na siyang hindi kasama. Na para bang sobrang tagal lumipas ng oras. Pakiramdam ko ang tagal nang ikot ng mundo. Pakiramdam ko ang tagal ng bawat minuto o miski segundo.  Ngayon ko lang naramdaman ito. At nakakairita.   "Wag kang mag-isip ng ganyan, sabihan mo ang puso mo na wala lang yan, infatuation ganun." Tinuro naman niya ang ulo niya bago ang puso niya. "Mind over matter, friend." "Pwede ba yun?" Tanong ko. "Malay mo, and the gods must have heard you." she smirked. "Maiwan ko muna kayo." Tumayo na siya kaya lumingon na ako at nakita si Riri, she's holding a bouque. She walked her way towards me and handed me those flowers. It was a bouquet of sunflowers. "Thank you." Wika ko at nginitian siya nang taos sa puso ko. "Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko. "I have ways to know. Kapag gusto, may paraan." Sagot niya. "Asus! Sabihin mo, gusto mo siya kaya gagawa at gagawa ka ng paraan." Singit ni Ara dahilan para matawa ako at napakamot na lang si Ria sa ulo niya. "Pwede ba akong tumulong dito ngayon?" Nakangiti niyang tanong. "Ofcourse! We need your help. Halika dito." Sagot ni Ara. "Thank you, Ri. I appreciate everything." Sabi ko sa kanya at sinuklian niya lang ako nang isang ngiti.  For a moment nakalimutan ko ang mga iniisip ko, nagbigay ako ng space para papasukin siya sa pintuang matagal ko nang isinara.  Pintuang ayoko na sana buksan dahil natatakot akong muling masaktan.  Tiningnan ko lang sila ni Ara, at sa tingin ko tama ang kaibigan ko. Kailangan kong subukan. Hindi ko malalaman kung patuloy kong pipigilan ang sarili ko.  "Chel, hatid na kita pauwi." wika ni Ria. "May dala akong kotse, Ri. Wala si Mika kaya walang nao-obliga sunduin ako." Natatawa kong sagot sa kanya. "Maswerte siya, yung mga bagay na gusto kong gawin nagagawa niya kahit ayaw niya." Ngumiti naman siya nang tipid at napailing na lang ako sa sinabi niya. "Ang drama! Ihatid mo na yan si Chel, convoy ko na lang sa inyo kotse niya." Nag thumbs up pa si Ara, wow supportive ang friend ko. Pinagbuksan naman ako ni Ria ng pintuan, pagkasakay niya ay diniretso ko na siya ng tanong. "Akala ko ba napag-usapan na natin to, Ri?" "Oo nga, ihahatid lang naman kita pauwi saka nagdala lang naman ako ng bulaklak kasi gusto lang talaga kita bigyan. Napanaginipan ko lang kasi na malungkot ka kaya naisipan kita bigyan." paliwanag niya na tinanggap ko naman. Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko, pero siguro nga dapat ko na lang subukan kaysa hayaan ko ang sarili kong i-admire pa si Mika. "Ri, pumapayag na ako sa gusto mong gawin pero ayoko pa din tumaas yung hope mo. I'm willing na subukan pero hindi ko talaga maipapangako sayo yung gusto mong mangyari. Whatever happens sana our friendship would stay." Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi, gayun na din sa kanyang mga mata. "Ah ghad, you don't know how happy I am. Thank you, Chel!" Para bang inulan siya ng energy. "Ang gusto ko lang naman magkaroon ng chance na maiparamdam sayo na mahalaga ka, na deserve mo din mahalin. At higit sa lahat, gusto ko iparamdam sayo na worth it ka, you're not what you think you are." She held my hand and rubbed the back of it with her thumb. Tinignan naman niya ako ng mata sa mata, walang spark, pero ramdam ko yung sinseridad niya. "Hinding hindi ko naman sasayangin yung binigay mong pagkakataon sa akin."  Nginitian ko na lamang siya and hope that she could sway me. Nagkwentuhan lang kami sa mga upcoming shoots namin para sa isang magazine, locations at iba't ibang pwede naming gawin if ever. Naexcite na din ako dahil sa pasukan ay i-eenroll ko na si Sophie kaya hindi na rin siya makakasama sa mga photoshoots ko sa susunod kaya susulitin ko na habang wala pa siyang pasok.  Nang makarating kami sa bahay ay sinabi ni Ria na susunduin niya ako, kahit araw araw pa daw, umoo na lang ako at sinabi ko kay Lala na sasabay ako sa katrabaho ko para tipid sa gas. Katrabaho na manliligaw.  ***** Sa loob ng dalawang linggo na kasama ko naman si Ria ay masasabi kong masaya ako, nawawaglit ang isip ko sa mga bagay bagay. Hindi ko na nireplyan ang mga message ni Mika na kinakamusta si Sophie, kung tatawag naman siya ay binibigay ko kay Sophie ang phone at sila na lang ang nag-uusap. Kung wala ako sa bahay at tumawag siya ay hindi ko lang pinapansin.  I wanted to distance myself from her, I wanted to stop this madness before it gets out of control. Ngayon na siya uuwi, and lucky for me, papunta kaming Bacolod for a shoot kaya extended ang hindi namin pagkikita.  Pagkadating naman namin sa aming tutuluyan ay nahiga muna ako at nag-open ng phone. Iisang tao lang naman ang nakapukaw ng atensyon ko.  Mika Mika: Bakit wala kayo ni Sophie?  Wala tuloy akong stress  reliever ☹️ sunod ako dyan? M: Sunod ako sa Bacolooood ☹️ M: Miss ko na si Sophie. ☹️ M: Haaaay. Di pa rin pala kami  Okay ni Gretch. ☹️ Ano pa ba  dapat kong gawin? M: Uwi ka na ☹️ yoko na kausap  si Lala. Kinukwento niya lang  Yung hubo days mo e. M: Ang gross Chel. Sobra.  Napailing na lang ako sa mga pinagsasasabi niya. "Chel ang kulit ni Sophie sa kabila, tinalunan yung kama ni Jia. Ayun, nagising ang diwa." Natatawang bahagi sa akin ni Ria at tumabi ng upo sa akin sa kama. Kawawang Jia na konti pa lamang ang pahinga. "Alam mo namang gustong-gusto niyang nakadikit kay Jia." Close kasi talaga silang dalawa, since baby pa si Sophie ay alaga na siya ni Jia. "Napakacute ni Sophie." Komento niya. "Syempre mana sa nanay." Sagot ko at tumawa. "Wow naman sa confidence level, Chel." Pag tutol niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray! Sabi ko nga ang ganda mo e." "Ayan, maigi yung malinaw." Pagsusungit ko. Umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko saka kami lumabas ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni Jia. Pagbukas naman namin ay naghahabulan sila ni Sophie kaya dumeretso sa akin ang makulit na bata habang humahagikhik. "Ehem baka naman, respeto sa walang jowa." Wika ni Jia at narealize kong magkahawak pa rin kami ni Ria ng kamay kaya agad akong bumitaw. "Epal." Sabi ni Ria at inirapan si Jia kaya natawa na lamang kami. ***** It was around midnight nang lumabas ako para magpahangin malapit sa beach dahil hindi ako makatulog. Tinext ko si Ara kung gising pa ba siya, tumawag naman siya.  "Bakit gising ka pa? Magkaka eyebugs ka niyan, paano na ang shoot mo." Bungad niya, wala man lang hello. "May concealer naman, friend." Sagot ko at napabuntong hininga nang malalim. Tumawa naman siya. "Feeling ko nalunod ako sa lalim ah." "Miss ko na." Malungkot kong tugon. "Bakit? Akala ko okay kayo ni Ria?" "Yes we are. Pero hindi ko alam, namimiss ko lang yung presensya niya. Hindi ko naman iniisip, nagtext lang kasi siya today." "Hayaan mo na, enjoy Ria's company na lang, malay mo diba." "Yeah, bakit gising ka pa?" Usually kasi tulog na siya ng ganitong oras. "Para sa pag-ibig." sabay tawa niya. "Chos! Si doctor Lazaro kasi, dalawin ko daw siya. Nakakapagod daw ang work pag hindi ako nakikita. Kahit palagi niya akong sinusungitan, mahal na mahal pa rin niya talaga ako." Natatawa niyang explanation. "Oh, you're driving? Sorry wrong timing pala.  Sige, enjoy. Say hi to Den for me. Ingat ka sa pagda-drive." "I will! Mag-enjoy ka din dyan." Binaba ko na ang tawag at naglakad lakad na lang din, and there I saw Ria na mukhang malalim ang iniisip kaya tinabihan ko siya. "Gising ka pa pala." Bungad niya. "Di ako makatulog e. Bakit naka sando ka lang? Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ko. "Medyo, pero kapatid ko si Elsa, the cold won't bother me." Biro niya. Tumawa naman ako sa naisip ko at binahagi ito sa kanya. "Maputi masyado si Elsa para maging kapatid mo." Pag-basag ko sa joke niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin pero agad din naman niyang binawi iyon dahil nilamig siya. "Ayan, sando pa." Wika ko at yumakap sa kanya. "Chel-" halatang nagulat naman siya sa nangyari. "Kunyari ka pa, gusto mo naman." Natawa naman siya at yumakap din pabalik sa akin. "This is better, thank you." "No, thank you. Kasi you're here, nandito ka pa din despite everything." "Kasi mahal kita, sapat na rason na yun." She hugged me tighter kaya isiniksik ko na lang ang sarili ko sa yakap niyang iyon. Honestly, quite comforting. ***** Mabilis natapos ang 3 araw kaya heto nanaman ako, haharapin ko nanaman si Mika. Hindi na ako nagpasundo sa hilaw kong jowa dahil ihahatid naman kami ni Ria. Ayoko naman din maistorbo pa ang pahinga ni Mika, and when we got home, she was already waiting sa may pintuan. "Mimi!" Sigaw ni Sophie nang makita siya at nagtatatakbo papunta kay Mika. "I miss you, baby!" Wika nito at humalik-halik sa anak ko. "Chel, dito na ako." Sabi ni Ria. I nodded. "Thank you. Ingat ka." Bumeso naman siya sa akin at lumulan na sa sasakyan niya. I walk slowly towards them, tumayo naman si Mika and opened her arms wide. "Hey, I missed you too you know. You never return any of my texts." She sounded quite disappointed that made me look down. "Welcome hug naman dyan."  Tiningnan ko lang siya nang tipid at nginitian nang tipid. She's inviting me for a hug but instead, I walked past her. Pero leche. She held my wrist and pulled me into a hug. "Ang sungit mo, Rachel Anne ha. May pasalubong naman ako sayo e." Wika niya habang yakap yakap ako. Wala na, nanghina ako. I indulge myself into that hug. Leche.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD