Rachel's
Nakatingin lang ako kay Mika at Sophie habang nagbubukas sila ng maleta. Inabutan niya si Sophie ng ilang damit at chocolate dahilan para humalik halik nanaman si Sophie sa kanya kaya nagtawanan sila. My daughter looks so grateful for everything.
My heart is melting.
I hate how she manages to soften every inch of me whenever she makes Sophie smile. The way she handles my daughter with care makes me ache. It hurts because she isn't mine, nor will she ever be. Only I could hope to find a love like hers.
Bwisit.
Tumayo ako at nagpunta muna sa salas saka naupo sa tabi ni Lala. Yumakap naman ako sa kanya at isinandal ang sarili ko sa dibdib niya. I just miss being comforted, I miss those days na lahat nasasabi ko kay Lala.
"May problema ba, hija?" Tanong ni Lala.
"Wala po, La." Sagot ko kahit inis na inis na ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayari sa akin.
"Gusto mo ba ng cookies?" Ngumiti naman siya at tumango-tango ako.
Nagtungo kami sa kusina at nagsimula nang i-prepare ang mga ingredients. Well, as our neighbors says, Lala's cookies are the best in town. Minsan nga ay umoorder pa ang mga kapitbahay namin kapag holidays, and Lala happily makes one for them.
Lala and I started making cookie dough habang nagkukwentuhan ng mga bagay-bagay. She didn't asked anything about Mika, the engagement or how were we. We just talked about me and her.
Lumabas naman si Mika at Sophie mula sa kwarto at tumambay din sa kusina. I wanted to wish for Mika to stay f*****g away from me. Kahit sana 10 meters lang or basta hindi ko makita ang pagmumukha niya. I don't want her around kasi naiirita ako sa kanya.
Nakakairita sa sobrang attractive. Ako naman si tanga na-attract.
Leche.
"Hoy ayusin mo nga yung lukot ng mukha mo. Hindi magiging masarap yang ginagawa mo. Diba Lala?" Sita ni Mika at inirapan ko lang siya. Pakialam niya ba? Umalis siya sa harap ko kung ayaw niyang nakabusangot ako.
"Mimi, Lala's cookie is yummy." Sabi ni Sophie.
"How about mommy's cookie?" Tanong ni Mika habang nakacross-arms at nakadungaw kay Sophie.
"I'll take Lala's." Sagot ng anak ko.
Tumawang dalawa kaya tumingin ako kay Lala at nagpout pero tumawa lang din siya. Grabe naman sila sa akin, alam ko hindi ganun kasarap pero hindi naman ganun kasama yung lasa ng gawa ko ah?
After namin mag bake ay muli akong lumayo sa kanya, nagtungo na lang ako sa garden para naman malayo ako kay Mika. Naupo naman ako sa gilid ng pool at ibinabad ang paa ko dun. Sakto namang tumawag si Ria kaya sinagot ko ito.
"Napatawag ka?" Tanong ko habang nakatingin sa mga paa kong naglalaro sa tubig.
"Miss ko na agad boses mo e." Sagot niya dahilan para mapangiti ako nang bahagya. Hindi ako sanay na landiin, sa totoo lang.
"Bolera, kakahiwalay lang natin wala pang dalawang oras ang nakakalipas."
"Seryoso ako, miss na agad kita." Bakas ang lungkot sa boses niya.
"Come on, wag ka na malungkot." Wika ko. "Hindi bagay sayo. Para kang tsokolateng natutunaw." sabay tawa ko.
"Ang sama mo." natawa rin naman siya bago huminga nang malalim. "Hindi na ulit kita mahahatid sundo e, nandyan na yung hilaw na legal fiancè mo." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Sunog ka kasi." Pangbabara ko sa kanya pero narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.
"Strike two ka na sa akin ha!"
"Truth hurts." sabay tawa kong muli.
"Bakit pala hindi ka pa nagpapahinga? Hindi ka ba napagod sa trip natin bago umuwi?"
"Not really. I'm fine, Ri, marami lang akong iniisip." sagot ko sa kanya. Actually isa lang naman.
Itong nararamdaman ko para sa maling tao.
"Gusto mo magpa-spa? Tara bukas! Para naman mabawasan stress mo." Paanyaya niya.
"I'm good, Ri. Thank you for treating me special."
"Because you are." My heart flutter dahilan para mapangiti nanaman akong muli.
"Thank you talaga." Narinig ko naman ang paghikab niya. "Inaantok ka na! Matulog ka na nga."
"Okay. Pahinga ka na rin. Goodnight, Chel."
"Goodnight, Ri."
Binaba ko na din ang tawag saka inilapag ang phone ko sa may gilid ko. Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko at ibinabad din ang paa niya sa pool. Inabot naman niya sa akin ang isang baso ng wine na kinuha ko rin naman.
Anak naman ng tipaklong, bakit ba ayaw akong tantanan ng labanos na ito? Kahit ilang oras man lang sana.
"Yieee naks, kakaalis lang di na agad mapakali." Sabay inom niya.
Napairap na lamang ako at napailing. "Bakit ba sunod ka nang sunod?" Tanong ko. Layo ako nang layo sa kanya tapos para siyang magnet na lapit nang lapit.
"Bakit ba? Namiss kita." Sagot niya.
Yung puso ko hindi na agad mapakali sa simple niyang sinabi.
Leche.
"Tigilan mo nga ako." Pigil kilig kong sagot sa kanya. Mahirap hindi kiligin, but I somehow manage to hide it.
"Grabe. Hindi mo man lang ba ako namiss?"
"Hindi." Pagsisinungaling ko.
"Wow hanep. Sabagay, jowa ko nga di ako namimiss, ibang tao pa kaya." Malungkot niyang sinabi at inubos ang laman ng baso niya saka naglagay ng panibago.
"Oh wag ka ng malungkot, namiss naman kita, I m-mean n-namin ni Sophie. La-la-lalo na si Sophie." Nauutal kong pag-amin, at least kahit papaano diba.
"Asus, si Sophie lang naman talaga nakamiss sa akin." Pagmamaktol niya na parang bata at nagpout pa. That makes me want to pinch her cheeks pero hindi ko ginawa.
Ang cute niya, kairita.
"Kamusta naman kayo? Habang kayo nagkakamabutihan, kami naglakalabuan." Sabay inom nanaman niya ng wine niya. Gawin daw bang tubig?
"We're good." Maikli kong tugon.
"Buti ka pa." She sighed kaya napatingin ako sa kanya. Ibinaba naman niya ang tingin sa mga paa niya.
"Can I ask you something?" hindi pa man siya sumasagot ay itinuloy ko na ang aking itatanong. "Paano mo papapasukin ang isang taong kumatok nang maayos sa pintuan mo pero inunahan na pumasok ng iba?" agad niya akong kinunutan ng noo.
"Ha? Di ko magets."
"Wala." Nakakatamad ulitin.
Nagtampisaw lang siya at maya-maya ay may kinuha siya sa bulsa niya. "Para nga pala sayo." Sabay abot niya ng isang rectangular na bagay sa akin.
"Ano ito?" tanong ko.
"Kahon." pabalang niyang sagot kaya naman itinuktok ko iyon sa ulo niya. "Aray, grabe ka." hinimasa naman niya iyon.
"Ano nga?"
"Ah, pasalubong ko sayo. Ikaw una kong naisip nung nakita ko yan e."
I. Must. Admit.
I. Died.
Shet.
Leche ka, Mika.
Binuksan ko naman ito at isang white gold necklace na may mini sun na pendant. Kinuha naman niya iyon sa lagayan at lumapit sa akin. Shet ang bango pa din niya kahit ba nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo para parin siyang nakapabango.
This is making me crazy, nararamdaman ko na yung hininga niya sa may batok ko dahil ikinabit niya sa akin ang kwinta at yung presensya niyang malapit sa akin ay sapat na para magkarera ang dugo ko.
"Ah, it looks good on you." Nginitian naman niya ako bago muling uminom.
Hinawakan ko ang kwintas at tiningnan ang pendant. "Bakit ito napili mo?" Curious ako dahil ako daw naalala niya e.
"Wala lang." she shrug at muling ngumiti. "Lagi ko kasing naririnig na sinasabi mong si Sophie ang sunshine mo kaya ayan, malayo ka man, alam mo na she's with you." Napangiti na lamang ako sa explanation niya.
"She's always here naman na sa puso ko but still, thank you."
I don't even know why, I leaned closer to give her a kiss on her cheeks kaso humarap siya.
*gulp*
The good thing is, hindi lumanding ang labi ko sa labi niya. Tho I know a part of my lips landed on the very corner of hers. Nagkatitigan lang kami, ang awkward. I mean sobrang awkward dahilan para manlaki pa ang mata ko pero hindi ko nagawang gumalaw agad. Ngumiti siya kaya nawala yung awkwardness pansamantala.
"So-sorry. Dapat magt-thank you lang ako." Wika ko.
"I'm happy na you're opening yourself once again. You and Sophie deserve to be happy." Sabi niya out of nowhere.
"Ikaw din naman, so ayusin mo yang sa inyo ni Gretch." I smiled kahit may konting kirot akong naramdaman.
"She knows my situation, alam din niya ang plano natin, anong masama dun? I mean siya at siya pa din naman ang mahal ko, anong hindi niya maintindihan? Hindi ko naman ginusto 'to diba?" Napabuntong hininga siya saka inom muli.
Sa bawat sinasabi niya ay parang pinupukpok ng bato yung puso ko e, medyo masakit pala talaga pag alam mong wala kang pag-asa. If this is what Ria has been feeling for the past years, I really am sorry.
"Suyuin mo lang."
"Paano bang suyo gusto niya? I asked Bea to bring her flowers and such, ni hindi niya nga pinansin. Hindi naman ako mahilig magbigay ng ganun, I give her time whenever I'm available. As much as possible nga hindi ko siya hinahayaang matulog na magkagalit kami, kahit siya pa may kasalanan pero this time ewan ko, ewan ko na talaga." Natawa naman siya nang mapait.
"Alam mo, sige kahit di na ako umiinom masyado, inom na lang tayo." Natatawa kong paanyaya sa kanya.
"You know what, this setup is really annoying. Modern day na pero may fix marriage pa, ako naman si tanga hindi na lang umalis at nagpakalayo layo, pero gayun pa man, I still found a friend in you and I like Sophie's company. She makes me feel happy oftentimes with her silliness."
"Yeah, I thank God He brought you in my world." Tiningnan ko siya na nakatingin lang sa mga paa niya.
Well, I really am. I am really thankful kahit alam kong hanggang dito lang.
Lumingon naman siya and showed me her doe-eyed smile. I'm really dead. Her smile caught me unguarded.
Lintik naman.
"Ang cute cute mo!" Sabi ko at pinanggigilan ang kanyang pisngi. Pilit kong pag-iba ng usapan dahil naririnig ko na ang t***k ng puso ko kahit maingay naman kami.
"Alam ko." Natatawa niyang sagot.
"Dahil dyan." I paused, giving her a playful look before smirking. "Maligo ka." Tinulak ko naman siya sa pool at pagkaahon niya ay sinamaan ako nang tingin.
"Epal." Sambit niya saka ako hinatak kaya napaligo na rin ako ng wala sa oras.
I questioned myself.
Ghad, anong ginagawa ko? Why am I letting myself fall deeper sa balon na mukhang walang dulo. Sa balon na hindi ko alam kung magiging okay pa ako kung tuluyan na akong bumagsak sa pagkakahulog ko.
She brushed her hair up and damn. She's just too hot.
I can't resist.
"Ang lamig." Sabay yakap niya sa sarili niya.
"Mas malamig yung girlfriend mo." Pagbasag ko sa kanya.
Her face immediately turned into a bored one. "Wow, ang bait mo." Sarcastic niyang sinabi kaya natawa na lang ako dahilan para talamsikan niya ang ng tubig.
Bumalik kami sa gilid ng pool at tinuloy ang pag-inom. We talked about life in general at nagkwentuhan ng kung ano ano. She's funny, is there anything na hindi kamahal mahal sa kanya? I want to see that, para matigil na itong kahibangan ko. Pero ewan ko ba sa sarili ko, hanap ako nang hanap ng mali sa kanya, hindi pa ba sapat na in a realationship siya?
I hate myself.
Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa may bewang ko. Hinapit niya ako papalapit sa kanya nang makita niya akong nilalamig na at medyo nakakulong na ako ngayon sa bisig niya.
"Sorry, this would lessen the cold at least," she whispered with care in my ear.
Fvck.
Sa sobrang bait niya, di niya ata alam na ang dali niyang mahalin.
Kainis.