"I'm sorry." "Ano bang kulang, Mika? Isang taon, halos isang taon! Sa isang taon ba hindi mo ako natutunan mahalin? Sabi mo hindi ako mahirap mahirap, pero bakit? Bakit hanggang ngayon siya pa din?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. "Rachel Anne, minahal kita." Napaismid ako dahil sa mga salitang binitawan niya. Mga salitang pakiramdam ko ay walang katuturan. Minahal. Tapos na. "Bakit, Mika? Pinigilan ko ang sarili ko mahalin ka, kasi alam kong may mahal kang iba, pero bakit? Bakit kinailangan mong sabihin na totohanin na lang natin kung babalik ka naman pala sa kanya?" Nakagat ko naman ang labi ko sa inis. "Naging totoo naman at some point. Rachel Anne, minahal kita." She tried to hold my hand pero agad kong iwinaksi iyon. "Sana sinabi, na hinihintay mo pa rin siya. Sa

