Rachel's Wala na si Sophie sa kama pag gising ko, mukhang nakapasok na siya. Binuksan ko ang drawer malapit sa kama ko at kinuha ang maliit na salamin para tingnan ang sarili ko. Alam ko naman na hindi kaaya aya ang estado ng pagmumukha ko ngayon. Shit. Ang pangit ko. Magang maga ang mata ko. Nag mistulan tuloy akong hilaw na koreana sa itsura ko. Ayoko sa mga singkit, ayoko sa kanila. Wala na din si Mika, ano pa nga bang aasahan ko? Happy Anniversary Captain! Cheers to our fixed-null and void-marriage! Natawa na lang ako sa naisip ko, pero kasabay nun ay ang pait at sakit sa bawat luhang tumulo sa mata ko. I tried to brush my tears away, but no matter how much I tried, ayaw niyang tumigil. Kahit paulit ulit kong sabihin sa sarili ko na— tama na, hindi ka na dapat umiiyak — tama na,

