Labing walo

1751 Words
    Bella Point of View Ang tagal kong nakatitig at nag-iisip kung bakit sila nanduon? Bakit sila magkasama? At kung bakit ba ako naging interesado? Dahil ba alam kong hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya? Na maghahabol sa isang lalaki? At iyakan ito? Nalilito ako   “Hoy ang tagal mo naman!”  muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang sumingit si Trish sa tabi ko. Napatingin ako ulit sa lugar na iyon pero wala na silang dalawa. Wala na ang dalawang tao doon. Tumingin ako kay Trish at nakakunot na tinitingnan ang direksyon kung saan ako nakatingin kanina.   “Ano ka ba naman nanggugulat ka” sabi ko sa kanya.   “Ang tagal mo eh ano bang tinitingnan mo diyan? Nag da-day dream ka na naman ba?” tanong niya.   “W-wala ibon lang yun na nag uusap pinipilit ko lamang intindihin kung ano pinag uusapan nila tara na nga!”  hinila ko na si Trish dahil baka sumilip pa mahirap na .Iba bunganga ng isang ito   “Baliw ka talaga Bella pati ba naman ibon pinagtitripan mo? loro ba yun at maiintindihan mo yung sinasabi?”  sabi niya at tumawa pa ang loka.   “Malay mo matuto akong mag translate ng mga sinasabi ng ibon tsk,”  sabi ko na lang para tumigil siya.   “hi Trish!”   sabi noong isang lalaki kay Trish   “Oh ikaw pala Jack, how are you?” tanong naman ni Trish sa lalaki.   “I’m good” sagot naman noong Jack. Iniwan ko na sila parang invisible lang naman ako doon hahanapin ko na lang sana si Kristoff para naman kahit papaano ay ma-good mood ako. Pero may nakabanggaan ako ang tanga naman neto hindi tumitingin sa dinadaanan.   “Ouch!” sa ngbabae   “Sorry,” hinging paumanhin ko na lamang ng hindi tumitingin.   “Oh my god is that you Bella?”   sabi ng babae sa akin. Kaya napatingin ako kasi kilala niya ako.Pag-angat ng ulo ko isang b***h lang pala ang makikita ko.   “Ikaw pala Mia” siya pala yung cheer dancer ng  Nuestra. Yung tumulong sa akin at nagpahiya. Ewan ko iba feel ko dito sa babae na ito eh.   “Invited ka pala dito”  nakikita mo na ngang nandito eh syempre invited ako hayst.   “AH YEAH!” matabang kong sagot sa kanya.Napako ang tingin ko sa dalawang taong naglalakad para silang mga goddess. Ang gwapo nilang dalawa.At talagang nakakatulo ng laway.   “Hi there, babe!” at humalik pa ito sa labi ni Kristoff but wait ano daw babe?what the? Ang hunnybunch ko tinawag niyang babe at hindi lamang iyon hinalikan pa niya ito sa labi!   “Hello bakit ngayon ka lang? I’ve been looking for you,” sabi naman ni Kristoff sa malambing na tono. Para akong sinibat sa dibdib ang hapdi at ang sakit sobra!   “Eh alam mo naman na nagpapractice pa kami ng cheerleading diba?” naka pout na sabi ni Mia   “it’s okay I’m glad you made it, babe,”  ouch! ouch talaga ang sakit bakit parang pinagtaksilan ako.huhuhuh   “Hi!” napalingon ako sa taong nagsalita at ang nakita ko lang ay ang naka smirk na mukha ni Blake.Tinaasan ko lang siya ng kilay.   “Sorry I forgot na nandiyan ka,”  makapulupot naman itong si Mia akala mo mawawala si Kristoff sa kanya.   “Hi Bella iwan muna naming ikaw diyan kay Blake Bella don’t worry mabait naman iyan,”sabi ni Kristoff   “Of course don’t worry Kris hindi ko siya papabayaan,” Abah ang mayabang at nakuha pang umakbay sa akin sinong nagbigay sa kanya ng karapatan na gawin iyon sa akin? Grabe.   “Okay good doon muna kami huh!” malanding sabi ni Mia.   “Don’t worry nandito naman ako eh, talagang ganyan masakit”   sinamaan ko ng tingin si Blake.   “What are you talking about? Bitiwan mo nga ako o gusto mong masaktan sa akin?”  sabi ko sa kanya with a serious tone.at tinanggal ang pagkaka akbay niya sa akin.   “Pasalamat ka nga at nag o-offer na ako ikaw pa itong ayaw,”  sabi ko sa kanya.   “Wag kang mangarap dahil hindi kita gusto, pangit mo!”  sabi ko sa kanya at iniwan ko na siyang tumatawa hinanap ko si Trish pero hindi ko na siya makita. hindi kaya magkasama si Jack at si Trish aish yun talagang babae na yun pasaway iwan ba naman ako dahil lang sa lalaki kainis.   At nawala na ako sa mood sa party na ito lalo na at nakikita ko kung paanong landiin ni Mia si Kristoff ko sa akin lang siya.Kainis, tumayo na ako I decided na umuwi na lang bnored na din naman itong party na ito.   “Where are you going?” napatingin ako sa lalaking humawak sa braso ko tinaasan ko nga siya ng kilay nandito na kasi ako sa may gate at tapos hahawakan niya ako at tatanungin.Hellow ang ganda na ng exit ko eextra pa siyang panget siya   “I’m going, kung saan man ako pupunta wala ka na doon so please let me go,”  nakataas kilay kong sabi sa kanya at tinanggal ng pilit ang kamay na nakahawak sa akin   “Slave kita at kailangan sundin mo ang gusto ko,” yan na naman siya eh nakakainis na. Kailan ba magiging peaceful ang mundo ko? “Pwede ba wala ako sa mood para diyan uuwi na ako sa ayaw at sa gusto mo,”  sabi ko sa kanya at naglakad na ako.   “Okay ikaw ang bahala wag mong sabihin na hindi kita binalaan maraming mga masasamang tao dito sa lugar na ito,”  argh nakakainis talaga siya ang perfect na moment ko ngayon nasira ng isang witch at isang ogre. Hindi ko na siya pinansin at umalis na.   Malayo na ang nalalakad ko pero bigla akong kinabahan sa sinabi ni Blake? What if totoo yun sinabi niya? waah mukhang tahimik pa naman itong lugar na ito kainis. Bakit ba kasi ang layo ng bahay ni Kristoff sa labasan kung saan pwedeng sumakay,huhuhu. “Kasalanan mo ito Trish e sasabunutan talaga kita! Pag nagkita tayo!” sabi ko sa sobrang inis.   Sa paglalakad ko biglang umulan buti na lamang at dala ko ang payong ko sa bag kaya hindi ako mababasa girlscout yata ito.   Ang creepy  parang ito yung nasa mga pilikula kong napapanood specially horror waah feeling ko may sumusunod sa akin. Habang umuulan tapos bigla na lamang nila akong hihilahin at papatayin. Waaaaaahhh tulungan nyo po ako. Hindi pa ako handang mamatay!   Ang sakit na ng paa ko dahil sa mataas na hills na ito kainis. Ngayon pa nagkaganeto kainis talaga at kalian ba matatapos ang walang hanggang daan na ito? Kanina pa ako naglalakad pero hindi ko pa natatanaw ang dulo!   Tumingin ako sapaligid malinis naman kaya huminto muna ako sa isang shade dito. Magpapatila muna ako ng kaunti tapos saka na lang ulit ako lalakad sana naman may dumaan dito na sasakyan please?   “Miss nag iisa ka yata?” sabi ng isang lalaki. “ay kabute” napatalon ako sa gulat ng biglang may sumulpot na lalaki oh god ang panget niya. Napalunok ako dahil kakadasal ko pa lamang ay may sagot na agad kaya lang hindi ito ang hiniling ko wala naman kasi siyang sasakyan na dala.     “Kanina pa kita nakikitang naglalakad, gusto mo samahan kita dito?” duh alam ba niyang gusto ko siyang kasama?of course not ang pangit mo e. Pero teka ano daw? Kanina pa niya ako sinusundan? So yung feeling ko lamang kanina ay totoo na? Kinilabutan ako at kinabahan sa sinabi niya.   “No need, kaya ko ang sarili ko, ” sabi ko at hindi ko na siya pinansin pa.   “Nagpapakipot ka pa alam ko naman na gusto mo,” kinilabutan ako sa sinabi niya at bigla niya akong hinawakan sa braso.   “Pwede ba kung ayaw mong sumigaw ako dito umalis ka nalang” pananakot ko sa kanya ayaw kong ipahalata na natatakot ako baka yun pa ang maging way niya para gawin ang gusto niya.   “Eh di sumigaw ka wala naman makakarinig sayo dito eh” arhgh sabi ko nga ang lalayo ng mga bahay dito. Susme ito na yata ang katapusan ko. Lord help me po magpapakabait nap o ako promise!   Hinawak hawakan na niya ako kaya naman umiiwas ako ako sa kanya.   “Huwag ka ng magpakipot pa tiyak na magugustuhan mo din naman ang gagawin natin,”   “Layuan mo ako kung hindi papaluin kita ng payong ko, “Ang kapal ng mukha mo!Ang pangit pangit mo uy! Manyak!” pinaghahampas ko siya ng payong na dala dala ko.   “Tulong tulungan nyo ako!” sigaw ko habang hinahamps siya ng paying   “Aw!” daing niya nahampas ko kasi siya sa mukha kaya naman napahawak siya doon yun ang naging daan ko para makaalis tumakbo ako kahit umuulan. jusko ko po sana naman po may tumulong sa akin ang layo na ng nararating ko nadidinig ko pa yung lalaki na sumisigaw at tinatawag ako. Hindi ko na lang siya tiningnan ang nasa isip ko na lang ay ang makaalis sa lugar na ito kahit basing basa na ako wala akong pakialam. Niiyak na din ako dahil sa takot nang may humarang sa akin.   “Hey stop!”  nanlaki ang mata ko dahil may isa na naman sa may harapan ko. Siguro magkasabwat sila? Hindi ko siya pinansin at nagtatakbo pa din ako palayo.   “I said stop” nahawakan na niya ako sa braso ko.   “Please wag po parang awa nyo na wag po wag, bata pa ako at maraming pangarap, please po pakawalan n’yo na ako!” nagpupumiglas ko habang nagmamakaawa umiiyak na talaga ako natatakot na ako.   “Bella stop it ano ba”   “parang awa nyo na po wag mo ng ituloy, ako lamang ang inaasahan sa amin kailangan ko pang magtapos para sa kanila!” nanghihina man ay pinipilit ko pa din na lumaban kasabay ng ulan ang pag iyak ko. Hindi ko na maaninang ang mukha ng lalaking nakahawak sa akin.   “Stop it you are safe now sshh”  sa sobrang pagod ko sa pagtakbo ay hindi na ako nakapalag pa at hinayaan na lamang ang lalaking hawakan at yakapin ako. Pumikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko at dahil doon ay tuluyan na akong  nanghina at napapikit…    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD