BELLA POINT OF VIEW
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata madilim ang paligid pero napakaraming stars ang aking nakikita. Napangiti ako ng tuluyan kong maimulat ang aking mga mata. Ang gandang tingnan talaga ng mga glow in the dark kong stars. Saka para silang nanganganak dahil mukhang dumami ang mga ito. Iba’t-iba ang mga laki nito. May dalawang stars na magkahiwalay pero makikita mo ito agad sa sobrang laki nito.
Teka wala naman akong ganito ahh?
Bigla na lang akong napatayo at napaka dilim ng paligid marahil ay gabi na.Obvious ba?argh Bella yung utak mo saan na napunta? Pero nasaan ako? Alam kong hindi ito ang kama ko. Lumapit ako sa may bedside table at binuksan ang lampshade so tama nga ako wala nga ako sa aking apartment at hindi ito ang aking kama. Tumayo ako at pinakiramdaman ang paligid tahimik naman kaya naman naglakad ako para kapain kung nasaan ang switch ng ilaw at binggo nakita ko din kaagad.
Nagdalawang isip ako ang sosyal naman yata ng kidnapper ko?
"WOW ! Ang gandang kwarto neto." Isang dirty white ceiling, brown and white yung dingding at karamihan sa mga gamit ay puro stars. Stars na otoman yung upuan na maliit tapos ikaw lang ang kaysa.Stars na pillows waah i want to leave here.Pero teka papaano akong napunta dito?
Sa pagkakaalam ko nasa party ako nina Kristoff tapos nakita ko lang naman na nilalandi siya ni Mia the cheerdancer tapos umalis na ako sa kastilyo nila at biglang umulan kaya naman tumigil ako sa may shade at biglang dumating yung lalaking manyak.
Nanlaki ang mata ko at tiningnan ko ang suot ko at iba na nga ito hindi ito ang suot kong damit kagabi.OH come on Holly spirit. Oh My STAR!!!
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH! Nakuha ba ako ng manyak na lalaki na iyon? Pinagsamantalahan niya ang aking kainosentehan at ang aking Mahal na STAR! Hindi ito maariiiiii! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH Tulong.
Paano ako lalabas dito?Baka madaming nakabantay sa labas ng kwartong ito at may mga hawak silang mga baril baka paglabas ko patayin na nila ako.Eh di mawawalan na ng GODDEST ang mundong ibabaw.Hindi maari kailangan kong gumawa ng paraan.
Napaupo na lang ako sa may kama at isinandal ang aking ulo.Yeah right Bella Just Inhale and Exhale. Ilang beses ko iyon ginawa saka ko iminulat ang aking mata napahawak ako sa may bedside table at may nakapa akong isang papel doon.
Curious ang Reyna nyo kaya naman kinuha ko iyon tiningnan ko kung may ballpen o papel din doon para makapag sulat ako ng aking goodbye letter.Sa aking butihing ina at sa aking two bestfriend pati na din sa mga alaga kong daga at ipis at saka butiki ko hindi ko na sila mapapakain.Ipapadala ko na lang sila sa home for the agent.!
Nakakalumo naman wala man lang kapirasong pang sulat.Argh what a Life.Ibabalik ko na sana yung papel ng may mapansin akong nakasulat.
"Tsk may nakasulat na pala so paano pa ako makakapag sulat ng mala MMK at MAGPAKAILANMAN na liham sa mga mahal ko sa buhay.Hayst.
But to my curiousity is ON makikichismis muna ako baka kasi diary ng lalaking manyak yun.Mabasa nga.
When you read this letters i am not in there !
Sabi ko na nga ba eh yung manyak na lalaki yun ang kumuha ng aking STAR.Ang kapal ng mukha niya matapos niyang gawin yun hindi na siya magpapakita sa akin.
I need to leave you alone here because i need to attend some importad business
Argh siguro may target na naman siyang iba ibang klase din eh noh.Hindi kontento sa isang biktima gusto madami.
There is a foods in refrigirator incase you are hungry
Wow mayaman na manyak yun.Clepto siguro yun kung mayaman siya eh di sana nagbayad na lang siya sa mga babae sa bar.Aish engot mo talaga Bella walang thrill pag ganun ang ginawa niya.
and don't forget to take your medicine i put it in the drawer.
Huh?Medicine?for what?it's like a Pills?para hindi ako mabuntis at hindi ko siya habulin?wow ahh .Tiningnan ko naman yung drawer at may gamot nga.
Pero teka gamot nga ito pero hindi pills kundi tatlong banig na biogesic. Huh?Engot ba yun?
I'll be back as soon as i finish.You are safe there don't worry.
so wala pala siya dito so pwede na akong tumakas pa abah baka gawin ulit niya yun eh.Pa safe safe pa siyang nalalaman.
patayo na ako ng bigla akong mahilo sumakit bigla ang ulo ko masyado akong nag iisip ng mga nangyari sa akin.Paghawak ko sa ulo ko bakit ang mainit?Masama ang pakiramdan ko feeling ko nilalagnat ako.
"WHAT?NILALAGNAT?" napalakas kong sabi .Pagharap ko sa may isang kahoy na upuan may maliit na planggana doon at tubig.Nakapa ko sa tabi ko ang isang tuwala na medyo basa pa.
Wait.
PAGKAIN SA REFRIGIRATOR
GAMOT SA DRAWER
AT SULAT. !!!
Binasa ko ulit ang sulat
When you read this letters i am not in there !
I need to leave you alone here because i need to attend some important business .
There is a foods in refrigirator in-case you are hungry and don't forget to take your medicine i put it in the drawer.
I'll be back as soon as i finish. You are safe there don't worry.
WHAT THE pinakiramdaman ko ang sarili ko maliban sa masama ang pakiramdam ko wala naman akong nararamdamang sakit sa ibabang parte ng katawan ko.Saka yung lalaking manyak ang panget hindi siya mukhang mayaman at hindi siya mukhang may ari ng ganetong kagandang kwarto.
Sa pagkaka alam ko kasi may tumulong sa akin kagabi noong tumatakbo ako at nawalan ako ng malay.
Nyemas ka naman Bella kung ano ano pa ang sinasabi mo sa taong may ari ng bahay na ito hindi naman siya yung manyak na lalaki na yun.Hayst.
Nakatulog na lang ulit ako ng makaramdam ako ng antok pagkagising ko tanghali na.Tumayo na lang ako at nakita ko ang pagkain sa may upuan may note doon.
EAT THIS I KNOW YOUR HUNGRY
gutom na nga talaga ako kaya naman kinain ko na kahit alam kong hindi ito lutong bahay bili lang ito sa isang mamahaling fastfood chain.
Nang matapos akong kumain iniligpit at hinugasan ko na din inayos ko ang kwartong tinuluyan ko pasasalamat na din wala naman kasing tao dito.Mag iiwan na lang ako ng note ng pasasalamat.
Thank you for helping me.Hindi na kita nakita sorry to bother you thank you din sa pagkain masarap ahh saang fastfood chain mo yun binili?para makabili din ako nabitin ako eh sarap kasi.
PS. wala akong kinuha sa gamit mo ahh kahit yung mga stars mo na gamit wala akong kinuha kahit gusto ko sila. :)
Thanks again.
Hindi na ako nagpakilala kasi hindi din siya nagpakilala unfair naman yun heheh.
*****