Nasa sala si David. Nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa labas. Napapangiti dahil sa ganda ngayon ng gabi. Nangingibabaw ang liwanag ng buwan na pinapalibutan ng mga bituing nagkikislapan. Mula naman sa kusina ay lumabas si Maxwell. Nakita niya si David na nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa labas. Napangiti ito at dahan-dahang naglakad palapit. Bahagyang nagulat na lamang si David ng mula sa likod ay yumakap sa kanya si Maxwell. Medyo mahigpit pa iyon pero aminado siyang gusto niya ang yakap ni Maxwell. Pakiramdam niya kapag yakap siya ng mga bisig nito ay safe na safe siya. “Bakit hindi ka pa natutulog?” pabulong na tanong ni Maxwell. “Hindi pa ako inaantok. Ikaw? Bakit hindi ka pa matulog?” balik-tanong naman ni David. Ngumiti si Maxwell. “Kasi gising ka pa,” sag

