CHAPTER 34

3375 Words

Nasa labas ng bahay sila David at Riley. Magkatabing nakaupo sa upuang mahaba at gawa sa kahoy na nakapwesto malapit sa pinto. Parehas na nakatingin sa paligid at ilang minuto ng walang imik sa isa’t-isa. Maya-maya ay tiningnan ni David si Riley. Hindi niya maikakaila na bukod kay Maxwell ay nag-aalala rin siya para sa kaibigan at the same time ay nahihiya dahil sa mga biglaang nangyari. Pakiramdam niya talaga ay kasalanan niya ang lahat at walang ibang dapat sisihin kundi siya lamang. “Nakausap ko na ‘yung abogado ni Maxwell,” mahinang sambit ni Riley nang hindi tumitingin kay David. Mula sa periphial vision nito ay nakikita niyang nakatingin sa kanya si David. “Pinag-aaralan na niya ang kaso at nangakong gagawin ang lahat ng makakaya para mailabas si Maxwell sa lalong madaling panahon,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD