CHAPTER 33

3418 Words

Tumataas ang tensyon. Nakapwesto pa rin sa likod ni Bertrant ang mga tauhan nito na anumang oras ay handa sa napipintong laban para maipagtanggol ang amo. Kinakabahan naman sa likod ni Maxwell si David at kahit na rin si Riley na nakatingin lamang sa mga nangyayari. Nagsusukatan nang tingin sila Maxwell at Bertrant. Hindi sila natitinag at wala sa kanila ang ayaw magpatalo. Ngumisi ang labi ni Bertrant habang nakatitig ang mga mata niya kay Maxwell. “Pumunta ako rito para kunin ang asawa ko. Kung ibibigay mo siya sa akin ng matiwasay, sisiguraduhin ko sayong walang gulong magaganap,” maangas na sambit ni Bertrant. “Umalis ka na,” madiin na wika ni Maxwell. Sobrang seryoso ng mukha nito. Natawa nang nakakaloko si Bertrant. “Alam mong walang masama sa ginagawa ko,” natatawang wika nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD