Nagising ang diwa ni David dahil sa naamoy niya ang aroma ng mabangong pagkain. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata saka kinusot-kusot ito gamit ang magkabilang kamay. Tiningnan niya ang kabilang side ng kama. Wala si Maxwell na katabi niyang matulog. Tumagilid siya nang higa at tiningnan ang kusina. Napangiti siya dahil nakita niyang nagluluto si Maxwell na walang ibang suot kundi ang boxer short lamang nito. Nakalitaw ang magandang pangangatawan na nangingintab sa pawis. Naramdaman ni Maxwell na may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sa kinaroroonan ni David. Napangiti ito nang makitang gising na si David at pinapanuod siya sa pagluluto. “Sandali na lang itong niluluto kong almusal at kakain na tayo,” aniya ni Maxwell. Napangiti si David. Bumangon ito ng dahan-dahan mula s

