“Anong balita?” pagtatanong ni Bertrant sa kausap niyang tauhan sa cellphone. Nakatingin ang kanyang mga mata sa labas ng malaking bintana ng kanyang opisina. Maaliwalas ang panahon kaya naman gustong-gusto niya na pagmasdan ang paligid. “Ito Mr. President at nasa isang malayong probinsya kami.” Kumunot ang noo ni Bertrant. “Malayong probinsya?” nagtatakang tanong niya. “Yes Mr. President. Sinundan namin hanggang dito sila Maxwell at ‘yung kaibigan niyang Riley ang pangalan.” “Anong ginagawa nila diyan?” pagtatanong pa ni Bertrant na salubong ng bahagya ang kilay. “Sa tingin namin Mr. President ay natagpuan na nila si Sir David.” Nabuhayan ng loob si Bertrant. “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Yes Mr. President. Sa ngayon patuloy pa namin silang sinusundan dahil hindi

