Hindi mapigilan ni Maxwell ang mapangiti habang tinitingnan niya ang kanyang larawan na iginuhit mismo ni David para sa kanya. Dumadaloy sa kanyang alaala ang mga pangyayaring naganap nu’ng mga panahong magkasama sila ng mga oras na iyon. Nasa loob siya ng kwarto ni David. Hindi kasi siya makatulog ngayong gabi kaya naisipan niyang puntahan na lamang ang kwarto nito at alalahanin ang mga pinagsamahan nilang dalawa. Umayos siya sa pag-upo sa paanan ng kama. Hindi niya mapigilang ma-excite sa pag-alis niya bukas para puntahan si David. Hahanapin niya ito kahit nasaan pa ito at hindi hahayaang maunahan siya ni Bertrant. Aminado si Maxwell na nami-miss na niya si David ng sobra-sobra. Kung pwede lang sanang hilahin ang oras para mag-umaga na ay gagawin niya para kaagad nang mapuntahan ito.

