"SNOOPY." Napahigpit ang pagkakahawak ni Snoopy sa balustre ng hagdan nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Gummy. Alam na niya ang sasabihin nito kaya balak sana niya itong iwasan pero imposible iyon dahil magkaklase sila. Nakausap na niya ang direktor ng Emerald University na siya ring ninang niya kaya pinakinggan siya nito. Isiniwalat niya ang pagsasabwatan nila ni Fiona laban kay Gummy. Ipinaliwanag din niya na siya ang naghatid kay Gummy sa bahay nito kaya hindi totoong nagpalipas ng gabi si Gummy kasama ang kung sinong lalaki. Kasama niya si Garfield kaya naging madali sa kanya ang pagpapaliwanag. Kasama nito ang ilang tauhan sa bar na pinangyarihan ng "eskandalo" para magpatunay na inuwi niya rin si Gummy sa bahay nito. Ipinakita rin nila sa kuha ng CCTV camera sa restaurant-bar

