Chapter Twenty-One

1286 Words

"WHERE the hell is that witch?!" Niyakap ni Snoopy sa braso si Garfield para hindi nito sugurin si Fiona. Naroon siya ngayon sa clinic. Tinawagan niya ito kanina dahil nag-aalala siyang magtampo na naman ito kapag hindi niya sinabi rito ang nangyari sa kanya. Hindi naman malala ang natamo niya, pero na-sprain ang ankle niya sa kanang paa. Nalaman ni Garfield na si Fiona ang may kagagawan niyon kaya galit na galit ito ngayon. "Calm down, Garfield. Huwag mo na siyang patulan at baka ikaw naman ang mapahamak," saway niya rito. "But she hurt you!" "I'm fine. It's just a sprain." Nagtagis ang mga bagang nito na parang kinakalma ang sarili. Ilang ulit din itong bumuntong-hininga bago umupo sa tabi niya. "Sigurado ka bang wala nang ibang masakit sa 'yo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD