MALUNGKOT na iginala ni Snoopy ang paningin sa airport. Ni anino ni Garfield, hindi niya nakita. Inihatid siya roon ng mommy niya, ni Tita Gracia at ni Odie pero si Garfield, mukhang tiniis siya. Mula nang magtalo sila ay hindi na siya nito kinibo. Maybe she hurt him really badly. Pero magiging unfair siya rito kung sinabi niyang mahal na niya ito kahit hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya. But maybe I should have tried harder to tell him how important he is in my life now. "Click, parang ayoko nang umalis." Nilingon siya nito. "That's not funny, Snoopy. Ngayon ka pa ba aatras kung kailan nandito na tayo?" Nalaglag ang mga balikat niya. "Si Garfield kasi..." "Si 'kung sino ka man'?" Tumango siya. "You're doing this for yourself, Snoopy. Kung hindi mo ito gagawin ngayon, sigurad

