Chapter 9

2417 Words
"Kumakain ka ba ng gulay, Ronald?" Nahihiyang umiling ako kay Ate Lea. Nguniti lamang siya at tumango saka nilagyan na ng pritong karne ang plato ko. "Pareho kayo ni Liana, hindi mahilig sa gulay." "Kumakain naman ako ng gulay minsan, ah? Hindi gaya niya na hindi yata talaga kumakain ng kahit anong gulay." Nilingon niya ako at binigyan ng tingin na naghahamon. Syempre, hindi papatalo ang pinakamaganda kaya kailangan may maisagot din ako, 'no. Baka mamaya isipin nila ang ganda-ganda ko tapos maarte naman. "Kumakain kaya ako ng gulay like talong pero kapag torta lang tapos pinipili ko ang itlog na part lang, chopseuy pero kung may kaunting sabaw lang tapos sabaw lang kinukuha ko." Umiling lang si Liana at nagsimula na sa pagkain habang ang ibang kasama namin ay tumatawa at nang-aasar. Nangaral pa ang nanay niya na dapat, habang bata pa kami ay matuto na kaming kumain ng gulay at iba pang masusustansiyang pagkain nang sa ganoon ay lumaking malusog at hindi sakitin. Kung sigurong nasa bahay ako at sinasabihan ako ng ganoon, napairap na ako dahil ilang ulit ko ng narinig ang mga ganoong linya lalo na tuwing Buwan ng Kalusugan... ay, hindi ko sigurado kung iyon nga ang tawag doon. Basta. Naging masaya ang hapunan namin lalo na ako dahil wala aking pangambang nararamdaman na baka mapagalitan ako dahil anong oras na ay nandito pa rin ako. Malaking bagay ang pagpayag ni Papa sa akin na magpagabi rito at miminsan lang iyon kaya susulitin ko na. Mahirap na at baka sa susunod na limang taon pa ulit ang susunod na pagpayag niya na magtagal ako ng ganito sa bahay ng kaibigan. "'Yung Paolo, kapatid niya 'yung batang babae na kulot?" Nilingon ako ni Liana ngunit pinanatili kong diretso sa gate nila ang tingin ko. "Oo, bakit?" Nagkibit balikat ako at nilingon siya. "Napagkamalan akong pulubi nang bata kanina. Binigyan tuloy niya ako ng bente dahil ayaw akong iwanan noong bata." Sinimangutan ko siya nang halos himatayin at magkulangan na siya ng oxygen sa sobrang tawa. Napapahawak pa sa tiyan niya na animo'y sumasakot iyon. Sabagay, nakakatawa naman ang sinabi ko dahil sino nga naman ang mag-aakala na ang ganda kong ito ay mapagkakamalan lang na isang pulubi? Hindi naman sa sinasabi kong pangit ang mga pulubi o ano dahil mas gusto ko pa nga silang kausap minsan dahil maraming matututunan sa mga karanasan nila pero, hello? Ang linis ko kanina, pawisan lang tapos ganoon lang sasabihin nila? "Pagpasensyahan mo na lang Dahil miminsan lang nilang ilabas ang batang iyon. Isipin mo na lang, ang ganda mo ay masyadong nakakabigla para sa kanila kaya marahil hindi nila natanggap." Napapikit ako at napakagat sa labi. Pakiramdam ko ay bigla akong binuhat ng mga salita niya at inangat sa mga ulap. Para ring may kung anong lumilipad sa tiyan ko na nangingiliti sa akin kaya para mapigilan ang pagtawa, mas pinili kong kagatin pa ang labi ko. Akala ko ay hindi siya sasama sa Papa niya para ihatid ako pero laking gulat ko ng maupo siya sa tabi ko. Hindi ko tuloy napigilan ang paglawak pa ng ngiti ko lalo na nang titigan niya ako at ngitian. "Sasama na ako para makita ko ang bahay ninyo..." Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Naiinis ako sa tuwing kausap niya si Paolo ngunit natutuwa ako ng labis sa tuwing ako ang kausap niya. Sa bawat ngiti rin na iginagawad niya sa akin ay parang palagi akong napapalipad sa itaas ng mga ulap. "At ito nga pala, kabayaran sa paghabol mo sa amin kanina at regalo ko na rin." Pareho kaming nakatitig sa isang barbie na inayusan ko kanina. Hinawakan ko iyon habang hinihimas ang mukha, dinadama ang kakinisan ng tekstura nito. Ito ang unang pagkakataon na may magbigay ng ganitong regalo sa akin ngunit ikinalulungkot ko iyon imbes na ikatuwa. "Hindi pwede, Liana..." umiling lang ako at inilapag ang barbie sa hita niya. Kahit anong pilit at kumbinsi ko sa sarili ko, hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa manika. Alam ng mga bituin kung gaano ko kagustong kunin at tanggapin iyon ngunit alam din ng mga bituin kung ano ang mangyayari sa akin--sa amin ng Papa ko kung kukuhanin ko iyon. "Hindi ko pwedeng tanggapin iyan kahit gaano ko pa kagusto." Bakas ang pagtataka sa mukha niya ngunit hindi siya nagsalita. Nakarating na lang kami sa bahay ay hindi pa rin siya nagsasalita. Galit ba siya? Pero base naman sa mukha niya, mukha namang hindi siya galit, ah? Huminga ako ng malalim at hinawakan siya sa magkabilang pisngi saka sapilitang hinatak iyon para mapangiti siya. "Akin na iyan, ha? Pero ikaw ang magtatago dahil hindi ko pwedeng kuhanin 'yan at magagalit sa akin si Papa, 'kay?" Ako na rin ang nagtaas-baba ng mukha niya, pinipilit siyang tumango saka ako mabilis na bumaba sa tricycle at tumabi sa gate namin. "Salamat po, Tito. Ingat po kayo pauwi." Pinakitaan ko sila ng pinakamagandang ngiti ko at kinawayan gaya ng paraan ng pagkaway ng mga royal family. "Sa uulitin po!" Pero sana huwag na ninyo akong piliting kumain ng pinakbet dahil bumabaligtad sikmura ko sa lasa ng kalabasa. "Ay bakla!" Sigaw ko nang mabangga ako sa isang matigas na kung ano. "Sinong bakla?" Nang mabosesan ang nagsalita ay mabilis akong tumayo ng diretso at ngumit ng hilaw sa kaniya. Sumaludo pa ako at pinilit na palakihin ang boses. "Wala po, Pa. Baka po 'yung chakang palak-- I mean, pangit na palaka." Tumangos iya at tumawa saka ako sinenyasan na pumasok na. Hindi ko alam kung anong oras na ngunit alam kong lagpas na sa alas nuebe dahil wala na ang bunsong kapatid ko sa sala. Marahil ay nasa kwarto na iyon at natutulog dahil eight thirty ang oras ng tulog niya. Nagpaalam ako kay Papa na nagpaiwan sa sala saka ako mabilis na umakyat sa kwarto ko. Naligo ako at nagbihis ng pajamang may robot na disenyo. Papayag kaya si Liana kung makikipagpalit ako ng pajama sa kaniya? Tingin ko hindi ngunit si Papa, siguradong magagalit pa siya sa galit. Kung may salita na magpapaliwanag ng sobra-sobrang sobrang galit, iyon na iyon. Pipikit-pikit pa ang mga mata ko kinabukasan pagkagising. Halos ibato ko ang lumang alarm clock na ipinamana sa akin ni Kuya dahil patuloy iyon sa pagtunog na sinasabayan pa ng tugtog ng kapitbahay naming walang pakialam sa mga kasama niya rito sa baranggay. "Good morning, Kuya!" Ginulo ko ang buhok ni Kelly at yumakap sa kaniya. "You know that I hate being called Kuya, right?" Itinulak ko siya palayo saka hinalikan sa pisngi ng mabilisan. "Alright, Ronaldo Alberto." Ay walang hiyang bata. "What did you say, Kelly? You called your Kuya in his first name?" Sabay kaming napalingon kay Papa na kabababa lang ng hagdanan kasunod si Kuya na sumesenyas sa amin na lagot kami. "Where's your manners, kid?" "My manners are still here, dad. Don't you worry, 'kay? He wanted me to call him in his first name because he doesn't like it when I call him Kuya." Mataman siyang tinitigan ni daddy kaya naman sinaklolohan ko na. Mahirap pa naman kung magalit si Kelly sa akin, ang maamo niyang mukha nagiging kamukha ng tyanak. Nakakatakot. Gaya ng madalas ay inihatid kami ni Kuya sa school. Dinatnan ko na roon si Liana na mukhang madaling araw pa lang ay nandito na. Charoar sabi ng wild boar. "Baka sunduin ko kayo mamaya kaya huwag kayo agad umalis, ha?" Tinanguan ko lang si Kuya at kinawayan na saka mabilis na tinakbo ang pagitan ng gate at ng kubo. Inilapag ko ang bag ko roon na pinalitan ko kagabi dahil ayoko na ng trolly. Kinuha ko 'yung pinaglumaang bag ni Kuya na backpack at iyon ang ginamit ko. "Aga mo?" Nahinto ako sa pag-aayos nang marinig ang sigaw ni Liana. Nandoon siya sa hardin niya, nagdidilig at ito ang unang pagkakataon na marinig ko siyang sumigaw. Hindi ako sumagot at mabilis na lang na lumapit doon para kumuha ng timba. "Mas maaga ka pero sana pinakidilig mo na rin ang mga pechay at mani ko." Itinawa lamang niya ang sinabi dahil agad din akong nagpaalam na mag-iigib. Wala pa ang ibang kaklase namin kaya wala akong mapapakiusapang magbuhat. Ang ending, seven thirty pa lang ng umaga ay pang four thirty na ang itsura at amoy ko. Irita tuloy ako buong umaga at maging si Liana ay hindi ako makausap. Ang mga kaklase ko na pilit lumalapit sa akin at nagtatanong ay hindi ko rin sinasadyang nasusungitan. Natutuwa ako na kinakausap na nila ako gaya ng dati pero wrong timing dahil ako naman ang hindi kumakausap sa kanila ng matino. Sino ba naman kasing hindi maba-badtrip kung ang medyas kong puti ay literal na dirty white na, amoy na amoy ko pa ang pawis ko. "Para kang ewan, Ronald. May cologne ako rito, gusto mo?" Sinamaan ko ng tingin si Liana ngunit hindi niya nakita dahil inabala na niya ang sarili niya sa pangangalkal sa bag niya. Makalipas ang ilang segundo ay halos ibato niya sa akin ang cologne kaya lalong sumama ang tingin ko. "Para mo na ring inamin na mabaho ako." Umiling siya at tumawa. "Hindi ka naman mabaho. Medyo maasim lang kaya sige na, gamitin mo na iyan. Bahala ka, pupunta pa naman sina Paolo rito dahil dito sila magpa-practice ng basketball para sa laban nila kontra sa team ng school natin." Kasing bilis ng kidlat ang kilos ko. Halos ubusin ko ang cologne ni Liana kung hindi lang niya inagaw sa akin iyon. "Crush mo si Paolo?" Umiling lang ako. Kinuha ko ang pulbo at salamin sa bag ko saka nagsimulang ayusin ang mukha kong pawisan ngunit mukha pa ring diyosa. Ang ganda-ganda ko talagang nilalang. "Hindi pero sa kilos mo, halatang crush mo siya." Lumapit siya at yumuko, pilit na sinisilip ang mukha kong natatakpan ng hawak kong salamit. "Crush mo si Paolo? Ayieehh..." imbes na makapag-focus sa pag-aayos ay nabaling ang atensyon ko sa daliri niyang tinutusok ang tagiliran ng tiyan ko. "Si Ronaldo, crush si Paolo..." "Pwede ba?" Nanlaki ang mga mata niya at halos lumuwa na ang mga iyon sa sobrang gulat sa biglaan kong sigaw. Maging ako ay hindi ko inaasahan na ganoon. "Sorry. Ayoko lang kasi na inaasar ako lalo na kung hindi naman totoo." Natahimik siya at tumango. Ramdam ko ang sobrang pagsisisi dahil nasigawan ko siya kaya naman lumapit ako at yinakap siya ng mahigpit. "Sorry sa sigaw ko. Hindi na mauulit basta pangako mo na hindi mo na ako aasarin kay Paolo..." ramdam ko ang pagtango niya. "Hindi ko naman kasi talaga siya crush. Curious lang ako patungkol sa pagkakaibigan ninyo at sa ugali niya." Bumitaw ako sa yakap at nagpatuloy sa pag-aayos. Tama nga siya. Ilang sandali lang ay naagaw na ng mga nakapulang varsity ang atensyon ng mga estudyanteng nakakalat sa school. Nangunguna sa paglalakad ay si Paolo na may yakap na bolang pang basketball. Sa hinhin niyang kumilos na iyan, naglalaro pa ng basketball? "Kasing edad lang ba natin si Paolo?" Hindi sumagot si Liana ngunit nakita ko ang pagtango niya. "Simula pa dati, nagba-basketball na talaga siya? Magaling ba siya?" "Hmm?" Nagkatinginan kami nang sabay naming nilingon ang isa't isa. "Matagal na siyang naglalaro pero ngayon lang yata sasali sa totoong laban. Hindi ko pa siya napapanood na lumaban ng seryoso pero masasabi ko namang magaling siya kunpara sa ibang kakampi niya." Kalahati lang ng laro nila ang napanood namin nang araw na iyon dahil kinailangan naming pumasok sa mga panghapong klase namin. Nakipagpalit pa ako ng pwesto sa kaklase ko para makatabi ko ang bintana at matanaw ang mga naglalaro at mabuti na lang ay pumayag siya. Maging si Liana ay lumipat sa tabi ko at sabay naming sinusulyapan ang mga naglalaro. Hidni kaya siya ang may crush kay Paolo? Panay ang silip niya at marami siyang alam kaya baka gusto nga niya si Paolo. Huminga ako ng malalim at pinilit na lang ang sariling makinig sa teacher ngunit si Liana, hindi mapigilan ang paglingon. "Nakita ako ni Paolo pero inilipat agad sa iyo ang tingin..." wala sa sarili niyang bulong. Nilingon ko ang mga naglalaro at saktong napalingon din dito sa banda namin si Paolo paglatapos na pagkatapos ibato ang bola para i-shoot. Ma-shoot ka, ma-shoot ka. Shoot! "Hindi naman marunong." Bulong ko kahit na bilib sa ginawa niyang paglalaro. "Hindi ako naglalaro ng basketball pero masasabi kong kailangan pa niya ng practice." "Malamang. Ang bata pa niyan at marami pang pagdadaanan. Baka mamaya pagtuntong natin ng highscholl, crush mo na talaga iyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ay sorry, ayaw mo nga palang inaasar ka." "Sa pribadong paaralan siya nag-aaral kaya sigurado akong mayaman siya." Usal ko. Nagsimula akong magsulat at kopyahin ang assignment namin na isinusulat ngayon ng secretary namin sa board. "Hindi naman sobrang yaman pero hindi sila mahirap." Tumango ako. Pagkauwi nang araw na iyon ay nagpaalam ako kay Papa na pupunta kina Liana. Akala ko ay hindi niya ako papayagan ngunit siya pa mismo ang kumausap kay Kuya na ihatid ako at siya na rin daw ang susundo sa akin mamayang alas sais. Nagdala pa ako ng dalawa pang laruang robot na hindi ko pa nagamit kahit kailan para ibigay kay Liana kapalit ng barbie na regalo niya. Nakakainggit nga at siya, pinapayagang maglaro ng mga laruang panlalaki samantalang ako, manood lang ng gaya ng pinapanood ni Kelly ay napapagalitan na. Dinatnan ko roon si Aling Carol na ginawa yatang karinderya ang bahay nila Liana dahil sa tuwing pumuounta siya rito o dinadatnan ko siya rito, palagi siyang ngumunguya na parang kambing. "Si Aling Carol, hindi naman salat sa buhay 'yan pero panay nakikikain dito." Bulong ko kay Liana habang inaayos ko ang doll house. "Dati pa. Nasanay na nga lang kami, eh. Saka siya rin ang ka-kwentuhan palagi ni Mama kaya ayun..." nagkibit balikat siya at nag focus na sa paglalaro ng robots. Hindi naman sa ano pero si Aling Carol pala 'yung tiping chismosa na, matakaw pa. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi siya mairapan nang magtama ang tingin namin. Kakaiba ang tingin niya at halatang sumasagap ng chika pero sorry siya, wala siyang masasagap sa akin. Nabaling ang tingin ko ng hindi sinasadya sa kalsada at napako na ito roon nang makitang naglalaro na naman si Paolo kasama ang ibang bata. "Liana, tingin mo ba, isasali nila tayo kung sasali tayo sa laro nila? Gusto kong sumali. Tara?" Gusto ko ang laro nila kaya sana, puamyag si Liana na sumali kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD