Makalipas ang ilang minuto ay nag-ingay ulit ang ipad ko. Tumatawag ulit si Kelly ngunit this time, hindi ko na iyon sinagot. Wala rin naman katuturan ang mga sinasabi niya at nakakaistorbo lang siya sa pag-aaral ko kaya bakit ko pa sasagutin ang tawag niya? Bukas ko na lang siya kakausapin ulit o 'di kaya ay sa susunod na araw para naman ma-refresh kahit papano ang utak at tainga ko. Kung hindi kalokohan ay patungkol naman kay Paolo ang naririnig ko mula sa kapatid kaya naman kailangan ko ng break. It was a kind of peaceful night for me. Akala ko ay magtutuloy-tuloy ang magandang araw ko dahil pagkagising pa lang ay ramdam ko na ang positive energy na bumabalot sa aking magandang pagkatao. Charoar. At dahil nga maganda ang gising ko, ako na ang nagluto ng almusal namin. Adobong manok pa

