"Oh, shut up." Naiinis kong usal na siyang tinatawanan lang ng kasama ko. "I will leave you if you continue teasing me!" "Oh, you can't. I'm sure," aniya habang nakataas ang kilay na tila nanghahamon. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideya na hindi ko siya kayang iwan. Mga mahal ko nga sa buhay, nagawa kong iwanan sa Pinas para lang makapag-aral dito sa ibang bansa, siya pa kaya na kaibigan ko lang? I mean, yes, malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil kung wala siya, baka isang linggo pa lang ako rito ay umuwi na ako sa Pinas na umiiyak. Akala ko kasi noon, kapag nasa ibang bansa ka nag-aaral, madali ang buhay. Ang tanga ko lang para isipin iyon dahil doble pala ang hirap. Bukod sa english ang salita, ibang-iba rin ang paraan ng lifestyle nila. Mahal ang mga pagkain at pamas

