"Kailan ka ba uuwi? Ngayong pasko? O kung gusto mo, kami na lang nina Mama ang magpunta riyan for Christmas?" I stared at the screen of my laptop and watched my sister eat her cereals. "Mas gusto ko rin namang mag Christmas diyan. Kung pwede nga lang na mag stay na rin ako riyan like you, gagawin ko." Time really flies so fast. Ilang taon na ang lumipas and yet, pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang lahat. Ilang paghihirap at pagsubok na ang dinaanan ko, 'sing dami na rin ng tubig sa dagat ang nailuha ko, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon sa lahat ng nangyayari. "Why? May problema ka na naman regarding your boys? I told you, you can't trust boys, Kelly. Bakit ba kasi ayaw mong makinig?" She smirked. "I also told you, hindi lahat ng boys ay pare-pareho. Some are still gentlem

