Okay, sigurado na ako. Isang himatay na lang at baka matuluyan na akong makipag-meet up kay San Pedro sa langit. Kung hindi naman, malaki na rin ang chance ko na makakuha ng suki discount card sa ospital. Wala bang form na kailangang fill up-an para makakuha ng suki card? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para sana magtanong patungkol sa suki card na naisip ko sa kung sino mang dadatnan ko kaso, dalawang pares ng mga mata ang tumambad sa akin. Dalawang pakiramdam ang naramdaman ko nang makita ang dalawang pares ng mga mata. Ang isa ay nakapagparamdam sa akin ng inis at pagkasawa habang ang isa ay panababik at pagsakit sa dibdib. Tang*na, akala ko ay galit ni Mama ang magpapakaba sa akin pero mukhang mahal pa rin ako ng mundo para ganito kagandang mga mata ang ipakita sa akin sakt

