If there's one thing na nakabisa na ng sistema ko from the past events of my life, iyon ay ang amoy ng hospital. Ang amoy na pinaghalong gamot at alcohol ang namumutawi sa ilong ko na siyang nagbigay ng hiwatig sa akin na nasa ospital nga ako. Sa tagal ng ini-stay ni Papa sa ospital noon, nagawa kong makabisa ang amoy at pakiramdam ng nasa ospital. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at tama nga. Ang nakakasilaw na puting ilaw at dingding ang sumalubong sa tingin ko kasabay ng biglang pagsilip ng nakakairita, napakapangit, at hindi maipaliwanag na mukha ng kapatid kong si Kelly. Bakas sa mga mata niya ang matinding pag-aalala at mukhang kagagaling lang din niya sa iyak base sa mga mata niyang namumula pa. "Tang*na, ilayo mo nga ang pangit mong mukha..." nanghihina kong usal. "Twelve

