"Alam mo kapatid, sundin mo kung anong sinasabi ng puso mo. Hindi 'yung kinokontra mo dahil lalo ka lang mahihirapan. Tignan mo kung anong nangyari sa iyo noong hindi pa tanggap ni Papa na bakla ka? Hindi ba't kinontra mo ang puso mo kaya ang tindi ng hirap na dinanas mo noon?" Hindi ko alam kung lasing na ba si Kuya o ano. Kanina pa soya parang sirang plaka na paulit-ulit sa mga sinasabi niya. Pareho kaming nakatitig ni Papa sa kaniya habang wala siyang tigil sa paglagok ng alak na nasa harapan niya. "Pero, may sense ba kung susundin mo ang puso mo tapos ayaw naman nung isa? Tang*na, ang gulo ng buhay! Nakakaput*ngina!" Sigaw niya bago mabilis na nilagok ang isang bote ng beer, inignora ang isinalin niya sa baso kanina. Nagkatinginan kami ni Papa at nagkibit bakikat siya sa akin. Sino

