Chapter 37

1929 Words

Tang*na, sandali parang nabingi yata ako. Nakakatakot ang mga tingin ni Paolo sa akin. Parang anytime ay kayang-kaya niya akong lamunin sa galit. Matinding kaba ang nararamdaman ko habang sinasalubong ang mga mata niyang namumula at halos tumagos na sa kaluluwa ko sa sobrang sama ng tingin. Kung nakakamatay kang siguro ang masamang tingin ay baka kanina pa bumulagta ang ganda ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matatawa dahil mukhang ako ang trip ng magkasintahan sa harapan ko, maiinis dahil kay Paolo na kinukunsinti ang girlfriend kahit na alam kong alam niyang mapangit ang ugali nito, o masasaktan dahil noon, ako ang pinagtatanggol niya ngunit iba na ngayon. "I thought you're professional? Bakit tila hindi mo kayang ipaghiwalay ang personal sa professional na buhay, Ronaldo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD