"Wala na ba talaga?" Kunot ang noo kong sinulyapan si Kuya na abala sa pagmamaneho. Ang kaniyang mga mata ay nakatutok lang sa kalsada ngunit bakas ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mukha. Pangit. "Matagal na. Hindi ka ba nabigyan ng memo ni Kelly?" Inilingan ko siya nang suklian lamang niya ako ng matamang pagtawa. Tuwang-tuwa sa pang-aasar sa akin, ah? Halatang na-miss ako ng sobra kaya ngayong siya itong unang nakakita sa akin makalipas ang ilang taong pananatili sa ibang bansa ay talagang sinusulit niya. Nagdesisyon ako na sa kaniya lang ipaalam ang pag-uwi ko dahil kagabi ay naisip kong kung hindi ko ipapaalam sa kahit isa man lang sa kanila ay baka mahirapan akong mg commute kaya ayan, siya itong sumundo sa akin. Hindi ko nga alam kung tamang desisyon ba iyon gayong wala siyang i

