"Alam mo ba kung gaano ako nagsisisi nang malaman kong umalis ka ng bansa? Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko, ang gago ko," umiiyak na saad ni Paolo habang patuloy na tinatagay ang bote ng mamahaling alak sa harapan niya. Tahimik lang kaming nakaupo at nagmamasid sa kaniya ni Kelly na mukha pa ring mananapak sa sama ng tingin niya sa lasing na si Paolo. Panay ang titig sa akin ni Pao na animoy ngayon lang siya nakakita ng diyosang kagaya ko. Well, sorry siya pagkat kailangan niya munang dumaan sa butas ng karayom, lumangoy sa kangkungan, at tumawid ng pitong beses sa Mount Apo bago niya ako makuha pabalik. Bago ko hayaang mahulog ulit ang sarili ko sa kaniya ng bongga. "Tang*na, sising-sisi ako sa mga ginawa ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kahit alam kong ayokong mawal

