"Tang*nang Kelly." Bulong ko habang inis na tinititigan ang ex ko kasama ang bago niya. 'Di naman masakit. Nakakairita lang na makita silang naglalantungan sa public place. "Anong sabi mo?" Inilingan ko lang si Katrin na nasa tabi ko. Tang*a, naghalikan pa nga. Bakit hindi sila kumuha ng room sa hotel at doon gumawa ng baby? Tutal kaya namang magdalang tao noong bago niya. Hindi 'yung dito sila naglalantungan at halos maghubaran na ng damit. Sakit sa mata. Sobra. "Baka nagseselos, 'te." Sinamaan ko ng kapatid kong malawak ang ngisi, mukha namang aso. "'Bat kasi iniwan kung 'di naman pala kayang iwan totally." Malakas na tawa ang isinagot ng kaibigan ko. Sino nga kasi ang nag-aya rito sa club? Nakakapangsisi na sumama pa ako sa dalawang ito. Kung alam ko lang na gigisahin nila ako ng ga

