"Oy, anong ginagawa mo rito?" Inilingan ko ang tumatawang si Katrin. "Pupunta akong banyo. Wait mo ako riyan." Hinayaan ko siya sa kung anong gusto niyang gawin. Kahit hindi niya sabihin, hindi talaga ako aalis dito dahil I will wait for Pao. Alam kong galit siya but that doesn't mean na hahayaan ko siyang mag settle sa mas less sa akin. I mean, tang*na, sa ganda kong ito, ipagpapalit ako sa ganoong klaseng tao? Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo roon but I know na matagal na dahil nauna pang lumabas si Katrin kaysa kay Pao. Ano? Na-flash na ba siya sa loob? "Ay ang bait, hinintay talaga ako ng bakla." Nakangiting usal niya habang mabilis na naglakad palapit sa akin. "Tara na, hinihintay tayo ni Kels. Gusto yatang lumipat sa kabila." Nilingon ko siya at inilingan. "Walan

