"Tang*na wala akong pera!" Inis kong usal. Sobrang bilis na ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay hihimatayin na ako ano mang oras sa sobrang takot. Damang-dama ko ang matulis na dulo ng kutsilyo na nakatutok sa tagiliran ko. "Ganda lang ang ambag ko rito sa mundo kaya pwede ba? Iba na lanh ang holdup-in ninyo." "G*go ka?" Inis na bulong ng holduper sa gilid ko. "Hindi. Ikaw yata ang g*go, eh. Pero gusto niyo ba talagang makapang-holdup? May kilala akong mayaman." Hindi ko na alam kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko. Basta ang naiisip ko lang, kailangan kong gumawa ng paraan para makawala sa lalaking ito. Pwede ko namang kuhanin ang phone ko at tumawag ng pulis kaso, kung gagawin ko iyon, it's either dadatnan akong duguan ng mga pulis at walanh phone o 'di kaya ay dadatnan nila ako

