Pakiramdam ko lahat ng kanin na naisubo ko ay lumabas bigla sa lahat g pwedeng labasan sa katawan ko dahil sa gulat. Ito ba ang rason kung bakit seryoso na naman ang mukha ni papa? Alam na ba niya?
"Ano, Ronaldo? Tinatanong kita kaya sumagot ka."
Kung nitong nakaraan ay oxytocin ang nangungunang hormones sa katawan ko, ngayon ay mukhang bumaba ang testosterone ko at nanguna ang cortisol sa katawan ko. Halos manginig ang buong pagkataon ko sa tingin pa lang ni Papa at tuwing nagsasalita siya, para akong hihinatayin ng paulit-ulit hangga't hindi natatapos ang sinasabi niya.
"Ronaldo..." He looks so calm pero alam kong sa loob niya ay naga-alburoto na siya.
"Uhh, hindi po?" P*ta. Paano na ako nito? Mukhang buking na ako at mukhang babalik na naman ako sa buhay na puno ng panlalait, pambubugbog at pangiignora. Ayoko 'yun. Masyadong mahirap ang ganoong buhay. Baka pag nagkataon, hindi ko na talaga kayanin.
"Mabuti." What? Ano raw? Nabingi yata ako roon, ah? "Nabanggit kasi ni Carol sa akin na nakikita ka raw ng anak niya na nakikipaglantungan sa mga kaklase mong babae kaya naisip ko na baka nagpapanggap ka lang na may girlfriend ka."
Umiling ako ngunit hindi nagsalita. Ayoko ng dagdagan pa ang mga kasinungalingan ko ngunit ang takot ko na danasan muli ang mga dinanas ko noong iniisip pa nilang bakla ako ay nangunguna.
Isang disappointed na tingin ang ipinukol ni Mama sa akin bago niya ibinaba ang kubyertos niya at nagpaalam na matutulog na siya. I'm sorry, Ma. Natatakot lang po ako na masaktan ulit. Sorry.
The dinner ended up with me getting a full blast of sermon. Imbes na sa isang linggo ay sinabihan ako ni Papa na dalhin na rito ang sinasabi kong girlfriend just to prove na totoo iyon. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng tatay ko, grabe. Walang katulad na pagmamahal. Pagmamahal na masakit.
Paolo Angeles: Yow. Ikaw mag cover bukas ng game?
Mabuti na lang at hindi pa ganoon kasama ang universe para hayaan akong malugmok sa lungkot at stress. This past few days, Liana became busy with her new found 'friend' and Paolo has been my happy pill. Well, kahit noon pa naman, happy pill ko na si Paolo pero miminsan ko lang siya nakikita kaya ngayon ko pa lang totally nararamdaman kung gaano ako kasaya tuwing kausap ko siya.
Ron Guevarra: Yup. Wala naman kayong game kaya hindi kita makukuhanan ng picture.
It's kinda sad nga, eh. I've been taking pictures of him habang nasa court simula noong nagsimula kami ni Liana na manood ng games ni Pao pero iba kasi ang ngayon. Totoong laban ang game ngayon at kakaibang Paolo ang nakita ko sa court kahapon kaya gusto ko sanang ako ang kumuha ng litrato niya pero dahil paborito ako ng universe, hindi nangyari. Sana pala hindi ko na lang tinanggihan ang offer na ako ang mag cover kahapon.
Paolo Angeles: Paano mo nalamang wala? Yous talker :p
Hindi ko alam kung anong meron kay Paolo at sa mga simpleng salita lang niya, napapangiti na ako ng bongga. Para akong nagkakapakpak at nakakalipad sa mga ulap sa tuwing kausap siya. Hulog na hulog na ako sa kaniya, leche.
Ron Guevarra: lol. Kapal ng face. Nakita ko ang sched ng games for tom kasi nga isa ako sa mag cover, right?
He didn't reply, though. Nakatulog at nagising na lang ulit ano kinabukasan ng walang nakukuhang reply sa kaniya. Did I offended him or something? I keep on looking at my phone and re-reading our conversation last night and wala naman akong nakitang nakaka-offend sa mga sinabi ko, eh?
I went to Liana's place muna para isabay siya sa pagpasok ngunit napag-alaman ko na maaga pala siyang umali. Ang babaing iyon, nakilala at nakasama lang si Jealyn eh mukhang nakalimutan na niya na may kaibigan siyang maganda na nagngangalang Ronaldo.
Masama ng konti ang loob ko sa kaibigan dahil hindi na kami nakakapag-bonding at dumagdag pa na nag effort akong sunduin siya ngayon pero iniwan na pala niya ako. Pero ayos na rin na nagpunta ako rito, nabusog pa ako at nagawang sulyapan ang future bahay ko. Charoar sabi ng lumalanding dinosaur. Akala ko nga ay makikita ko si Paolo kaso, hindi. Nanay lang niya ang nakita ko.
"Ron, ikaw sa track and field, ah? Nag cover ako sa badminton kasi maaga silang nag start."
Noong una ay wala akong reklamo sa sinabi ni Jealyn. Proud na proud pa ako na masaya ang mag cover ng track and field sport, kesyo mae-exercise ako dahil kakailanganin ko ring tumakbo minsan pero ayoko na! Gusto ko na lang umuwi at mahiga!
Pakiramdam ko ay hihiwalay na ang spinal cord ko sa katawan ko pati na rin ang binti ko. "Tang*na ayoko na Jealyn!" Halos ibato ko ang camera sa lamesang nakapagitan kay Jealyn at sa kaibigan kong ngayon ko na lang ulit nakita. Inagaw ko ang isang bote ng inumin na hawak niya at walang sabing ininom iyon at inubos.
"Saya mo pa sa track and field kanina, ah?" Pang-aasar ni Jealyn ngunit mas pinili kong bwisitin ang kaibigan ko.
Dinuro ko siya na siyang ikinagulat niya. "Buhay ka pa pala? Kilala mo pa ba ako?" At ang gaga, nginusuan lang ako. Akala ba niya nakikipagbiruan ako?
"Hey..." Sabay-sabay naming nilingon ang gwapong nilalang na nakasuot ng kulay puting t-shirt na tinernuhan ng maong na pantalon at puting sneakers. May suot siyang cap na kulay itim na siyang lalo niyang kinagwapo. "Ron, can we ta-"
"I'm sorry may game na pala! Bye!" Inilaan ko ang lahat ng lakas ko para lang makatakbo papalayo roon. Hindi pwedeng maamou niya ako, 'no! Kumpara naman sa porma at bango niya, magmumukha talaga akong imbornal na nabuhay! Ang pawis ko ay pang isang linggo na yata! Nakakahiya.
Dumiretso ako sa room namin at doon ay naligo ako ng mabilisan. Mabuti na lang at nagdadala ako palagi ng extra'ng damit kung hindi, kahiya-hiya talaga ako maghapon dito sa school.
Matapos mag-ayos ay lumabas na ako ng room ngunit napahinto rin agad nang makasalubong si Mary Rose na nasa akin ang tingin. I was about to ask her what's her problem when my phone suddenly rang. Ayoko sanang sagutin kaso, ang pangalan ng tatay ko ang nandoon kaya naman mabilis pa sa kidlat ang pag-swipe ko para masagot. Ignorahin ko na lahat wag lang 'to kung gusto ko pang mabuhay.
"Just called to remind you about your girlfriend. Mapapapunta mo ba siya today para makapag luto ang mama mo?"
That's how my life started to get chaotic again. Mas malala pa nga yata kaysa sa nangyayari sa akin noon. My brother and mother started to totally ignore me. Isang tanong, isang sagot ang ginagawa nila sa akin and I don't know why. While my father started to make me feel so insecure, useless and sinful again. Tanging si Kelly lang ang kakampi ko na madalas ko namang hindi makita dahil abala sa mga kaibigan.
It all started when I asked Mary Rose, the infamous girl in our school. Rumors says she's a lesbian but I found out that she is not. She looks and acts masculine but all in all, she is a very, very, very straight girl who likes the same man that I love, Paolo.
Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang alukin siya na magpanggap na girlfriend ko in exchange of Paolo's number just to please my family especially my daddy. Isa iyon sa nga pinakapinagsisihan kong desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko.
Paolo Angeles: The next time you give my number to anyone na hindi ko kilala, hindi mo na ulit ako makakausap.
That's the last message I have received from Pao. Hindi ko naman na pinamigay ang number niya pero itinigil niya pa rin ang pakikipag-usap sa akin. I have seen him multiple times, madalas sa convenience store na minsan naming tinatambayan ni Liana but he acts as if he doesn't know me.
I didn't know na sasabihin ni Mary Rose kay Pao na ako ang nagbigay ng number niya sa kaniya kaya nagalit si Paolo sa akin. He was mad for at least a week until I finally explained what was really up to. It took me a week to explain dahil ikinulong ako ni Papa. Grounded, kumbaga and that was one of the darkest times of my life.
"Pa, pupunta lang po ako kina Liana..." usal ko nang isang umaga ay makasalubong ko si Papa sa hagdanan. Nakabihis na ako at approval na lang niya ang gusto pero alam ko na na hindi siya papayag nang dire-diretso lang siyang naglakad.
My heart ache. Masakit. Masakit na kahit anong pilit kong pakikipaglapit ay pilit din naman silang lumalayo. Hinanap ko si Mama at nakita ko siya sa garden kasama si Kuya na nagmimiryenda but the moment they saw me, sabay pa silang tumayo at pumasok sa bahay nang hindi man lang ako kinakausap.
Ni hindi ko nga alam kung paano kong nairaraos ang bawat araw na lumilipas kasama sila.
Paolo Angeles: I have a game tomorrow. Nood ka, ha?
Tomorrow is monday at gabi pa lang, nakaplano na ang gagawin ko. Papasok ako sa umaga at manonood ng game ni Paolo sa hapon. Nakakagala naman ako ngunit tuwing may pasok lang at after school pero tuwing weekend, kulong ako sa bahay kaya naman sinusulit ko ang bawat araw na nakakalabas ako.
"Binubugbog ka ba ulit?" Umiling ako. Pareho kaming nakatingin ni Liana sa court kung saan naglalaro ang bebe ko.
"More on pangiignora at pagsusungit lang kaya keri ko naman." I said pertaining to how my father treats me. Araw-araw akong tinatanong noon ni Liana at madalas ay ako na ang ang-iiba ng usapan.
She was about to say something when a friend from journalism suddenly came and sat beside me. "Ron, long time no see, ah?"
Sinulyapan ni Henry si Liana at pasimpleng binati ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa akin. Ang mga mata niyang chinito ay nakakahawig ng sa isang sikat na aktor sa Korea at ang labi niya ay hindi sobrang pula ngunit hindi rin naman sobrang itim. Hindi ko nga alam kung maputla ba siya o ano.
"Long time no see eh nagkita lang tayo sa office kanina. Baliw ka ba?"
Tumawa siya at umiling. "Hindi mo ako pinansin kanina kaya akala ko ay hindi mo maaalala ngayon!" Halos hambalusin ko siya nang hampasin niya ang braso ko kasabay ng tawa niya.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin dahil sa kadaldalan niya. Si Liana ay tahimik lang sa gilid ko at nanonood ng laro kahit na alam ko namang hindi niya naiintindihan ang nangyaysri sa game. Gigil na gigil ako kay Henry dahil kahit anong pahiwatig ko na ayaw ko munang makipag-chimahan at gusto ko munang mag focus sa laro ay hindi niya makuha. Ending, hindi ko na nasundan pa ang game at na-focus na lang ako sa mga chismis at corny jokes ni Henry.
The next thing I knew, tapos na ang game at hindi man lang namin nakausap si Paolo dahil agad itong umalis sa court.