Sh*t, sh*t! Mabilis kong idinampot ang cellphone ko gamit ang nanginginig na kamay ngunit agad ding naihagis ulit iyon sa malayong parte ng kama nang makitang nandoon pa rin ang pangalan ni bebe ko.
Ano nga ang sabi? Gumapang ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. "Ron..." Oh my gash! Oh my gash! Pangalan ko 'yun, shuta! Hala, hala re-reply-an ko ba? Ano'ng sasabihin ko? Bebe? Charoar sabi ng malanding dinosaur!
Okay, Ronaldo, hingang malalim, kalma. Hingang malalin at kumalma ka. Akmang magta-type na sana ako ng ire-reply nang biglang umariba na naman ang oxytocin sa katawan ko at naibato ko na naman ang cellphone ko. Niyakap ko ang unan at doon nagsisisigaw habang todo pigil sa sarili na tumalon.
Teka, mukha na akong tanga. Kinalma kong muli ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim at pagpikit. Okay, self, isang simpleng message lang iyan. I-reserve mo ang kilig kapag ikakasal na kayo, okay? Chill.
Pero sis, hindi ko talaga kaya! Tumayo ako at hindi na nagpapigil pa sa pagtatalon at pagtili. Wala akong pakialam kung magising ang lahat ng kabaranggay namin. Masaya ako, eh! Bakit ba huwag silang panira. Charoar ulit sabi ng dinosaur.
"Ay p*ta!" Sigaw ko nang biglang malakas na bumukas ang pintuan ko. "Putakti pala akala ko kung ano na!" Hilaw na ngiti ang ibinigay ko sa tatay ko na pipikit-pikit pa ngunit pinipilit na pasamain ang tingin sa akin. Sige, Papa, kaya mo iyan. Imulat mo ang mga mata mo!
"Tang*na anong kabaklaan na naman ang ginagawa mo?"
Tumikhim ako at inosente siyang tinignan bago nagpanggap na hinahampas ang unan sa ere kahit wala naman akong hinahampas. "Ah, nagulat po ako may pumasok na putakti, hehe."
"G*go ka? Putakti lang titilian mo ng ganyan? Tang*na mo, pinaglololoko mo ba ako?" Itinigil ko ang ginagawa at hinarap siya ng mabuti. "Hindi tumituli ang mga lalaki, b*bo! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka, Ronaldo Alberto!"
May tindahan kaya na bumibili ng tatay? Parang gusto ko ng ibenta ang tatay ko masyadong panira ng kaligayahan. Charoar. Kahit ganyan iyan, mahal na mahal ko iyan at hindi ko ipagpapalit kahit kanino, kahit kay Paolo. Alam ko namang matatanggap din niya ako balang araw at ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako mapapagod sa paghihintay ng panahong iyon.
Imbes na ituloy ang naudlot kong kilig ay tahimik na lang akong nahiga sa kama habang yakap-yakap ang unan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at pinilit na pigilan ang namumuong tili na naman sa lalamunan ko. Oo, mahal ko tatay ko pero mahal ko rin naman sarili ko kaya todo pigil ako para lang hindi makagawa ng ingay. Ayoko ng mamura sa hating gabi, ano.
Nagtipa ako ng reply ngunit binagalan ko. Kailangan palipasin ko muna hanggang mg limang minuto siguro para hindi naman niya maisip na easy to get ako, 'no. Dalagang Filipina dapat at hindi basta-basta nadadala sa isang chat lang.
Ron Guevarra: Yes, Paolo?
Oh, hindi ba? Todo pigil pa ako sa sarili ko para lang hindi lagyan ng heart o kaya ay kiss emoji iyan. Kailangan pa-demure tayo. Bawal marupok kung ayaw mag mukmok kapag pagmamahal mo'y nalagyan na ng tuldok. Charoar sabi ng kinikilig na dinosaur.
Wala pang isang segundo nang mag hasik na naman ng lagim ang oxytocin sa katawan ko dahil sa mabilis na reply ng bebe ko. Ano ba? Miss na miss na ba niya ako para ganito siya kabilis mag reply?
Paolo Angeles: Can we talk? I have something important to say.
Omg, omg! Ito na ba iyon? Ang matagal ko ng dinadasal? Ang isa sa mga pangarap ko bukod sa makapunta sa Canada? Magpo-propose na ba siya? Sandale kailangan ko munang mag-ayos at maghanda!
Paolo Angeles: If hindi ka lang busy. I wanted to personally say sorry kasi about sa nangyari sa inyo ng girlfriend ko...
Okay. The end. Hindi ko akalain na ganoon kabilis masisira ang saya ko. Oo, aware ako na ang sobrang kasiyahan ay madalas may kasunod na lungkot pero ganoon na lang ba kagalit ang universe sa akin para hindi man lang paabutin ng isang oras ang sayang nararamdaman ko? Sa tuwing sumasaya ako, binabawi naman agad ng sobrang kalungkutan.
Hindi ko siya rineplyan. Bakit pa? Isinampal na niya sa mukha ko na may girlfriend siya at hindi ako 'yon kaya bakit ko pa siya kakausapin? Oo minessage niya ako to personally say sorry regarding sa nangyaring away sa amin ng girlfriend niya pero tingin ko naman, hindi na iyon kailangan. Alam ko at naiintindihan ko na na may attitude problem at paepal ang girlfriend niya kaya kahit hindi na sila mag sorry, papatawarin ko na sila. Ganoon ako kabait. Charoar. Minsan lang.
"Seryoso? Bakit hindi mo rineplyan? Nagsasayang ka ng pagkakataon." Seryosong usal ni Liana habang sabay kaming kumakain. Himala nga na nakasama ko ito ngayon mag lunch dahil wala naman akong gaanong ginagawa sa org at siya, hindi kasama si Jealyn, ang bago niyang kaibigan...daw.
"Ayoko nga! Ipamukha ba naman sa akin na may girlfriend siya? No way. Over my dead stunningly beautiful body."
Tanging tawa na lang ang naisagot niya dahil dumating si Jealyn. Ang mahinhing Liana na nakilala ko noong elementary ay muling nanumbalik sa mundo. Hindi ko alam kung tatawa ako o ano sa pinong kilos ng kaibigan ko. "Je, handle with care." Sabay kaming nagtawanan ni Jealyn habang si Liana, mukhang walang naintindihan sa sinabi ko.
Naiwan akong mag-isa nang magpaalam si Jealyn na dadalhin si Liana sa kung sana. Bahala sila at masyado akong stress sa sarili kong lovelife para guluhin din sila. Isa pa, para masanay na lang din si Liana na hindi lang ang ganda ko ang nakikita niya sa araw-araw.
Paolo Angeles: Ron? Na offend ba kita or something? Hindi ka kasi ang reply :(
Kaya ko naman siyang ignorahin kahit na crush na crush ko siya pero hindi ko kaya ngayong nilagyan niya ng sad emoji ang message niya. Ganoon ba siya kalungkot na hindi ko siya rineplyan kagabi? At talagang tinignan pa niya ngayon kung nagreply na ba ako o hindi?
Ron Guevarra: Yow. Hindi ko alam kailan ako pwede. Busy sa school, eh.
Okay, Ronald. Ang rules ay panatilihin mong maging cold at lethargic tuwing ka-chat siya. Pwedeng maging marupok pero huwag sobra.
Paolo Angeles: Aww :(
Oh my ghad! Ang puso ko, lalabas na yata sa dibdib ko!
Ron Guevarra: ???
Ang hirap-hirap namang maging malamig kung ang kausap ko ay nagpapa-cute. Pwede bang landiin ko na lang siya agad para matapos na? Para magkaalaman na kung magiging kami ba o hanggang pangarap ko na lang 'yun?
Paolo Angeles: Just a little bit sad na busy ka. Does that mean na hindi mo ako makikita mamaya sa practice game namin later sa court ng baranggay?
Walang sabi-sabi kong iniwan ang pagkain ko at mabilis na tumakbo pabalik ng school. Bakit ba kasi rito pa sa labas namin naisipang kumain ni Liana? Hingal na hingal ako pagdating sa tapat ng journalism room ngunit hindi ko iyon inalintana. Padabog kong binuksan ang pintuan at saka agad na nilapitan ang Officer in Charge namin.
"Pagod na pagod 'te?" Aniya nang hindi inaalis ang tingin sa laptop.
"Malapit na ang University League, hindi ba? Sino mag co-cover?"
Isang linggo mula ngayon ay magkakaroon ng laban ang bawat school na tinatawag naming University League at kasali roon si Paolo. Noon pa man ay alam ko ng hilig niya ang basketball at ilang taon ko na rin siyang pinapanood tuwing may laban ngunit ang feelings ko, hidni pa rin nagbabago. Noong una ay akala ko, magsasawa ako sa kakapanood ng laban noya ngunit habang tumatagal, nag e-enjoy ako at natutuwa na makita siyang ginagawa ang hilig niya kaya sinabayan ko siya. Ginagawa ko rin ang hilig ko sa pagkuha ng litrato habang pinapanood siyang maglaro. Pakiramdam ko ay magkasintahan kami na sinusuportahan ang bawat isa. Ang sarap sa pakiramdam.
"Si Jealyn. Bakit? Gusto mo bang mag cover?"
Ganoon nagsimula ang araw-araw na paguusap namin ni crush. Hindi man sa personal ay at least, nag-uusap pa rin kaysa naman wala totally'ng communication, hindi ba? I know how to be contented naman with what I have pero syempre, hindi mawawala ang desire ko to have a deeper relationship with him.
"Kanino ka ba talaga? Sa team na'tin o kay Paolo?" Sigaw ni Liana habang hawak-hawak ang dalawang pompoms sa magkabilang kamay niya.
"Suportado ko ang team ng school natin, syempre pero dahil ang tanong mo ay kung kanino ako, syempre kay Paolo. Sa kaniya lang at wala ng iba pang nagmamay-ari sa akin kundi si Paolo Angeles lang!" Usal ko bago itinaas ang banner na hawak ko na may nakasulat na pangalan ng school at team namin.
Gusto ko sanang i-cheer ang bebe ko kaso, baka mapagalitan ako ng mga teacher namin at awayin ako ng ibang school mates ko kaya iminessage ko na lang siya ng goodluck.
Halos mawala nag boses ko sa kasisigaw kasabay ng ibang students nang matapos ang event. Talo sina Paolo kaya hindi ko alam kung magsasaya ba ako dahil nanalo ang school namin o malulungkot dahil talo nga ang bebe ko. Ang hirap naman ng ganito.
"Ron, paki-text si OIC, sabihin mong nandito kami sa labas ng gym. Hindi ko siya ma-replyan at wala akong load." Sinunod ko ang sinabi ng kasamahan ko sa photojournalism. Ako sana ang nass posisyon niya at nagco-cover ng event ngunit tinanggihan ko sa pag-aakalang maiche-cheer ko ng maayos ang bebe ko. Kung alam ko lang sana na ganito, edi sana tinaggap ko na lang ang offer na ako na lang amg mag cover kasama si Jealyn.
Saktong pagsend ko ng text para sa OIC namin ay siya namang pagpasok ng isa pang mensahe. Speak of the gwapo and the gwapo will come.
Paolo Angeles: Saw you cheering for you team. Paano ako? :(
Ay ang lande, kuya, ha? Mabilis akong nagtipa ng ire-reply sa kaniya. Nagmamadali pa ako dahil panay na ang kalabit ng katabi kong si Liana.
Ron Guevarra: lol. Congrats kahit talo kayo :p
"Paalala ko lang na may girlfriend si Pao, ha?" Anang demonyo kong kaibigan sa gilid ko. Leche siya. Alam ko naman iyon pero madalas ay nakakalimutan ko dahil sa kalandian ni Paolo. "Tinatawag ka yata ni Jealyn..."
Kakaibang tingin muna ang ipinukol ko sa kaniya bago siya pabirong hinalikan sa noo at mabilis na iniwan doon. Sa kabila ng ingay ng paligid ay dinig na dinig ko ang matinis na boses ni Liana na naiinis sa ginawa ko. Hindi ko kayang sabihan siya ng harsh words kahit pabiro lang at dahil alam mong ayaw niyang nakikita kami na nagdidikit, iyon ang ginagamit kong pang-asar sa kaniya.
Pagod na pagod ako pagkauwi sa bahay dahil sa biglaang meeting na ginanap kanina kasama ang buong journalism team para sa ilalabas na magazine right after ng University League. Dahil pagod ang mga na-assign na manguha ng mga photos kanina, kasama kaming dalawa ni Jealyn sa mga magco-cover para sa pangalawang laban bukas kaya naman agad kong inihanda ang sarili pagdating sa bahay.
Nagpahinga lang ako sandali at naligo na rin agad saka inayos ang bag na dadalhin ko bukas. Magdadala ako ng dalawang extra'ng damit at dalawang bote ng inumin dahil sigurado akong mauuhaw ako ng bongga bukas. Ang camera ng ate ni Liana na hanggang ngayon ay hindi ko pa naisasauli ay inilagay ko na sa bag ko. Hindi pa ako nakakahingi ng pambili ng sariling camera sa magulang ko at hindi ko alam kung kailan ako makakahingi lalo na ngayong galit na naman ang tatay ko.
Tahimik ang lahat sa hapag at tanging mga kubyertos lang na tumatama sa plato ang naglilikha ng ingay. Ano na naman kaya ang nangyari? Sinipa ko ng pasimple ang paa ni Kelly at sinenyasan siya ngunit kibit-balikat lang ang isinagot niya.
I was about to ignore them and just focus on my food nang biglang magsalita si Papa na siyang dahilan kung bakit tila nilayasan ako ng kaluluwa ko.
"Is it true na nagsinungaling ka patungkol sa girlfriend mo, Ronaldo Alberto?"