Chapter 20

1743 Words
"Ay sus, magiting ka ba?" Mapang-asar na tingin ang ibinigay sa akin ng kaibigan ko. Tumayo ako at mabilisang pinagpagan ang puwitan dahil medyo maalikabok sa inupuan namin. "Wala naman akong sinabing magiting ako. Ang sabi ko, matapang ako." Hinintay ko siyang tumayo dahil dumadami naman na ang mga pumapasok na estudyante sa school kaya hindi na nakakatakot. Matapos noyang pagpagan ang likuran ng palda niya ay sabay kaming naglakad papasok sa school. "Oh, sige nga. Anong pinagkaiba ba ng magiting at matapang?" Sabi ko na nga ba, eh. Proud ko siyang nginitian at ipinakitang kayang-kaya ko siyang sagutin. Anong akala niya sa akin? Hindi nakikinig sa Filipino subject namin? "Huh! 'Yun lang? Basic pero tamad ako magsagot kaya bukas na lang. Makakapaghintay naman siguro 'yang tanong mo." Isang malakas na hampas ang iginawad niya sa braso ko. Baliw 'to. Pagdating sa room ay iniwanan ko lang ang gamit ko dahil kailangan kong magpunta sa auditorium para mag audition. Ilang buwan ko ring hinintay na magpa-audition ang journalism club ng school at ngayong nagsimula na nga, hindi pwedeng palagpasin ko ito. "Alright, good morning students..." Mabilis akong naupo sa isa sa mga upuan na malapit lang sa entrance ng auditorium. Ayoko sa gitna dahil sigurado akong malamig doon hindi gaya dito na may init na pumapasok dahil sa bukas-sara na pinto. Ang akala ko ay aantukin ako dahil purong mga speech at kung ano-ano pang reminders ang ginawa bago kami pinapunta sa mga respective rooms kung saan gaganapin ang audition ng bawat organization. Wala akong kilala sa mga kasamahan kong naglalakad paounta sa assigned rooms ng photojournalism kaya naman ang kaba ko, nagawang talunin ang kadaldalan ko. Paano ba naman kasi ako dadaldal kung wala naman akong kausap. Alangan namang magsalita at magdadakdak akong mag-isa? "Pa-fill up na lang ng form, Ronaldo. Pwede ka ng umupo sa loob at doon na lang mag fill-up. Kuhanin ko na lang mamaya ang form mo." Tinanguan ko ang isang senior namin na hindi ko naman kilala pero kilala ako. Hindi na bago ang ganoon sa akin dahil madalas ay may mga tumatawag sa akin ngunit hindi ko naman kilala. Noong una ay naiinis ako pero sa inaraw-araw ba naman na may tumatawag at bumabai sa akin na hindi ko naman kilala, nakasanayan ko na. Naging kaibigan ko pa nga ang iilan, eh. Gaya kanina ay nagsimula muna sa orientation at kung ano-anong speech ng head photojournalist bago nila tuluyang sinabi ang magiging flow ng audition. Simple lang naman. Kailangan naming kumuha ng sample shots within the campus at mayroon kaming isang buong araw para makapagpasa ng mga pictures. "Tapos na kayo? Bakit ang bilis?" Salubong ng isa naming kaklase pagdating ko sa room. "Hindi pa. May kukuhanin lang ako sa bag ni Liana. Nasaan siya?" Nilapitan ko ang bag ng kaibigan at binuksan na iyon para kuhanin ang camera. Nanghiram na muna ako sa kaniya dahil hindi pa ako nakakabili ng sarili kong camera. "Pagbalik niya, pakisabi kinuha ko na ito..." Mabilis akong lumabas ng room at hindi na pinakinggan pa kung ano ang sinabi ng kaklase ko. Nag simula na akong mag ikot-ikot sa school para maghanap ng magandangs subject. Wala namang rules or whatknots basta ang kailangan lang naming gawin ay ang makapagpasa ng sample shots namin. Syempre kailangan ay maganda at bongga para sure-ball na pasok sa team. Pagod na pagod ako sa araw na ito. Nakakalimang pictures na ako at tingin ko naman, papasa na. Syempre gawa ko ang mga iyon kaya kailangan ay proud ako sa mga kuha ko. Nakita ko si Liana kanina sa canteen at ikinagulat ko na kausap ang isa sa mga miyembro ng photojournalism. Never ko pa siyang nakitang nakipag usap sa iba kaya naman ang makita siya ngayon na nakikipag usap sa isa sa mga photojournalist ay hinayaan ko na. Nagpatuloy ako sa pagiikot at pagkuha ng mga litrato bago ako dumiretso sa room para sa panghuling subject. Excuse naman kami ngunit dahil tapos na rin naman ako sa mga kailangang gawin, pinasukan ko na. Pagdating sa bahay ay inayos ko agad ang mga kua kong litrato. Inuna ko ang pinakapaborito kong kuha, ang pakikipag-usap ng kaibigan kong nakasimangot at mukhang nagtataka sa isang babaeng may hawak na camera at malaki ang ngiti. Hindi sa pagmamayabang pero tingin ko, ang litratong ito ang magpapasok sa akin sa photojourn. Purong emosyon ang makikita sa unang tingin pa lang at iyon ang gusto ko. Hating gabi na nang matapos ako sa pag compile ng nga pictures at pag print ng mga iyon ngunit hindi pa rin ako dinadatnan ng antok. Nahiga ako sa kama at imbes na pilitin ang sarili na matulog ay mas pinili ko na lang na makipagchat kay Liana. Hindi ko alam kung bakit gising pa ang abbaeng ito pero mabuti na iyon dahil may makakausap pa rin ako kahit papaano. Liana Garcia: 'yung camera, kay Ate iyan. Pinagpaalam ko naman kaya ayos lang kahit hindi mo muna maibalik. Mabuti na lang pala at iningatan ko iyon! Hindi niya sinabi noon na sa Ate niya ang camera kaya all this time ang nasa isip ko ay sa kaniya iyon! Ron Guevarra: gaga! Bakit hindi mo agad sinabi? Bukas ay manghihingi ako ng pambili kay Kuya kaya para naman maibalik ko na agad ang camera ng Ate mo. By the way, musta ang bebe ko? Liana Garcia: nakita ko siya kanina. Kasama ang girlfriend niya pero hindi ko alam kung iyon ang nakaaway mo sa Samat. Sumimangot ako. Sana pala hindi ko na lang kinamusta si Paolo, kung alam ko lang na masasaktan ako. Charoar. Pakiramdam ko ang puso ko ay binibiyak paunti-unti at bawat piraso ay unti-unti ring nadudurog sa mas maliit pang piraso. Ang pangarap kong makatuluyan siya ay lumalabo at parang imbes na lumapit sa akin ay palayo pa ito ng palayo. Ron Guevarra: uncrush ko na siya ang lande niya teh. :( Iyon ang huling chat ko sa kaibigan. Hindi na siya nag reply pa at inisip ko na kang na baka nakatulog siya ngunit kinabukasan, napapansin ko ang madalas na pagpunta noong babaeng nakita kong kausap niya. Binalak ko siyang kausapin patungkol doon dahil pakiramdam ko ay ginugulo siya ng bongga noong babae ngunit naging abala rin ako sa biglaang pagpapasok sa akin sa photojournalism. Ang buong akala ko ay aabutin pa ng isang linggo o ilang araw bago makuha ang resulta ngunit ilang oras lang matapos kong ipasa ang mga kuha ko kahapon, ipinatawag na ako at sinabing pasok na ako sa organization. "Ronaldo, kailan mo dadalhin dito at ipapakilala ang kasintahan mo?" Ani Papa isang araw na walang pasok at nagsama-sama kami sa hapag. Ang buong akala ko ay nakalimutan na iya ang tungkol doon ngunit ngayong tiantanong na naman niya ako, hindi ko na naman alam kung ano ang isasagot ko. Kakaibang tingin ang ipinukol ni Mama sa akin habang si Kuya naman ay mukhang hindi naniniwala. Si Kelly ay pasimpleng tinitignan si Papa ng masama kaya naman pasimple ko siyang binawalan. Baka mamaya ay mapahamak na naman siya sa ginagawa niya. "Uh, hindi pa raw po siya handa, Pa." Huwag talaga sanang maputol ang dila ko, please. Tumikhim siya at bahagyang sumimsim sa inuming nasa gilid ng plato niya. "Hindi pa handa? Ano ba ang kailangan paghandaan?" Aba, malay ko rin Pa. Ni hindi nga totoo na amy girlfriend ako kaya paano ko malalaman kung ano ang dapat paghandaan sa tuwing ipapakilala sa magulang ng kasintahan. "Uhh, maybe lakas ng loob?" Mahina at hindi siguradong usal ko. Wala talaga akong alam diyan at tingin ko ay kailangan kong magtanong sa mga kaklase ko o 'di kaya ay kay Liana para sa susunod na magtanong si Papa, alam ko ang isasagot ko. At saka para kung ipapakilala na ako ni Paolo sa magulang niya, alam ko ang ihahanda ko. Charoar sabi ng baklang dinosaur. Buong hapunan ay iyon ang bukambibig ni Papa. Minsan ay nagbibiro ngunit madalas ay seryoso lalo na sa mga bilin niya patungkol sa kung paanong mapapanatiling matatag at matagal ang isang relasyon. Syempre nakinig ako para kung maging kami na ni Paolo, alam ko ang gagawin ko. Akala ko ay iyon lang ang sasabihin ni Papa ngunit ang huling sinabi niya bago matapos ang hapunan ay ang pinakatumatak sa isipan ko buong gabi. "Bibigyan ko na lang kayo ng isang linggo para maghanda. Kailangan ay sa susunod na linggo, madala at mapakilala mo na ang kasintahan mo sa amin, naiintindihan mo?" Iyon ang nasa isipan ko maging noong naliligo ako kaya pagkatapos na pagkatapos ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ng kaibigan ko. Hindi siya naka-online at hindi pa rin niya nababasa ang huling chat ko sa kaniya. Ron Guevarra: Liana! Kailangan daw ay sa susunod na linggo, maipakilala ko na ang girlfriend na sinasabi ko sabi ni Papa. Anong gagawin ko? Ikinagulat ko ang mabilis niyang pagrereply ngunit mabuti na iyon para naman hindi ko na kailangang maghintay pa ng hanggang bukas para makakuha ng advice sa kaniya. Liana Garcia: hanap ka babae 'yung willing magpanggap. Sa school, amrami namang nagkaka-crush sa iyo. Hindi ko alam kung pagod 'tong kaibigan ko o sadyang nag malfunction lang ang isipan niya ngayon. Tingin ba niya ay pupwede akong manghatak na lang ng kung sino sa school at sasabihing magpanggap na girlfriend ko? Baka mamaya ay iyon pa ang ikabuking ko. Liana Garcia: 'yung crush mi hinalikan sa pisngi ng girlfriend niya. Nasa daan sila mukhang uuwi na ang babae. Leche. Leche talaga itong kaibigan ko! Ano va ang nakain niya ngayong gabi at mukhang wala sa katinuan? Kailangan ba talaga niyang sabihin sa akin iyon kahit na alam niyang masasaktan at madudurog ang puso ko ng bonggang bongga? Ron Guevarra: hindi ko na siya crush, Liana. In-uncrush ko na siya eksaktong eleven fifty nine kagabi. Pero syempre, charot lang. Nilunok ko lahat ng sinabi ko nang isang gwapong nilalang ang nag friend request sa akin sa isang social media app. "Paolo Angeles sent you a friend request..." bulong ko. Walang pagdadalawang isip kong pinindot ang accept button dahil baka kung patatagalin ko pa ay bawiin niya bigla. Baka namimiss na ako ng bebe Paolo ko pero nahihiya lang siyang magsabi. Isang message ang pumasok at mabilis kong tinignan iyon sa pagaakalang nag reply na si Liana sa akin ngunit ang pangalang nakikita ko ngayon ay ang pangalang pinapangarap ko lang na makita sa inbox ko noon. Paolo Angeles: Ron...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD