Chapter 4

1500 Words
NAGBALIK sa kasalukuyan ang isip ni Orange nang maramdaman niya ang pagsiko ng katabi. “Haler! Okay ka lang, Beshie! Mukhang naglimayon na naman ang isip mo.” Napalingon si Orange sa kaibigan. Sa ayos nito ay mukha ngang kanina pa siya nito kinakausap. “Narinig mo ba ang sinabi ko? Si Carlo kako, hayun sa kabilang panig ng building at dito nakatingin. I’m sure, gusto kang lapitan niyan.” “Tumahimik ka nga! Bakit naman ako lalapitan niyan?” tanong niya. Gayunman ay madaling nangatog ang kaniyang mga tuhod. Nakita niya kasing tama ang sinasabi ni Chikki, papalapit nga si Carlo. Madali siyang humakbang palayo habang hatak sa isang kamay ang kaibigan. Hindi nagtagal ay narinig niya ang tawag nito. “Hoy, ano’ng nangyayari sa’yo? Bakit kailangan mong iwasan si Carlo?” “Basta bilisan mo, ano ka ba! Kailangan nating layuan ang lalaking iyan dahil may balat iyan!” “What?” eksaheradong bulalas ni Chikki. “May balat si Carlo kaya kailangan natin siyang iwasan? Ano naman ang connect?” “May balat siya! Meaning, capital M – A – L – A – S! Malas siya sa atin dahil tiyak na maya-maya lang ay madadala na naman ako sa Guidance Office!” “Wala ka namang ginagawang masama ah! Cool ka lang…teka nga!” Kumawala si Chikki sa pagkakahawak niya at saka nilinga si Carlo. Hindi nagtagal ay nakahabol ito. Humihingal pa ang lalaki nang ganap na makalapit. “Hey! Are you trying to avoid me, Anastacia?” tanong nito habang habol ang hininga. “Obvious ba? Ayoko ng gulo, Carlo. Alam mo namang hindi tayo puwedeng makita ng mga bruha na magkasama, hindi ba?” “Bru—what?” Saglit itong nag-isip at saka unti-unting natawa. “You call your sisters that way?” “Hindi ko sila totoong mga kapatid!” “Tama, step sis lang sila!” echo ni Chikki na nakapameywang pa at tila susugod sa laban. “Teka nga, ano ba ang paki mo kung ano man ang itawag ko sa kanila? Kung concern ka, puntahan mo sa canteen si Hanna dahil break niyon ngayon. Hindi ko alam kung nasaan si Marsha but I’m sure, matutuwa siyang makita ka.” Humakbang ulit siya palayo pero maagap nitong nahagip ang kaniyang braso. “Sandali lang. Wala naman akong masamang pakay sa paglapit sa inyo. Hindi naman siguro mamasamain ng mga step sisters mo kung sakaling—” “Hindi mamasamain?” sabad ni Chikki, “hindi mo ba alam na kinapos ang band aid sa tindahan malapit sa bahay ni Orange nang araw na pinagtulung-tulungan siya ng tatlong bruha? Ganoon karami ang naging pasa at sugat niya!” Napalinga sa kaniya si Carlo. Tila nagtatanong ang anyo nito habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata. Tumango siya bilang pakikiayon sa sinasabi ng kaibigan. “Bakit ka pumapayag nang ganoon? Wala silang karapatang gawin iyon sa’yo, Anastacia.” Sympathy crossed his eyes. Kabaliwang maituturing pero hindi niya maintindihan ang sarili sa mga sandaling iyon. She felt her knees were shaking. “Wala akong magagawa dahil iyon ang trip nila. Kailangan kong sumunod. Kung ayaw ko sa palakad nila, magtitiis akong umalis.” “Umalis ka na lang kasi!” Si Chikki. “No! Bakit mo iyon gagawin?” agap naman ni Carlo. Nagkatinginan silang magkaibigan. Pagkuwa’y napailing siya. “Hindi mo kasi alam, Carlo. Sobrang habang kuwento.” “I’m willing to listen.” Kunwa’y naiiritang tinitigan niya ito sa mga mata. “It will take me five days to tell the whole story—” “It’s only Monday, Anastacia. It’s all right.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Iyon naman pala eh. Monday pa nga lang naman. Saktong Friday ay tapos na kayo. Simulan mo nang mangumpisal, Anastacia.” She rolled her eyes. “Tigilan niyo nga ang pagtawag sa akin ng ganyan! Hindi na kayo kinilabutan.” Si Carlo naman ang napangiti sa sinabi niya. “Puro yata kami ngitian ah. Hindi magtatagal ay mukha na kaming tanga nito maya-maya lang.” “Orange, si Marsha!” Daig pa niya ang sinilihan sa tainga sa narinig. Hindi pa nakikita ang tinuturo ni Chikki ay agad na siyang tumakbo. Wala siyang pakialam kahit pa alam niyang nakasunod ang mga mata ni Carlo. Ang importante ay makalayo siya sa paningin ni Marsha para hindi na siya masangkot sa kung ano mang problemang kaakibat nito. Narinig niya ang mga yabag ni Chikki na nakasunod sa kaniya kaya sumigaw siya nang malakas, sapat para marinig nito. “Bilisan mo! Sa gym tayo!” aniya. Kipkip niya ang maliit niyang bag sa kaniyang tagiliran habang tumatakbo. Nang marating ang gym ay agad siyang naupo sa isang bleacher. Humihingal na nasalo niya ang mukha. “That was fast!” Mabilis na lumipad ang tingin niya sa pinagmulan ng tinig at laking gulat niya nang makita si Carlo. Tulad niya ay hinihingal rin ito at naghahabol ng hininga. Naupo ito sa tabi niya habang tulala pa rin siyang nakatingin rito. “Close your mouth, lady. Baka pasukan ng kung ano iyan.” “Nasaan si Chikki?” “Ayaw niyang tumakbo.” “What?!” Bigla ay naalala niyang bagong pedicure ang kaibigan. Kanina lang ay ipinagmamalaki nito ang natuklasan nitong bagong shade ng cutex na bagay rito. “Dahil lang sa mga kuko niya ay pinabayaan niya ako?” “I don’t think she did that. Wala namang umaaway sa’yo kaya sa tingin ko ay walang nagpabaya at walang pinabayaan rito.” “Nasaan si Marsha?” Nagkibit ito ng balikat. “Nakita mo ba siya kanina bago ako tumakbo?” “Nope.” “Pero ‘di ba sinabi ni Chikki na—” “I think that friend of yours has a good sense of humor.” Napakamot siya sa ulo sa matinding inis. “Sasakalin ko ang babaeng iyan oras na makita ko siya mamaya sa bahay! Impakta talaga!” Nang tumawa nang malakas si Carlo ay tila binuhusan ang galit niya. “Bakit ka sumunod kung wala naman pala akong tinatakbuhan?” “I wanted to talk to you.” “Bakit hindi mo ako tinawag para sabihing wala naman pala si Marsha doon? Napagod ako doon ah.” “Napagod din naman ako.” “Iyon na nga. Sana ay sinigawan mo ‘ko.” “You wouldn’t listen. Masyado kang desididong makalayo na halos ay mabangga mo na ang mga nakakasalubong mo sa daan. Isa pa, pinabayaan kitang maghanap ng lugar na gusto mo talagang puntahan.” “Ha?” “Para makapag-usap tayo nang maayos.” Saglit siyang naguluhan. Nagpi-flirt na ba siya nang lagay na iyan? “May utang ba ako sa’yo?” Muling tumawa si Carlo kasabay ng marahang pag-iling. “Wala.” “Bakit natin kailangang mag-usap kung wala? Atraso, meron?” “Bakit ba kailangang mag-usap ng isang lalaki at isang babae?” “Magdyowa sila? Bakit, magdyowa ba tayo?” Naihilamos ni Carlo ang isang palad sa mukha nito. Tila naging uneasy pagkarinig sa sinabi niya. Tama ang hinala niya, hindi ito nagpi-flirt. Mukha kasi itong nandiri sa idea na magdyowa sila. “Ganyan ka ba talaga, Anastacia?” “Full name na naman, Carlo. Please call me Orange!” “All right but I prefer to call you Tasha, instead. You have a nice name, you know.” “Okay, bahala ka. So what do you mean ganyan?” “Wala. Anyway, you always make me laugh if you must know.” Umingos siya. Sa lagay na iyon ay ginagawa pala siya nitong clown. “Don’t get me wrong. Naisip ko lang na puwede siguro tayong maging magkaibigan. Transferee ako rito. Third Year. Sa ibang eskuwelahan ako nag-take ng first sem but I ended up enrolling here.” Napatango siya. “Hindi mo ba itatanong kung bakit?” Natural ay gusto niyang magtanong pero kung bakit tila may pumipigil sa kaniya para palawigin ang pakikipagmabutihan sa lalaki ay hindi niya alam. Siguro ay dahil pa rin sa kamandag ng mag-iinang bruhang nakatira sa bahay nila. “Sige, bakit?” pagkuwa’y tanong niya. “Lumayas ako sa amin.” Namilog ang mga mata niya sa narinig. She was not expecting that answer from Carlo. “Yap, lumayas ako. Sobrang higpit kasi ng parents ko. Ang dami nilang do’s and don’ts. Ang dami rin nilang gustong ipagawa sa akin na hindi ko kaya.” “Like what?” Saglit itong nag-isip. “Tulad nang hindi ako puwedeng mag-take ng Fine Arts dahil mas gusto nilang aralin ko ang kursong makakatulong sa pagha-handle ng negosyo ng pamilya.” “Wow, may negosyo! Rich kid!” Napangiti ito at napailing na naman. “So okay na tayong maging magkaibigan?” “Pag-iisipan ko muna.” “Pero bakit? Napagod na ako nang katatakbo kanina ah." “Hindi ko naman sinabing tumakbo ka.” Napasulyap siya sa grupo ng mga babaeng papasok sa gym. “Patay, nariyan na sila, Carlo! Sila na talaga iyan!” Mabilis siyang tumayo at agad na tinakbo ang likod ng stage kung saan naroon ang mga palikuran. Hindi na niya alintana kung maling comfort room ang napasok niya. Ang mahalaga ay makatakas siya sa mga bruha. “Hey!” sigaw ni Carlo. Nang lingunin niya ito ay nagulat siya. Hindi niya inaasahang bigla siya nitong yayakapin. Hindi karaniwang yakap ang ginawa ni Carlo. Ang totoo ay sobrang higpit niyon. “Carlo, hindi ako makahinga!” Pilit sana siyang kakawala mula rito pero may narinig siyang boses ng mga lalaki. “Pare, ang ganda niyan ah.” “Oo nga. Kaso ay fake yata. Bakit dito pumasok at hindi sa kabila?” Pilit niyang nilingon ang lalaki para itama ito. “Hoy, anong fake! Babae ako ‘no!” Agad din niyang nabawi ang tingin nang makita itong nakatayo sa isang sulok at nanunubig. “Babe, please. Can you stop fighting? Tara na.” Namalayan na lang niyang hinahatak siya ni Carlo palabas ng comfort room. “Bakit ba kailangan mong tumakbo dahil sa kanila?” tila bahagyang naiinis na tanong nito nang tuluyan na silang makalabas. “Hindi mo ba nakitang nandoon na sina Divina?” “Kahit pa. Hindi ka dapat tumakbo. Nakita mo ang nangyari?” “Teka nga, bakit kasi sumunod ka na naman! Pabayaan mo na nga ako. Bakit ba hindi mo pa ako iwan?” “Hindi kita puwedeng iwan.” “At bakit, aber?” “Dahil…” He looked at her, trying to catch the right word to say, then grinned. “Dahil magkukuwento ka pa ng limang na araw sa akin, remember? Tara, simulan na natin ang kuwentuhan.” Hinatak siya nito sa kamay at saka iginiya palabas sa back door.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD