Chapter 6

1428 Words
“SIGURADO ka ba sa gagawin mo, Beshie?” nag-aalalang tanong ni Chikki kay Orange. “Hindi.” “Iyon naman pala. Bakit gagawin mo pa?” Napayuko siya kasabay ng pangingilid ng luha. It was the very first time she felt such agony. Napakasakit palang marinig buhat sa mismo niyang ama na suko na ito sa kaniya. Na naniniwala ito sa bagong pamilya nito na masama na siyang tao ngayon at umabot pa iyon sa puntong kailangan siya nitong ipamigay. Bigla ay nanumbalik sa kaniya ang isang eksena ng kahapon. “Marieta, Luisa, ibalik ninyo ang mga gamit ninyo sa loob at pag-usapan natin ito.” “Hindi na, ‘Tay. Ang sabi ninyo ay mahal niyo ang Rosa na iyan kaya doon na lang kayo. Maging masaya sana kayo sa piling ng biik na ‘yan,” ani Marieta, ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. “Oo nga,” sabad naman ng kaniyang Ate Luisa. “Huwag niyo sanang pagsisihan ang desisyon ninyong makisama sa kaniya kahit hindi pa nakakababang-luksa si Nanay.” Iyon lang at sabay nang nagmartsa palabas ng bahay ang dalawa. Iniwan siya ng mga ito sa tatay niya dahil kailangan pa raw niyang magtapos ng pag-aaral habang ang mga ito ay nakatapos na. Naglasing ang tatay niya nang gabing iyon at panay ang sumbong ng mga hinanakit nito patungkol sa kaniyang mga kapatid. Ang sabi nito ay hindi lang nila alam ang totoong pangyayari sa pagitan nito, ng kaniyang ina at ni Tiya Rosa pero hindi pa rin niya iyon inintindi. Nangingibabaw pa rin sa kaniya ang hinanakit dito at pagtatampo sa mga kapatid sa pang-iiwan ng mga ito sa kaniya. Gayunman ay hindi siya umiyak. Pilit niyang isiniksik sa isip na kailangan siya ng kaniyang ama kung paanong kailangan rin siya nito. She just graduated from high school at ibig pa niyang magpatuloy sa kolehiyo. Paano niya iyon gagawin kung wala siyang amang susuporta sa kaniya? Bukod doon ay kailangan rin siya ng ama. He had been suffering from diabetes since her mother died. Noon kasi ay ang nanay niya ang naghahanda ng pagkain sa araw-araw at nababantayan nitong maigi ang kalusugan ng ama samantalang ngayon, lahat na yata ng matatamis at mamamantikang pagkain ang inihahain ng mag-iinang bruha sa kaniyang ama. Natural ay hindi siya madalas na kasali sa last supper dahil parating sinasabi ng mga bruha niyang kapatid na ayaw raw niyang sumabay sa pagkain gayong ni minsan ay hindi naman nagtangka ang mga itong tawagin siya. Sa isang banda ay ayos lang iyon dahil wala naman siyang interes na makasabay sa pagkain ang mga ito. Baka kahit patis ay mawalan ng lasa sa kaniya kung masebong hilatsa ng mukha ng Tiya Rosa niya ang makikita niya gayundin ang malulutong na ngiti ng dalawa niyang mortal na kaaway sa mundong ibabaw. “Ano, sure ka na ba sa gagawin mong paglalayas? Kung ako kasi sa’yo, huwag na lang. Baka kung mapaano ka pa sa—” “Maglalayas ka?” Kapwa sila napalingon ni Chikki sa pinagmulan ng tinig na bigla na lang sumulpot sa likuran nilang magkaibigan. It was Carlo. Sa leeg nito ay naroon ang isang towel na ipinantutuyo nito ng pawis. Hindi mahirap hulaang galing ito sa paglalaro ng basketball sa gym kung ang pagbabasehan ay ang suot nitong jersey at ang dala nitong sports bag. “Tara na, Chikki. May klase pa tayo,” aniya sabay tayo pero hindi pa man nakahahakbang ay agad nang nahagip ni Carlo ang kaniyang palapulsuhan. “Sandali lang naman. Kadarating ko lang ah.” “Kaya nga. Kadarating mo lang kaya diyan ka muna. Kami naman ay kanina pa rito kaya aalis na kami.” Inalis niya ang kamay nito at saka humakbang. Kasunod naman niya ang nagmamadaling si Chikki. “Pero teka! Narinig kong sinabi ni Chikki na maglalayas ka. Bakit? Bakit kailangan mo iyong gawin?” “Secret!” aniya saka lalong binilisan ang paglalakad. “Hindi tama ang iniisip mo, Anastacia—” “Puwede ba, tigilan mo ang katatawag sa akin sa buo kong pangalan! Napipika na ‘ko sa’yo eh!” “All right, but did you get my point?” “Hindi rin!” “Saglit nga, Beshie! Napapagod ako sa inyo eh!” Nilingon niya si Chikki at ibig niyang matawa sa mukha nitong tila nilamukos na papel. “Gosh, gusto mo palang makipaghabulan, ikaw na lang! You guys are tiring me!” maarte nitong sabi. “Tumigil ka nga! May tiring-tiring ka pang pinagsasasabi diyan. Halika na at kailangan nating mag-usap!” Hinatak niya ito sa kamay at saka muling naglakad palayo kay Carlo pero sa malas ay mukhang desidido itong inisin niya. Sumunod na naman ito at ngayon ay nilampasan pa siya saka humarang sa kaniyang dinaraanan. “Umalis ka nga diyan, ano ba!” asik niya. “Hindi ako aalis hangga’t hindi mo ako kinakausap!” “Ano ba kasi ang problema mo?” “Ikaw ang may problema at gusto ko lang makatulong—” “Kung gusto mong makatulong, iwan mo ‘ko! Layuan mo ‘ko dahil ayoko na nang gulo, okay!” “Si Marsha ba ang inaalala mo? I don’t care about that woman. Ni hindi ko siya kaibigan kaya wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin niya oras na makita niya tayo.” “Pero gusto ka nga niya! Mahirap ba iyong intindihin? Kung ako sa’yo, ligawan mo na lang ang babaeng iyon para matahimik na!” “Bakit ko siya liligawan kung ikaw nga itong gusto ko!” Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. Kasunod niyon ay ang ilang segundo niyang pananahimik. “Hoy, Beshie! Natuka ka na ng ahas diyan! Gusto ka pala ni Carlo at gusto mo rin siya, ano’ng problema niyong dalawa?” Wala sa sariling napasulyap siya kay Chikki. “O, itikom mo iyan at baka may magdaang langaw ay ma-trap.” Itinuro pa nito ang mga labi niya na hindi niya namalayang nakaawang pala. Agad niya iyong itinikom at saka muling binalingan ang lalaking kaharap. “Ano’ng sinabi mo?” tulala pa rin niyang tanong. “Oy, bingi-bingihan!” panunukso ni Chikki. Siniko niya ito at saka pinandilatan ng mga mata. Ilang segundo rin bago ito nakahalata at saka sila iniwan. “Tinatanong kita kung ano ang sinabi mo.” “I said I like you,” ani Carlo sabay haplos sa batok. “Gusto mo ‘ko?” Hindi siya makapaniwala. Kung si Clifford nga at ang iba pang mga lalaking nagustuhan niya ay hindi siya pinansin, si Carlo pa ba na sikat nang basketball varsity player sa unibersidad ang magkakagusto sa kaniya? Anong kabutihan ang nagawa niya sa kapwa para bigyan ng gayong gantimpala? “Yes.” “You mean, you like me as…what? as a friend, right?” “What do you want to hear?” “Your answer,” pakli niya na tila hihimatayin na sa sobrang kilig nang mga sandaling iyon. “I like you as a woman…as a friend and—” “Ah, friend, sabi ko na nga ba—” “Wait,” habol ni Carlo nang tinangka niyang tumalikod. “As a friend and something more than that. Alam kong hindi ka manhid, Tasha. Alam ko ring alam mo ang dahilan nang pagsunud-sunod ko sa’yo. You can’t expect me to say everything in full details.” “So, ano iyon? Ayoko nang paligoy-ligoy, Carlo, Busy akong tao kaya gusto ko ay diretsahan!” “I already said I like you!” “Iyon lang?” Nadismaya siya. “What else?” “I mean, sunod ka nang sunod sa akin at parati mo akong kinukulit, tapos ay iyon lang ang dahilan? You just like me? So kung like mo rin si Hanna o si Marsha, susundan-sundan mo rin sila, ganoon?” “I will never do that because I will never like those girls, in the first place.” “Uy, I like that.” “What?” “Wala,” iling niya sabay talikod. “Wait!” He grabbed her wrist. Napilitan siyang lingunin ito pero dahil hindi niya inaasahang malapit na malapit pala ito sa kaniya ay halos nagkadikit na ang kanilang mga mukha. The bridge of his nose almost touched hers. It took them a few minutes staring at each other before Carlo released her. Noon lang siya natauhan at sa unang pagkakataon mula nang isilang siya ay tila nalunok niya ang dila. Literal siyang nagkandautal sa harap ni Carlo kaya minabuti na lang niyang manahimik. “Hindi ko alam kung ano ang definition mo sa panliligaw, Anastacia but I am willing to explore your vocabulary. Kung bibigyan mo lang ako ng chance, patutunayan ko sa iyo ang ibig sabihin ng I like you ko.” “Ah…g-ganoon?” He grinned sexily. “Oo. Ganoon.” “All right. So anong oras tayo uuwi sa inyo?” “Ha?” “Hindi ba at sinabi mo kaninang tutulungan mo ako sa problema ko? Ngayon naman ay kasasabi mo lang na gusto mo ako at patutunayan mo sa akin ang ibig sabihin niyon sa’yo. Sige, payag na akong patunayan mo iyon. Tulungan mo ‘ko.” “Paano?” maang nitong tanong. “Maglalayas ako sa amin at kailangan ko nang matutuluyan. Isama mo ako sa inyo.” “What?!” Napaismid siya sa matinding pagkagulat ni Carlo. “Ayaw mo?” “Hindi naman sa ganoon pero—” “Ayaw mo nga kung ganoon!” “Alam mo namang naglayas din ako sa amin, hindi ba. Mag-isa lang ako sa tinutuluyan ko. Baka isipin ng mga taong nag-asawa na ako kapag isinama kita doon.” Namilog ang mga mata niya sa ideyang pumasok sa isip. “Tama! Palabasin nating nag-asawa na ako para mag-alala nang husto ang tatay ko! Good idea!” “Ano?!” Higit ang naging panlalaki ng mga mata ni Carlo pagkarinig sa huli niyang sinabi.                                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD