Chapter 20

1710 Words

ISANG malakas na sampal ang ibinigay ni Tiya Rosa kay Anastacia. Pakiwari ng dalaga ay namanhid ang kanan niyang pisngi kasama na rin ang kaniyang punong-tainga dahil sa ginawa ng madrasta. “Oo, galit ako!” Dinuro-duro siya nito. “Galit ako sa’yo dahil kamukhang-kamukha mo ang nanay mo! Galit ako sa’yo dahil ipinapaalala mo sa akin sa araw-araw ang pagkakaiba namin ng iyong ina, at nagagalit ako sa’yo dahil sa tuwing makikita kita, naaalala ko kung paanong pinili ni Romeo ang nanay mo kaysa akin na tatlong taon na niyang kasintahan!” Napamaang siya sa narinig at hindi niya agad nagawang sumagot. “Nagulat ka?” Inabot ni Hanna ang mga kamay sa ina upang alalayan ito pero marahan nitong inalis iyon at saka muling bumaling sa kaniya. “Hindi mo alam?” Ngumiti it

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD